Hello Kuya! I moved on. (One shot)

1K 29 14
                                    

HELLO THERE! Ito po ang Part 2 ng Goodbye Kuya! I love you. Ako din po si Sobreline at nakalimutan ko lang yung pw ko dun kaya boom! Hahaha. Nasa external link po yung Part 1! Kung di nyo pa nababasa, huehue ^__^ Diba sabi ko kahit walang magbasa, okay lang. Kaya eto na. Hahahaha. HELLO KUYA! I MOVED ON.

December 12.

3 years..

Almost 3 years na kong nandito sa America.

Dito ako pinagstay ni Tita Aubrey-- I mean Mommy Aubrey-- with Mama Sarah habang nagiisip at pinapalaya ko ang sarili ko sa lahat ng sakit na pinagdaanan ko nung nasa Philippines pa ko.

And to my surprise.. nakayanan ko.

I thought matutulad na ko sa mga napapanood ko sa TV..

Habambuhay nang magmumukmok..

Hindi kakain..

Iiyak lang ng iiyak..

Magagalit sa mundo..

Hindi matatanggap lahat ng nangyari..

At mai-stuck na lang sa past, sa nakaraan.

Pero maybe this is my fate. This is my destiny.

"ADA! BABY! Baba ka na! He's here!"

Narinig kong tawag ni Mama Sarah so I rushed to walk down the stairs while fixing myself up.

"Coming!"

Nang makababa na ko..

There he is. Wearing his sweet smile while extending his arms to give me his warm hug.

"Goodmorning babe. I missed you" Napangiti naman ako.

"But you just left for-- I guess-- 10 minutes"

Bumitaw naman sya sa hug then looked at me, still, with his smile. :')

"Yes. I know. But you know that I can't live even a second without you" He pinched my nose and kissed the top of it.

I just can't still believe it..

Hindi lang ako makapaniwala na sa kabila ng lahat ng paghihirap at kamalasan ko sa buhay..

Makakatagpo pa din pala ko ng isang lalaking alam kong kailanman, hindi ako sasaktan.

At higit sa lahat.. hindi ko kapatid o kuya.

"I love you AdaBabe"

"I love you more AdamBabe"

**

"Ada, baby, nakaayos na ba ang gamit mo?"

"Yes, ma" Sabi ko habang sinasara ang zipper ng maleta ko.

Yes. I'm okay.

3 years is enough for me to move on. To let go. And to accept the fact that I can't have him anymore. Besides, I'm already happy. Very happy with my babe, Adam.

"Hindi nga, anak? Kaya mo na ba? Sure ka na ba dito? Okay lang naman kahit--" Pinahinto ko na si Mama sa pagsasalita nung niyakap ko sya.

"No Ma. Kaya ko na po to. Masyado nang matagal ang 3 years para magstay pa dito. Also, I want to celebrate my birthday sa Pinas. As well as Christmas" Hinigpitan naman ni Mama ang pagkakayakap sakin.

Naiiyak naman ako..

"Hay Ada. Dalagang dalaga ka na. Proud na proud ako sayo. Sobra.."

Pilit kong pinipigilan ang pagpatak ng mga luha sa mata ko. Si Mama naman kasi eh. Ang drama drama :'(((

Hello Kuya! I moved on. (One shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon