Chapter 3 - THIS IS LIFE...

51 3 0
                                    

Chapter 3 - THIS IS LIFE...



ASH'S POV



"Uhmaygawd! the Fudge?!" - yan na lang ang nasabi ko dahil sa sobrang shock sa pagkakita sa katabi ko.


"Bakit, anyare?" - tanong ni Liss.


"Why, kasi ganito yun...."


~FLASHBACK~


Nauna ako pumunta ng school ngaun kasi gusto kong maglibot kasi di ko pa saulo ang mga lugar dito sa school. Napuntahan ko na yung tatlong malalaking libraries, mga music rooms, gardens at ngaun nasa cafeteria ako kasi nagutom naman daw ako sa kakalakad. Ngayon ko lang naalala na elevator school nga pala ang school na to kaya malabong malibot ko to in 1 day. =__=


"Hayyss, antagal naman dumating nina Liss at Bryan. Baka mamaya bato na ako dito kasi naabutan na ako ng hating gabi at naiputan ni Adarna. tss." - ang oa ko lang Adarna agad agad?


Nagpunta na muna ako sa isa sa mga gardens na napuntahan ko kanina, kasi naman nakaka-op kung doon ako kakain sacafeteria. Puro grupo- grupo yung mga nandun. Baka magmukha pa akong loner o kaya F.A. (Forever Alone).


Naupo ako dun sa bermuda grass. Bakit di sa bench? Wala, trip ko lang pake nyo ba walang basagan ng trip (taray ni teh!). Atsaka nahiya naman daw ako sa couple na nakaupo sa malapit na bench, maka-PDA lang wagas? Nung dumaan ako dun kanina masyado silang makatingin, may balak lang na tunawin ako? Anung meron? May dumi ba ako sa mukha? may napasabit bang bra o baka naman panti kanina sakin ng hindi ko namamalayan? Ang dala ko lang naman eh yung bag ko at 2 plastic na may lamang chichirya and drinks. Anyare ba kasi? Ah alam ko na! baka naman masyado lang silang namezmerize sa beauty ko. Bakit di ko agad naisip yun? Well, whatever. Gutom na ako kaya bahala na sila dyan kakain na ako. >0<


 Ang sarap ng kain ko nang biglang may lalaking kumuha nung isang plastic na bubuksan ko sana kasi ubos na yung isa at umakyat siya ng puno. Waaahhhhh!!!!! Yung pagkain koooooo!!!!!!!


"Hoy ikaw, bumaba ka dyan. Ibalik mo yung pagkain ko. huhuhu" - sabi ko sa kanya pagkatakbo ko papunta sa punong inakyatan niya.


"Tanga ka ba?! Kung ibibigay ko sayo tong pagkain mo, eh di anong point ng pagkuha ko sayo?  Nuh ka chicks? Konting common sense naman. Nasan yung iyo baka naiwan mo sa inyo o naubusan ka, gusto mo ibili kita? tss" - sabay dila niya sa akin at nag-smirk. Yung totoo, bata lang pare?! -__-


"Sira ulo ka pala eh. Lagot ka sakin dahil sa pagkuha mo sa pagkain ko!!" - tapos nag-ala spiderman ako at umakyat sa puno. FYI madlang people, kahit na sobrang ganda ko, magaling akong umakyat sa puno. Pero wait lang, anong connect ng mala-dyosa kong mukha sa pag-akyat sa puno? >3<?


*whoooosh~~~~ (hangin po yan)


Biglang humangin, anyare? well, nevermind dahil sa wakas makukuha ko na ang pagkain ko. wahahaha.. :D

Destiny of METahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon