Chapter 1: First Day of School

34 1 2
                                    

"Hayy, 3rd Year na ko.. Magiging Exciting to!" nasa isip ni Daniel habang nag-aayos para pumasok sa kanyang bagong school, ang WSHE, o Willard School for Higher Education. Transfereekasi siya since binubully siya sa dati niyang school, ang UEIHS, o University of the East Immaculate High School [Division]. Siya ang Valedictorian sa klase kaya ganun narin karami ang haters na nambubully sa kanya. Kung ikaw nga naman ang nasa posisyon ni Daniel, anong pipiliin mo, Pagpupuri bilang Valedictorian pero maraming nambubully sayo? O Lumayo nalang? Siyempre, lumayo muna. Subukan muna sa ibang school. If magsucceed, then go for it.

Nang nakarating na siya sa bago niyang school, natuwa siya sa ganda nito. Malaki rin ang school kumpara sa UEIHS. "Wow, mukhang magiging masaya ako dito." Sabi niya sa kanyang sarili. Nang nakarating na siya sa classroom, laking gulat niya nang makita niya ang Salutatorian ng kanilang klase sa UEIHS, si Nathan Agoncillo. Umupo si Daniel malapit kay Nathan, dahil alam niyang si Nathan lang ang kaclose niya noong araw na yon, at si Nathan lang ang makakausap niya nang hindi awkward. Nagtransfer din si Nathan dahil hindi na gusto ng mga magulang niya ang sistema sa UEIHS.

"Daniel? Ikaw ba yan? What a coincidence! Hanggang ngayon magkaklase parin tayo, malipat man ng school!" Sabi ni Nathan kay Daniel. "Oo nga, tadhana nga naman. Haha." 

"Okay good morning class." Sabi ng adviser nila na kararating lang. "Good morning sir." Nagsitayuan sila at bumati. Tuwang tuwa sila Daniel at Nathan dahil mabait ang kanilang adviser at mababait ang mga kaklase nila. "Mukhang magtatagal tayo dito. Walang bully, lahat mukhang mabait." Bulong ni Daniel kay Nathan. "Oo nga! Maayos rin ang sistema ng school. Mukhang dito na talaga ako hanggang grumaduate." Pabulong na sagot ni Nathan kay Daniel.

Pagkatapos ng klase, nilibot muna nila ang buong school. Habang naglalakad papunta sa hintayan ng taxi, nagkekwentuhan ang dalawa tungkol sa dati nilang school at sa WSHE. Matapos nun, naunang sumakay ng taxi si Daniel. Sumakay na lamang ng FX si Nathan.

Destiny: Unexpected Love (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon