AIM 1
Shy POV
First day of classes kaya diretso agad kami sa may bulletin board. Every school year kasi ay nire-reshuffle ang mga students dito kung saan ang kani-kanilang respective classes. Hindi dito homogeneous na pinagsasama-sama lahat ng mga brainiacs. Every section can excel, wala kasi ditong star section. Pantay-pantay lahat at walang discrimination.
Excited na excited si bestie na lumapit at inisa-isa ang mga list. Inuna niya ang III-Blue kung saan si Miss Baramedes ang adviser. Mabait siya at magpagmahal sa kanyang mga estudyante. Naging teacher na namin siya sa General Science noong 1st year.
(Nabigla na lang ako ng tumili si Rish. Kaloka talaga ang babaeng ito.)
"Uy! Napano ka na jan? Wala namang ipis dito." ganyan kasi siya makatili kapag nagkikita ng ipis.
"Nadito kasi ang name ko sa list ng III-Blue (tinuro niya ang name niya). Andito din si Jhade at pati si Ciel. Wait lang, P...P...P" hinahanap niya ata ang surname ko sa list.
"O, nakita mo?" tanong ko sa kanya.
"Wala nga bestie eh! Huhuhu T_T. Ikaw lang ang napahiwalay sa ating apat." mukhang nalulungkot talaga siya.
"Patingin nga." sinimulan ko sa simula list ng III-Blue, baka naligaw lang kaya wala sa alphabetical.
Kaso nahagip ng aking paningin ang aking Ex no.1, Kyle Johnson Rodriguez. My first boyfriend slash first love.
Mahal ko pa rin siya kaya hindi pa rin ako maka-move on. Ex no.2, Kean Justine Romualdez. The ever antipatiko na feeling na gusto ko pang makipagbalikan sa kanya. Ewan ko nga kung bakit naging boyfriend ko iyan, siguro hinipnotize ako. And Ex no.3, Mark Andrews Bermudez. Sweet and charming noong una, kaso iyon pala'y psychotic at masyadong possesive. Nasakal ako kaya ibi-nereak ko.
Kinilabutan ako ng oras na iyon. Ano kayang mangyayari kung makasama ko sila sa iisang classroom. Riot na 'to. Buti na lang at mukhang sa ibang section ata ako. Isasakripisyo ko nang mahiwalay sa mga bestfriends ko kaysa makasama ko silang tatlo. Palagi pa rin naman kaming nagkakasama.
"Hoy! Natulala ka na dyan. Ano ng nangyayari sa'yo. Kanina ka pang absent-minded. May problema ba?" puna ni Rish.
"Tingnan mo oh!" Tapos itinuro ko sa kanya ang list ng boys. Mukhang na-stock din siya sa kanyang kinatatayuan. Hahaha XD. Oh ano ngayon.
"Oh no! Eh 'di wala na sa option mo ang lumipat pa sa section namin. Sayang talaga magkakahiwa-hiwalay na tayo. Huhuhu :'( "
"Grabe ka namang makaiyak, eh ako lang naman ang napahiwalay sa inyo. Magkakasama pa rin naman kayong tatlo. At saka ano ka ba, ang OA mo na. Magkalapit lang naman ang bahay natin, nasa iisang school lang tayo. Naghahang-out tayo tuwing weekends. Magkikita at magkikita pa rin tayo. Smile ka na =) " I smiled generously.
"O sige na nga. Kung iyan ang desisyon mo. Pero bago iyan, hanapin muna natin kung saang section ka."
Inisa-isa niya ang bawat section. Wala sa III-Gold, sa III-Purple, III-Cyan at III-Peach. Last option na lang ang III-Pink. Sana nandito na ako. *crossed finger* >_<
"Bestie, Wala ka pa rin dito!"
"Paanong wala. Nag-enrol naman ako. Nag-enrol ako...AKO...AKO. Sabay-sabay pa nga tayo hindi ba?"
"Oo nga eh. Halika samahan kita sa registrar. Tanong natin kung anong problema."
Tumu-ngo na kami sa registrar's office. Hinihingal kami noong nakarating doon. Eto kasing si Rish hinila-hila ako at tumakbo pa. Pagpasok namin ng office, walang tao. Nag-hihintay pa pala kami.
BINABASA MO ANG
Aim Towards You (HIATUS)
Ficção AdolescenteIsang ordinaryong pangyayari sa isang high school student ang matutunan ng magmahal kahit sa murang isipan. Ngunit paano kung hindi lang pala ito isa? dalawa? kung hindi LIMA. Wait bawasan pala natin, apat na lang. Singit kasi ang isa. Subaybayan an...