Chapter IX: Aftermath

6.1K 106 3
                                    


"Ang gwapo niya, yung chinito niyang mata, yung ilong niyang matangos at yung lips niyang parang sobrang lambot, para siyang isang anghel na bumaba mula sa langit." Raiven Kyle Del Valle

 

 

 

Chapter IX: Aftermath

 

 

Raiven's P.O.V.




"Kyle baby may pupuntahan tayo?" Sabi niya sakin.

 

 

 

"Saan?" tanong ko.

 

 

 

"Basta sumama ka na lang." Sabi niya sakin. Sumama lang ako sa kanya. Dinala niya ako sa isang lugar na napaka espesyal sakin. Ang puno kung saan naging kami ng taong kasama ko, Kung saan una niya akong hinalikan.

 

 

 

"Bakit tayo nandito? At bakit may table dito na may flowers at candle?" Tanung ko sa kanya.

 

 

 

"Masama bang maging sweet sa taong pinaka-mamahal ko?" Pabalik niyang tanong. Hinalikan ko na lang siya sa labi pero smack lang. Pagkatapos nun ni-lead niya ako sa upuan. Ang sarap ng pagkain na nakahain dun. I'm sure siya ang nag luto ng mga yun. Habang kumakain tinititigan niya ako.

 

 

 

"May dumi ba sa mukha ko?" Tanung ko sa kanya

 

 

 

"Wala naman. Ang cute mo kasi eh." Sagot niya sakin sabay pisil sa cheeks ko. Sobrang sweet niya talaga ngayon. Pagkatapos naming kumain tumayo siya at lumapit sakin.

 

 

 

"Can we dance?" Tanung niya sabay offer ng kamay niya sakin.

 

 

 

"Sure." Sabi ko at kinuha ko ang kamay niya at tumayo ako at isinayaw niya ako. Ang ganda ng background music, River Flows In You. Habang isinasayaw niya ako bigla niya akong yinakap, yakap na sobrang higpit, yung yakap na parang ayaw niya akong pakawalan.

 




 "I'm breaking up with you." Bigla niyang bulong sakin. Nagulat ako at napahiwalay sa yakap niya. 

How To LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon