“Wah naka gold din ako!”
“Ate shut up! I’m trying to sleep here.”
“Ay sorry bunso hehehe.”
Sa sobrang pagkaboring ko ay naglaro nalang ako ng Rally 3D dito sa cellphone ni Kuya Roger. Ito yung kotse-kotse basta ganon, kanina pa kase silver ang nakukuha ko at sa wakas gold narin ang nakuha ko. Ang galing ko, SHEET!
Ah nga pala nasa kotse kame kasama ang kapatid kong si Dave tyaka si kuya Roger na driver namen. OTW to Manila, babalik na kame sa Manila para mag continue ng study. Sa Manila daw kase kame magco-college kaya dapat pamilyar na kame sa lugar para hindi daw shushunga-sunga.
Medyo matagal na din kase nung tumira kame sa Manila, well nasa Manila na pala kami dahil sa sign na “Welcome to Manila” na nabasa ko.
“Kuya Roger , malapit na po ba tayo?”
“Mga isang oras pa Grace.”
“Ay ganon? Ano bayan.”
Dahil tinatamad na akong maglaro ng Rally 3D ay Bounce Tales nalng yung pinagdiskitahan ko hanggang sa malowbat yung cellphone. Yung cellphone ko naman ay kanina pa lowbat kakagamit ko. Sa sobrang boring ay natulog na lang din ako.
“Ate andito na tayo.”
*poink*
*poink*
“Ui ate!!!”
*pak*
“Aray naman bunso, bakit mo ako sinampal?!” ito talagang kapatid ko oh, grabe.
“Eh kase naman ate kanina pa kita ginigising eh. Andito na kaya tayo. Nadala narin nila ate Inday yung gamit naten.”
“Huh?” Tinignan ko yung labas,nandito na nga kame. Sa sobrang excite ko ay iniwan ko na yung kapatid ko at lumabas. Wah! Nadito na nga ulit ako. Sa Manila, alive and kicking.
“Welcome back!” Ayan agad ang bungad samen nila ate Inday at nay Rose. Yie namiss ko sila.
“Namiss po namen kayo!” sabay na sabi naming ni bunso. Close kasi talaga kame sa isat-isa.
Naghanda pala sila ate Inday at nanay Rose kaya madameng laman yung tiyan naming. Napagod kame sa byahe kaya knock-out agad kame. Ay teka lang bago ako matulog mag-iintroduce muna ako, nahiya naman kase ako sa sayo.
Ako nga pala si Grace Montaigne, 15 years old and 3rd year high school na next week. Maputi daw ako, hindi mataba tapos uhmm hays ang hirap naman magintroduce. Medyo maikli ang buhok ko tapos black-brown ang eyes ko. And I beleive na mali ang spelling ng beleive ko dapat B-E-L-I-E-V-E. Yeh! Ok done na, good night na.
*Zzzzztt*
*Zzzzztt*
“Yaya lalabas lang po ako ah, saglit lang.”
Bago pa ako di payagan ay umalis na agad ako,nakasakay ako sa bisikletang dala namin. Maaga kasi akong nagising ngayon kaya gusto ko munang ikutin tong village namin, ang lamig. Buti nalang eh nagjacket ako pero medyo maikli lang ang short ko but okay lang uso naman ito eh.
Ang gaganda ng bahay dito sa village namin. Ang pangalan pala ng village namin ay Star, ganda diba? Medyo malayo na ko ng may nakita akong ministop. Buti nalang 24/7 to. Ayos! Nauuhaw na kasi ako. Bumili ako ng mogu-mogu and m&m. Umupo muna ako, ako lang kasi ung costumer pero maganda nga kase tahimik.
Nasa kalahati na yung m&m ko ng may lalakeng pumasok sa ministop. Halatang nag jogginh dahil sa suot niya tyaka basa yung buhok niya pati yung muka. Ang wafu shet tapos amputi pa, ganda rin ng katawan. Ay nako naman Grace an gaga-aga! Pero pedeng pede. Haha!Nagfocus nalang ako sa pagkaeng favourite kong m&m, baka sabihin nyo kase malande ako. HINDI NAMAN EH!
