"Miss, saan naka-confine si Ariane Orillos?" tanong ni Aaron sa nurse na nilapitan sa may reception area nang pinasukang ospital. Nakatanggap siya ng text mula kay Jermie na isinugod nga raw sa ospital ang kaibigan at dahil ayaw sumama ni Miles ay nagpasya na siyang pumunta mag-isa pagkahatid sa nobya. "Classmate ninyo po ako sa Fasbourge Academy."
"Room 204 po, sir."
Mabilis na niyang tinahak ang daan patungo sa kwartong sinabi ng nurse kung saan kaagad niyang nakita sa may waiting area sina Jermie, Nero at Mike. "Hey guys, what happened?"
"Nagpaalam lang siya na magsi-C.R. tapos no'ng parang ang tagal na, pinuntahan na naming siya nina Mike. Tapos... Tapos..."
"Tapos ano?" naiinip na tanong niya sa hindi matapos-tapos na sasabihin nang nauutal na si Jermie.
"Nakita naming wasak ung mga pintuan ng cubicle sa loob ng C.R."
Napalunok siya sa narinig na sagot mula kay Mike. "Anong nangyari kay Ariane?"
"Actually, hindi namin alam. Nakita na lang namin siya sa may dulong cubicle. Madumi ang uniform, halos nakadikit sa may basurahan at walang malay," seryosong sagot ni Mike. "Kung sino man ang g*agong may kagagawan nito sa kanya, lintik lang ang walang ganti."
Saglit na namayani ang katahimikan sa kanila bago siya naglakas loob na basagin iyon. "May ideya na ba kayo kung sino ang gumagawa nito sa atin?"
"What do you mean na sa atin?" tanong ni Jermie na hindi gusto ang tono nang pananalita ni Aaron.
"I know you can feel it guys. H'wag na nating i-deny pa. 'Yung pagkawala ni Gelo, 'yung pagkamatay ni AJ at ngayon naman, itong nangyari kay Ariane. Kung sino man ang may kagagawa ng mga ito. Tayo ang puntirya niya. Ang barkada natin. Ang Wantutri."
Halos sabay-sabay silang napalingon nang bumukas ang pinto ng kwarto kung nasaan si Ariane. Kasunod ng doctor na lumabas ay si Coach Arthur.
"How is she?" tanong kaagad ni Mike nang makalapit sa guro.
"She's fine pero bukas ninyo na lang raw siya kausapin kung pwede sabi ng parents niya," tugon ni Coach Arthut. Kaagad na naagaw ang atensyon nito nang paparating na si Detective Dong. "Detective?"
"Good evening Coach Arthur," bati ng detective. "Nakarating na po sa akin ang nagyari kay Ariane Orillos. Pwede ko bang makausap ang mga batang ito saglit?"
Napalunok si Aaron sa narinig bago palihim na sinulyapan ang mga kasama.
"Sige, ikaw munang bahala sa mga batang ito at tatawagan ko muna ang mga magulang nila nang maipaalam ang nangyari," tugon ni Coach Arthur bago naglakad palayo sa mga estudyante.
"May nakausap kaming mga bagong witness at isang psychotic clown ang pinag-aaralan naming ngayon bilang suspect sa pagkamatay ni Allaine," panimula ng detective sa mga kausap. "Kids, tapusin na natin ang larong ito. Kung ano man ang hindi ninyo pa sinasabi sa amin ay sabihin ninyo ngayon na."
"Nasabi na namin sa mga pulis ang nangyari, ano pa bang gusto ninyo malaman detective?" seryosong tanong ni Nero. Naiinis na ito dahil sa paulit-ulit na lang na tanong ng mga pulis kanina. Mas nainis pa ito nang maramdamang parang bata ang trato sa kanila ni detective.
"Ano ba talagang kinalaman ninyo sa pagkawala ni Gelo at sa pagkamatay ni AJ?"
"Mga kaibigan naming sila, detective. Kaya wala sa amin ang magnanais na may masamang mangyari sa kanilamg dalawa," matigas na sagot ni Aaron.
BINABASA MO ANG
Ikaw? Paano mo gustong mamatay? (Published under ABS-CBN PUBLISHING)
Tajemnica / ThrillerIsang laro... Isang tanong... Isang sagot... Simple lang ang larong ito... kapag tumapat sa iyo ang bote, kailangan mo lang sagutin ang tanong sa laro na... "Ikaw? Paano mo gustong mamatay?" At pagkatapos, mamamatay ka na... Sa paraang gusto mo. Ang...