Chapter 32 : Mitzi&Ace [SIDESTORY]

286 7 1
                                    

Note : Ang mababasa niyong chapter na ito ay ang mga pangyayari sa araw ng performance ng 'Girls&Boys'.Pinaghiwa hiwalay ko na ang mga couples para hindi ako mahirapan.Pakiintindi nalang po.Salamat.

--------------------------------------------------------------------------------------------------
Mitzi's POV

"Ya jogging lang po ako ha." nagpaalam na ko kay yaya at lumabas na ko ng bahay.

Pumunta ko sa pinakamalapit na park para magpahinga.

"Mitzi ?" napalingon ako sa nagsalita

Si Ace ??

"Oh .. nagjojogging ka din pala ?"

May atraso pa sakin 'to eh -_____- Yung nilayasan niya ko sa ospital kahapon.

"Ah oo.Ikaw ?Matagal ka ng nagga-ganito ?Ngayon lang kasi kita nakita dito sa park." tanong niya

"Nagjojogging lang kasi ko sa subdivision namin,since napaaga naman ako kaya naisipan kong dito na ko tumuloy."

He just nodded then he sit beside me.

Nakatingin lang kami ngayon sa sunrise.Ang gandang tignan dahil may dagat pa at kitang kita mo ang kulay ng araw.

Napatingin ako sa kanya at di ko ineexpect dahil nakatingin din pala siya sakin.

A W K W A R D >________<

"Mitzi .. ahm .. m-may .. a-ano .."

Hindi ko maintindihan yung sinasabi niya -___-

"Ano yun Ace ?"

"Ah .. ano .. may e-esco-co ..

Alam ko na itatanong nito.

"Wala pa.Gusto mo ikaw nalang ?" nagsmile pa ko habang sinasabi ko yan

Nanlaki naman yung mata niya at medyo napanganga pa.

"T-Talaga ?!" tanong niya sakin sabay hawak sa kamay ko

Ang babaw naman ng kaligayahan nito.Para siyang nanalo sa lotto nung sinabi ko na siya nalang ang escort ko.Kumikinang pa yung mga mata niya.

"Ah .. oo." hinila ko yung kamay na hawak niya

"So-sorry." napayuko nalang siya at yung kaninang masaya na Ace ay biglang nalukot yung mukha.

"Ahm .. Ace may nasabi ba kong mali ?" tanong ko

Tinitigan niya ko tapos tumingin naman siya sa dagat.

"Mitzi,bakit wala ka pang boyfriend ?" out of the blue bigla niyang tinanong sakin yan.

"Ha ?Syempre busy ako sa pagaaral."

"Sige sabihin na nating busy ka sa pagaaral,pero .. nainlove ka na ba ?"

DUG.DUG.DUG.DUG

Bigla akong kinabahan sa tanong niya na yan.

"Ha-ha .." I fake a laugh

Kung sasabihin ko bang meron .. at kung malalaman niya kung sino .. pagkakalat niya kaya ??

"Nainlove ka na noh ?" tinignan niya ko at nagkasalubong ang tingin namin sa isa't isa

Umayos ako ng upo  at nilingon ko nalang yung dagat katulad ng ginawa niya kanina.

"Oo nainlove na ko,pero siguro kung iisipin,it's just a puppy love.Bata pa lang ako gustong gusto ko na siya.Siya kasi yung tipong mabait,gentleman,may sense of humour at gwapo.Kaya naisipan ko na magpakatalino,maging top one lagi kasi classmate ko siya.Kita mo ?Bata pa lang ako nerd na ko kaso dati sobrang pangit ko.Chubby,maliit,may braces,maiitim at sobrang laki ng eyeglasses ko.One time,inaya niya ko sa isang playground na kaming dalawa lang at may inamin siya sakin .. (napatingin ako sa kanya na may halong lungkot ang mga mata ko) ... alam mo kung anong inamin niya ?Sinabi niya sakin na may gusto siya ... pero hindi sakin kundi kay Ashlen."

My Fake Gangster Boyfriend (SLOW UPDATE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon