Chapter 2: Love at First Sight?

15 0 0
                                    

Second Day of School..

Naghahanda na si Daniel para pumasok, dating gawi. Nagkita sila ni Nathan, Attended the class, Class dismissed!

Pumunta muna sila sa foodcourt, pero pinauna muna ni Nathan si Daniel para makakuha narin ng table si Daniel. "Daniel, mauna ka na dun sa foodcourt, kumuha ka na ng table. Susunduin ko lang yung isa kong kaibigan. Wag kang mag-alala ipapakilala ko siya sayo." wika ni Nathan. Dumating si Nathan, kasama ang kanyang bagong kaibigan. Si Julia, Julia Galang.

Alam niyo ba yung mga kaganapan sa TV na nababangga ng lalaki yung babae, sabay malalaglag yung mga libro na dala nung babae? Ganun ang nangyari kila Nathan at Julia. Ang awkward lang, kasi si Julia ang nakabangga kay Nathan. Baliktad talaga.

"Daniel, ito nga pala si Julia Galang, ang bago kong friend dito sa WSHE." sabi ni Nathan kay Daniel. "Julia, siya nga pala si Daniel Cruz, kaklase ko dati sa UEIHS, siya yung Valedictorian namin last school year." wika ni Nathan kay Julia. Nagkamayan ang dalawa, pero natulala sila sa isa't isa. Ginulat sila ni Nathan. "Huy! Natulala na kayo diyan!" Love at First Sight na kaya ito?

Umorder na silang tatlo. Si Nathan ay nag-order sa isang Sizzling Plate Stall. "Oh, anong oorderin mo? Dun lang ako sa Happy Bee." Sabi ni Daniel kay Julia. "Happy Bee? Sige dun na rin ako oorder. Parehas nalang tayo ng order. Ayokong pumili eh. Kahit ano nalang. Eto bayad." Inabot ni Julia ang pera niya kay Daniel, at pumunta na sa Happy Bee si Daniel para umorder. Bumalik na si Daniel dala ang pagkain nila ni Julia. Nakita niya na nag-uusap si Nathan at Julia. "Oh, ayan na pala si Daniel. Kain na kayo."

Masaya silang naguusap-usap, pwera kay Daniel at Julia, na awkward sa isa't isa.

Pagkatapos nilang kumain, umuwi na ang tatlo. Inadd ni Julia si Daniel sa Twitter, at dun nagroup chat silang tatlo. Medyo nakapagpuyat sila, tapos narealize nalang nila na maghahatinggabi na, kaya naghanda na sila ng gamit sa school at natulog.

Ano kaya ang mangyayari on the next day?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 04, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Destiny: Unexpected Love (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon