"Hey son, wanna play hide and seek?" Tanong ng ginang sa kanyang walong taong gulang na anak."Yeah, mom. But dad must be on his way back here. We should wait for him. Gusto ko po tayong tatlo ang maglalaro ng hide and seek. It would be fun. Just like the old times, mom. Remember those times when----" Naputol ang pagsasalita ng walong taong gulang na bata nang makarinig siya ng sigawan sa labas ng kanilang bahay. Sigawan na may halong pagmumura na hindi dapat marinig ng isang musmos na gaya niya.
"Nasaan ang inyong Alpha? Palabasin ninyo siya at magtutuos kami!Putang ina!!! Ayokong ginagago ako!" Mga salitang pasigaw na narinig ng bata. Animo'y dagundong sa sobrang lakas na halos ikayanig ng buong kabahayan.
"Mom, sino po iyon? Bakit niya hinahanap si Dad?" Inosenteng tanong ng bata.
"W- wala 'yon, a-anak. Ganito na lang, magtago ka sa closet at huwag na huwag kang lalabas hanggat 'di ko sinasabi, ha," natatarantang saad ng ginang.
"Pero mom-----"
"Sundin mo na lang ako, anak. Para na rin ito sa ikabubuti mo. Ayaw namin ng dad mo na madamay ka sa gulong ito. So please, obey me." Pakiusap ng ginang.
Walang nagawa ang bata kundi sumunod sa kanyang ina. Atubili man, nagtago na rin siya sa closet habang ang kanyang ina ay bumaba ng hagdan para kausapin ang kung sinumang tao na nagsisisigaw sa labas.
Ilang sandali pa at narinig ng bata ang pagkalabog sa ibabang bahagi ng kanilang bahay. Mga kalabog na parang napakalalaking nilalang na nagsisipag bugbugan sa loob ng kanilang bahay. Hindi na nakatiis ang bata sa pagtatago sa loob ng closet kaya marahan siyang lumabas para alamin kung ano ang nangyayari nang marinig niya ang sunod sunod na putok ng baril. Kasabay niyon ang alulong ng napakaraming aso sa labas ng kanilang bahay.
Halos mabingi siya sa lakas ng alulong ng mga asong 'yon kaya imbes na lumabas ng kwarto, bumalik siya sa kanyang pinagtataguan. Umiiyak na siya sa takot ngunit pinigilan niya ang sarili na makagawa ng anumang ingay para hindi siya makatawag ng pansin.
Nang maramdaman niyang payapa na ang paligid, napagpasyahan niyang lumabas sa kanyang pinagtataguan subalit laking gulat niya ng bumungad sa kanya ang sobrang makapal na usok halos hindi niya maaninag ang kanyang daraanan. Gayon pa man kahit nahihilo sa usok, pinilit niyang makalabas ng kwartong iyon at naglakad ng dahan dahan subalit sa kasamaang palad, kinapos siya ng hininga. Ang kanyang katawan ay hinang hina na rin dahilan upang bumagsak siya sa sementadong sahig na iyon. Naririnig pa rin nya ang alulong ng mga aso sa labas habang unti unti siyang nilalamon ng kadiliman.
BINABASA MO ANG
A Cry Of A Lone Wolf
WerewolfPamilya. Ito ang pinapangarap ng bawat isa sa atin. Buo at matatag na pamilyang masasandalan sa mga panahong kailangan mo ng karamay. Nariyan lagi sa tabi mo na sumusuporta at nagmamahal sa'yo. Ngunit paano kung ang pamilyang karamay mo sana sa laha...