Kaso gusto ata ng tadhana na maglandi ako. Umupo kasi siya sa tabi ng inuupuan ko.TInignan ko siya, hmm ang wafu nga talaga. Ang kinis pa ng mukha, kulay itim yung mata tapos basta gwapo. Ininom niya yung tubig na binili niya ata tapos tumingin sa akin.
“Hi." Bigla siyang nagsalita, nginitian ko lang siya.
“Bago kaba dito? Ngayon lang kasi kita nakita eh.”
“Oo.”
“Nice, saan ka banda?” Tinaasan ko siya ng kilay. Aba hindi porket wafu siya ay sasabihin ko ang tanong niya saken.
“Do I know you ba?” Masungit kong sabe.
“Oh sorry, I’m William Addison.” Naglahad siya ng kamay, shake hands daw kame? Psh andameng alam. Kinain ko muna yung m&m a nasa kamay ko, bago ito ishake. Hmm sarap tlaga ng m &m. Kung pedeng ito lang kainin ko lage lage eh Kaso baka tumaba ako.
“Grace.”
“Hi Grace, nice to meet you.”
“Yeh yeh you too.” Alam kong medyo ewan ako, kase hindi ko naman kasi siya kilala taka sabe ni mama sdon’t talk to strangers. Pero ngayong kilala ko na siya. I think ok na? Di na naman ako bata eh.
Nag-usap lang naman kame, 16 years old siya tapos medyo malapit lang pala yung bahay nila sa amin. Okay naman siya, nakakatawa siya tapos pogi pa. Haha. Ung ubos na yung m&m ko ay nagpaalam na ako tyaka 7:30 am na din kase baka hinahanap na ako nila. Hatid na niya daw ako, kaya sabay kame. Bale ang nangyare eh siya yung nagpaandar ng bisikleta nasa likod niya naman ako. Sweet diba? Pero HINDI TALAGA! Ilang beses na kaya kameng muntik matumba, grabe naloloka ako dito sa lalakeng ito. Buti nalang buhay pa kame nung nakabalik kame.
“Thanks, akala ko talaga masungit ka, Haha.”
“Pag trip ko lang.”
“Edi trip mo pala ako kanina.” Nagpout siya
“Oo, alis ka na nga.”
“Wala man lang thanks.”
“Thanks? muntik mo na akong patayin.”
“Sorry na nga po, ngayon lang kase ako nag-angkas. Bigat mo kase eh.”
“Ano?!”
“A-ahh wala, hehehe.”
“Tsk. Sige alis na. Shu-shu.”
“Alright, bye sungit.”
“Sungit your face!”
Iniwan ko na siya sa labas, pumasok na kaagad ako. Ok binabawi ko na medyo nakakainis na siya. DIi ko siya papansinin, akala niya ah.
“Ikaw talaga Grace, saan ka ba galing? Pinag-alala mo kame eh. Okay ka lang ba? Baka anong nangyare sayo! Haizz.”
“Hahaha nay Rose, nagpaalam naman ako eh, tyaka okay lang po ako. Matanda na po ako.”
“Ewan ko sayong bata ka, basta wag mo na uulitin yon ah.”
“Hehehehe, magbibihis lang po ako sa taas.”
Tumakbo na ako papuntang kwarto ko,mutik pa akong madapa. Baka kase bukas pa kame matapos sa pag-uusap ni nay Rose. Nung sumunod na araw ay hinigpitan na ako nila nay Rose. Grabe naman gusto ko lang naman mamasyal. Psh namiss ko na tuloy yung wafu na yon. Ay hayaan mo na nga, malapit narin yung pasukan kaya dapat magready na ako. Siguradong madameng mas wafu dun sa wafung yun.
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
HELLO PO SAYO! SALAMAT SA PAGBABASA.
SANA NAGUSTUHAN MO PO. :)))
PASENSYA NA KUNG MAY MALING WORDS. ^___^v
MASMAKIKILALA MO PA PO ANG CHARACTERS SA NEXT CHAPIESSS <3 <3