My Last Heart Break

8 0 0
                                    

Isang taon na ang nakalilipas simula na nangyari ang ensedenting yun.

Tatlong buwan mula non ay sabay silang humingi ng tawad sa akin, hindi ko sila kinausap dahil masakit parin yung dalawang taong emportante sa akin ang mismong nag taksil sa akin.

Nung Kasal nila, they invited me pero hindi ako pumunta. Nanganak narin si Louisa isang babae. Okay naman ang pag sasama nila at okay narin ako sa nangyari. Tanggap ko na siguro hindi lang talaga kami para sa isat isa ni Louisa.

I'm still on the process of moving on, I already accept it. Pero minsan masakit parin isipin.

Nag tatrabaho parin ako sa companyang pinag tatrabahoan ko lumaki na ang sweldo ko dahil naging supervisor na ako.

"Sir, lalim ng iniisip ah' " puna nitong kasamahan ko sa trabaho. Kagaya ko ay supervisor din sya. Jolly ang isang to sya si Alex.

"May iniisip lang " tipid ang ngiting sagot ko sa kanya.

"Naku sir, tigil tigilan moyang pag iisip at baka maaga kang tumanda nyan" ang sabi nya naman.

Maganda si Alex, sa katunAyan nga ay marami syang manliligaw pero palagi nyang binabasted dahil daw may laman na ang kanyang puso.

"Alex,may boyfriend ka na ba?" Wala sa sariling tanong ko sa kanya. Pero hindi nakatakas sa akin ang pamumula nya sa tanong ko.

"Naku sir, paano naman ako mag kakaboyfriend eh' busy kaiisip ang sinisinta ko sa past nya" sagut naman nya sa akin.

"Nasabi mo naba sa kanya na sinisinta mo sya?" Tanong ko

"Hindi pa po sir, busy nga sya eh' diba?" Sagot nya naman.

"Bakit hindi mo subokan"

"Pwede rin"  kibit balikat na sagot nya sa akin.

"Bakit, sino bayang gusto mo?" Tanong ko sakanya.

"Ikaw sir" walang reaksyon na sabi sa akin. Hindi ko alam kung pano mag react. Obvious naman na ako ang palagi nyang pinaparinig pero hindi ko nalang pinapansin.

"Oh see? Hindi ka makapag salita sir. Kaya ayaw kung sabihin eh' " dagdag nya pa.

Matagal talaga bago ako nakapag react. Tinitigan ko na muna si Alex, baka nagbibiro lang sya. Pero hindi talaga seryoso talaga ang kanyang mukha.

"Sir huh, baka ano nang isipin ko nyan"

"Lets give it a try" wala sa sariling sabi ko sa kanya.

"Huh?" Tanong nya.

"I said,  lets give it a try. Gusto mo ako diba? Then lets do it"

Nung una ay nagulohan sya pero kalaunan ay pamayag din sya. Nangako sya na makakalimutan ko daw ang nakaraan ko ang mapapalitan nya ang laman ng puso ko.

Hindi mahirap mahalin si Alex dahil sobrang bait nya, jolly sya, maganda at sobra nya ring talino. Hindi na ako na shock nong sinabi nya sa akin ang mga gusto kung ulam.

Umabot kami ng isang taon,  at natutunan ko na syang mahalin.  Yung mga pilit kong ginagawa nuon ay nagiging kusa na.

Kusa nalang akung napapangiti kapag nababasa ko ang mga sweet text nya. Kusa akung napapareply ng mga sweet message din sakanya. Kusa na akung nag A'i love you sa kanya.
Kusa nang hinahanap ng pagkatao ko ang presinsya nya. Kusa ko na syang namimiss.

At sa mismong araw na ito ay sasabihin ko na sa kanya na mahal ko na sya. Na hindi nya na kailangang palitan ang nasa puso ko dahil sya na ang laman nito. Napatunayan kong sya na talaga ang mahal ko nung nakita ko si Cliff at si Louisa dala ang anak nila. Kusa nalang na ngumiti ako sa kanila, seguro dahil may mahal na talaga akung iba. At yon ay si Alex.

Andito ako sa mall nag hihintay sa kanya. Nag text kasi ako sakanya kanina na magkita kami dito. Nag reply panga sya agad. At excited daw sya na makita ako, dahil miss na miss nya na daw ako.

Nakangiti akong nag hihintay dito nang biglang nag ring ang cellphone ko. Nang tiningnan  ko ito ay si Alex ang tumatawag kaya nagmadali akung sinagot to.

"Where are you na?"   May halong excitement na tanong ko sa kanya.

"Sir.  ." Bigla akung natigilan ng matantung hindi boses ng girlfriend ko ang nag sasalita sa kabilang linya.

"Who are you? Bakit nasayo ang cellphone ng girlfriend ko?" Tanong ko sa kabilang linya, pero ang puso ko ay gusto ng sumabog sa sobrang lakas ng kabog.

"Sir, nurse po ako. Andito po sa hospital ang girlfriend nyo. Naaksidente po kasi ang. . . ."  Sa narinig kong sinabi ng nurse ay bigla kung nabitawan ang cellphone ko at napatulala.

Kusang tumulo ang mga luha ko. At patakbong tinahak ang daan papunta sa hospital. Wala akung pakialam basta ang gusto kulang ay makita si Alex. Marami pa akong gustong sabihin sa kanya.

Yan ang mga iniisip ko habang tumatakbo. Malabo narin ang paningin ko dahil sa dami ng luha na tumulo mula sa mga mata ko.

                  * * * * *

10 years later

Someone's Point of View

"Father ano napong nangyari dun sa girl? E yung boy po? Nasabi nya po ba na mahal nya si Alex?" Tanong ng isang batang babae kay sa Pari na dumalaw sa kanila sa ampunan.

"Hindi naabotan ni Mike si Alex na buhay. Nanghinayang sya dahil marami syang sinayang na pagkakataon. Pero natanggap nyarin naman sa tulong ng pamilya ni Alex at ng pamilya nya" nakangiti namang sagot ng Pari sa batang babae.

"Eh' nasan napo sya ngayon?"

"Napag isipan nya na dapat ang dios nalang ang pag laanan nya ng kanyang pagmamahal. Kaya naisip nalang nya na mag Pari"

The end.

By: Mysisterzsister

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 28, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My First And Last Heart BreakTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon