4 - Girlfriend for Hire

1.1K 36 9
                                    

4 - Girlfriend for Hire (complete)

by Yam-yam

Synopsis:

Hmm, sino pa ba ang hindi nakakabasa ng riot na story nila Brylle at Nami? Nagsimula lang naman ang lahat ng storya nila dahil sa strawberry cake na pinag-agawan nila Nami at Brylle na humantong sa pagpapanggap ni Nami bilang fake girlfriend ni Brylle kapalit ng condo at allowance.

Isang ulila si Nami dito, patay na ang ama nia at iniwan naman sya ng ina nya. Kinupkop lang sya ng tiyahin niya at inilagaan. Isa syang scholar sa paaralang pagmamay-ari nila Brylle. Isang matalino academically pero slow naman sa mga simpleng bagay.

Si Brylle naman dito ay apo ng may-ari ng paaralang pinapasukan ni Nami. Gwapo at sikat dahil may maisisikat. Gaya nga ng sabi, ngsimula ang lahat dahil sa iringan nila Nami at Brylle dahil sa iisang strawberry cake na pinag-aagawan nila. Dahil dito, dineklara nilang dalawa ang away nila sa isa't-isa. Naging close lang talaga sila dahil sa ginawang pag-alis ni Nami kung saan napadpad sya sa isang parke at dun nakita sya ni Brylle kung saan dinala sya sa bahay nila at tinulungan. Dahil sa pinipressure si Brylle ng lolo niya na mgka girlfriend ay inalok nya si Nami na magpanggap kapalit ng ng condo at allowance sa loob ng tatlong buwan. At dito na nagsimula ang riot sa pagitan nilang dalawa.

Reviews and Opinions:

Cliche na siguro yung mga ganitong storya, tungkol sa mga pagpapanggap na nauwi sa pag-iibigan ng dalawang bida. Pero wag ka, ang kaibahan lang naman ay kung paano na isagawa o na ideliver ng tama at kaaya aya ang isang storya.

Ito na ata ang pinakanakakatawang story dito sa wattpad na nabasa ko. As in super laughtrip ako dito. Kay Lolo pa lang ni Brylle grabeh na. Hahahah. Yung mga eksena kasi dito halos patawa lang lahat. Simula doon sa pag-aaway nila Brylle at Nami dahil sa strawberry cake hanggang sa pagganti ni Brylle kay Nami sa pagsasaboy ng buhok ng manok hanggang sa pagsuntok ni Nami sa kanya. Grabehh.. Naubos ang hininga ko sa kakatawa nito. Hahaha. Halos lahat ng scene dito puro patawa. Meron pa nung ng first monthsary nila Brylle at Nami na may ginawang surprise si Lolo, may ginawa ba namang presentation na sana buntis na si Nami. Hahahaha. Kakatawa talaga ang Lolo dito ni Brylle, sinamahan mo pa ng driver nila na ever supportive sa mga plano ni Lolo.

Syempre pa meron ding pampagulo dito, si Tom, isa sa mga bestfriend ni Brylle na umibig kay Nami. Hmm, muntikan na akong bumoto kay Tom eh dahil siguro sa pagmamahal niya kay Nami. Grabeh din. Pero wag kayo kay Nami, ang daming lalaki sa buhay. Andyan na nga si Tom, may Chef TJ pa, andyan pa si Hell at may isa pero nakalimutan ko yung name nya.  Grabeh din yung eksena ni Nami at Hell, sabayan mo pa nung sagutan ni Nami at ng Tita ni Brylle. Galing lang talaga ng pagkakagawa ng scene na yun. Ang tali-talino kasi kung babasahin mo, may lalim ika nga.

Pero dumating yung point na nagbalik ang ex ni Brylle,si Elida, na naging dahilan ng pagkakalabuan nila Nami. 

Ang pinakanagustuhan ko dito sa story na to is yung consistency nya. Bakit ko naman nasabi yun? Hmm, kasi consistent yung characters dito. Ika nga, napanindigan nila kung ano sila sa simula hanggang sa wakas. Consistent din yung pagpapatawa dito. Walang patapon na chapters dito. Walang itulak kabigin. Kung gusto mo lang sumaya eh san ka pa? Basahin mo na to. 

Ang buong akala ko puro patawa lang to, pero nung nasa mga last 10 chapters na lang ata, di ko inakala na ganun pa la kung magpaiyak si Ms Yam-yam. Kala ko comedy lang ang forte nya eh pero pati drama pala sinakop na nya. Hay grabeh ang iyak ko dun sa adobo scene ni Brylle. Nagalit pa nga ako kay Brylle nuon eh dahil sa pakikipag break nia kay Nami ng ganun-ganon lang. Pero may dahilan pala kung bakit. Ang sakit lang ng scene na yun ng ipagtabuyan niya si Nami at nahulog yung niluto ni Nami na adobo. Akala ko ganun na lang pero ang di ko inakala ay nung pagkaalis ni Nami kinuha ni Brylle ang adobo  maski nahulog na at kinain dahil gawa daw iyon ni Nami. Iyak ako ng iyak dun kasi akala ko wala na talaga syang pakialam kay Nami pero dun ko napatunayan na mali ako nung pinilit pa ring kainin ni Brylle yung maduming adobo. San ka pa diba?

Kaya naman Ms Yam-yam, saludo ako sayo. Hindi ko talaga napaghandaan yung scene na yun. Ang galing at ang talino ng pagkakagawa mo. Di mo lang ako pinatawa kundi pinatawa mo rin ako. Thank You!

Sya nga pala, may book 2 na ito, Officially His Girlfriend. Hindi ko pa sya nasisimula kasi babalikan ko pa yung book 1. Inintay ko pa kasing matapos ang book 2 before ko sya basahin.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 22, 2013 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

4 - Girlfriend for HireWhere stories live. Discover now