Chapter VII - Tulog na Payaso

5.8K 254 31
                                    

"Let me go! Let me go! Let me go!!!" sigaw ni Jermie habang malakas na pinaghahampas ang dibdib ng taong marahas na humablot sa kanya.

"Hey! Hey Jermie, relax! It's just me!"

Humihingal na iminulat ni Jermie ang mga mata nang marinig ang pamilyar na boses. Bahagya siyang napaatras bago pinunasan ang mga luha nang makita ang mukha ng kaharap. "M-Mike?"

May ilang minuto ring halos sumakit ang tyan ni Mike sa kakatawa bago tuluyang nahimasmasan. Mula kasi nang makita nitong pumasok ng mag-isa si Jermie sa loob ng auditorium ay may kung anong pumasok na kalokohan sa isipan. Kaya kinausap nito si Mang Tonyo at ang gwardiya na anumang sigaw ang marinig mula sa auditorium ay h'wag nang puntahan dahil bibiruin lamang nito ang kaibigan.

"F*ck off! What's your problem Mike!?" malakas niyang tinulak si Mike bago galit na galit na nagsimulang maglakad palampas dito.

"Uy, wait lang! Joke lang 'yun hwag ka ng magalit oh," ani Mike habang sinasabayan ang mabilis na paglalakad ni Jermie.

"Ewan ko sa iyo! That was not a good joke!"

"Kaya nga nagso-sorry na ako. Hindi ko naman ine-expect na matatakot ka ng sobra. Sa sobrang tagal nga ng paghihintay ko sa ito dito, ako pa yata ang mas nagulat at natakot sa lakas ng tili mo. Mabuti na lang talaga at nakuntsaba ko na sinang Mang Tonyo at in charge na security guard kung hindi, malamang sa Principal's office ang pasok ko bukas ng umaga."

"H-hindi ka pumasok sa loob?" Napahinto na siya sa paglalakad kasabay ni Mike.

"Nope."

"Hindi mo ako sinundan sa loob?"

"Nope, I told you naghintay lang ako dito para gulatin ka."

"Hindi ikaw ang nagpatay ng mga ilaw?"

Nakakunot noong umiling si Mike na tila nakukulitan na sa mga tanong niya.

Hindi niya alam kung bakit tila muling bumabalik ang kaba sa dibdib niya na naramdaman niya kanina. Sino ang may kagagawan ng mga kaluskos na narinig niya malapit sa kinatatayuan niya sa may audience area at ang mga nagpatay ng mga ilaw sa loob at sa may hallway na halos takbuhin na niya. Sino ang tao sa loob ng auditorium maliban sa kanilang dalawa ni Mike?

"Hey, are you okey?"

Napapitlag siya nang biglang maramdaman ang kamay ni Mike sa may balikat niya.

"Look, I'm really sorry kung mas'yado kitang natakot. I didn't mean ito. Gusto lang kitan biruin, I mean gulatin... Hindi takutin. Kaya sorry na, please? Jermie? Can you hear me?"

Sinalubong niya ang nag-aalalang mga tingin ni Mike.

"Jermie, I'm sorry. I'm really sorry. Bati na tayo, please? Baka giyerahin ako ng Wantutri bukas kapag nalaman nila ang ginawa ko sa iyo eh. Sorry na, please?"

Napadako ang tingin niya sa kamay nitong humawak sa mga kamay niya na tila naging dahilan upang unti-unting mawala ang kaba sa dibdib niya. Unang araw ng klase nang magkakilala sila ni Mike at magkagusto siya dito ng pahiramin siya nito ng ballpen dahil naiwan niya ang pouch kung saan nakalagay lahat ng gamit niyang panulat. Sadyang kapansin-pansin naman kasi ang hitsura ng binata dahil sa singkitin nitong mga mata, maikinis na kutis at maputi at pantay-pantay nitong mga ngipin na pwedeng maging modelo ng isang toothpaste commercial. Pero mula ng mabuo ang barkadang Wantutri at nalaman niyang may gusto ito kay Ariane ay kaagad na naglaho ang anumang nararamdaman niya para dito. "You're forgiven," aniya bago binawi ang mga kamay mula sa binata at nagpatuloy sa paglalakad.

"Ganito na lang, ihahatid na lang kita pauwi sa inyo."

"It's okey, hindi na kailangan-"

"I insist. Look, madilim na. Ayoko ring hayaan ka na mag-taxi mag-isa. Baka kung ano pa ang mangyari sa iyo at magulpi ako ng Wantutri."

Ikaw? Paano mo gustong mamatay? (Published under  ABS-CBN PUBLISHING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon