A/N: Salamat po sa lahat na nagbasa, nagbabasa at magbabasa ng story na ito. Naka 210 reads na po tayo. Thankies mga bes!!! And as promise, here's the chapter 2.
Happy reading!!!!
***************
"Good morning, Sir!"
"Good morning, Mr. Evanghelista!"
"Good morning, Sir!"
Bati ng mga empleyado sa taong kalalabas pa lamang ng elevator. Marahang tango ang kaniyang iginanti at nagpatuloy sa paglalakad patungo sa kaniyang opisina.
Napakapormal ng kaniyang mukha, halos wala kang mababanaag na reaksiyon. Well, ganito na talaga siya simula ng pamahalaan niya ang negosyong naiwan ng kaniyang ama. Nasanay na rin ang mga empleyado ng kompanyang iyon sa gano'ng pag-uugali ng kanilang amo.
"Good morning, Sir Jonas!" Masiglang bati ni Tessa, ang kanyang sekretarya, nang mapadaan siya sa harap ng mesa nito. Matagal na rin itong nagtatrabaho sa kanilang kompanya. Nagsilbi itong sekretarya ng kaniyang ama at ng kaniyang Tito Ismael. Dahil na rin sa 'di mapantayang didikasyon sa trabaho, ay 'di na rin nag-abala pang kumuha ng bagong sekretarya si Jonas. Para na rin kasing nakatatandang kapatid ang turing niya dito. Isa pa mapagkakatiwalaan niya si Tessa.
"Tessa, a cup of coffee, please," wika ni Jonas habang papasok sa kaniyang opisina.
"Okay, Sir Jonas. Isusunod ko na po." Tumigi ang binata at marahang nilingon ang kaniyang sekretarya.
"Tessa, please drop the word sir. Jonas na lang, okay," wika niya at nginitian ang kaharap.
"Okay, Jonas."
"Sige. Pakidala na lang 'yong kape sa office." At tumalikod na ito papunta sa kaniyang opisina.
Pagpasok sa opisina ay agad niyang inabala ang kaniyng sarili sa mga nakabinbing trabaho.Halos gabundok na ang mga papeles na nakapatong sa kaniyang mesa ang kailangan niyang basahin. Kasisimula pa lamang niya magbasa ng kontrata nang pumasok si Tessa. Inilapag nito ang kape sa mesa.
"Ah, Tessa, may kailangan nga pala akong sabihin sa 'yo." At marahan niyang iniangat ang mukha mula sa papel na kaniyang binabasa.
"Ano 'yon, Jonas?"
"Kailan ka pala magpa file ng leave? Mukhang malapit ka nang manganak, ah."
"Ay, 'di pa ako manganganak. Seven months pa lang 'tong tiyan ko. Napag-usapan namin ng husband ko na sa susunod na buwan ako mag file ng leave. But of course, sisiguraduhin ko muna na may papalit sa 'kin bago ako umalis.
"Gusto ko sana na bumalik ka sa trabaho pagkatapos mong manganak. Isa ka sa mga dahilan kung bakit lumago ang kompanyang 'to. Sa mahigit sampung taong pagtatrabaho mo dito, malaki ang naitulong mo sa amin at aaminin ko mahihirapan ako s trabaho dito sa opisina 'pag umalis ka." Nangingiti niyang wika. "Kaya sana bumalik ka after two months. Don't worry about your salary, dodoblehin ko 'yon pagbalik mo."
Ito ang gusto ni Tessa sa kaniyang boss. Kahit na masasabing istrikto ito pagdating sa trabaho, mabait at galante ito kagaya ng kaniyang ama. Ilang beses na rin siyang tinaasan nito ng sahod at aaminin niya, malaking tulong iyon sa kanilang mag-asawa lalo na ngayon na malapit na siyang manganak sa pangalawa nilang baby.
Sobrang pasasalamat niya sa Panginoong Diyos dahil nagkaroon siya ng boss na kagaya ni Jonas. 'Yon nga lang sobrang naapektuhan siya kapag nakikita niyang malungkot ang binata dahil sa pagkawala ng ama nito.
Naging malapit din kasi siya sa ama nito na itinuring siya na parang isang tunay na anak. Kaya ng malaman niya na si Jonas na ang mamamahala ng kompanya ay nangako siya sa sarili na tutulungan niya ito sa abot ng kaniyang makakaya. Napakalaki kasi ng utang na loob niya sa pamilya nito.
BINABASA MO ANG
A Cry Of A Lone Wolf
Người sóiPamilya. Ito ang pinapangarap ng bawat isa sa atin. Buo at matatag na pamilyang masasandalan sa mga panahong kailangan mo ng karamay. Nariyan lagi sa tabi mo na sumusuporta at nagmamahal sa'yo. Ngunit paano kung ang pamilyang karamay mo sana sa laha...