"Mag grocery ka, okay?" Paalala ni Scarlett.
Tumango ako. "Opo.."
Inayos niya ang seatbelt ni Ellie. Nagkatinginan kami bago siya bumaba ng sasakyan. Lumapit siya ng kaunti sa akin para bigyan ako ng isang matamis na halik.
"I love you.." Ngiti ko nang maghiwalay ang aming mga labi.
"I love you too.." Hinalikan niya sa pisngi si Ellie. "I love you baby! Huwag mong masyadong papagurin ang Papa mo.."
Tumawa lang si Ellie sa sinabi ni Scarlett.
"Ikaw rin.. 'wag kang magpapagod." Paalala ko sa kanya. "Sa 'kin ka lang pwedeng mapagod."
"Ikaw talaga! Oh sige na... baba na 'ko." Mabilis na halik ulit ang iginawad niya sa akin bago bumaba ng sasakyan. Hindi ko tinanggal ang tingin ko sa kanya hanggang sa makapasok na siya sa kanyang trabaho.
"Ganda talaga..." Bulong ko.
Inayos ko ang rearview mirror at pinagmasdan si Ellie na nilalaro ang kanyang mga kamay.
Kumain muna kami ng anak ko sa isang fastfood chain bago mag grocery. Dapat ay sa Linggo pa kami mamimili para kasama si Scarlett. Kaso ay wala na kaming stocks sa bahay. Wala na ring gatas si Ellie.
"Timothy?"
Natigilan ako sa pagkain nang may magsalita. Nag angat ako ng tingin. Nanlaki ang mga mata ko nang makita kung sino.
"Cassandra?" Kumunot ang noo ko.
"Timothy, ikaw nga!" Napangiti siya. Umupo siya sa aking tabi. Lumipat ang tingin niya sa high chair kung saan naka upo si Ellie. "Anak mo?"
"Oo.." Tango ko.
"Oh.." Nagkatinginan ulit kami. "Si.. Scarlett ang ina?"
"Oo. Si Scarlett ang ina niya."
Napangiti si Cassandra sa sinabi ko. "Kayo 'rin pala ang nagkatuluyan."
"Mahal ko, eh.. mabuti nga at ako ang pinakasalan niya."
"Good for you." Ngiti pa rin ni Cassandra. "Ang tagal nating hindi nagkita, ah? Noong graduation pa ata 'yung huli.."
"Well.." Nagkibit balikat ako. "Ikaw, kumusta? Anong balita sa 'yo?"
"I'm married. Anim na taon na. Dalawa na rin ang anak ko.." Lumipat ang tingin niya sa counter. "Ayun sila.." Turo niya sa lalaking nasa pinaka huling pila. May karga siyang batang babae na sa tingin ko ay ka-edad lang ni Ellie. At may hawak siyang batang lalaki na mukhang nasa apat na taon na.
"Wow!" Sambit ko. "Ang laki na ng panganay mo, ah?"
"Yeah.." Muli kaming nagkatinginan. "Kakauwi nga lang namin, eh. Sa Singapore na kami nakatira.."
Tumango ako. Kinuha ko si Ellie. Nilagay ko siya sa aking kandungan at pinunsan ang kanyang bibig.
"Ba't di mo nga pala kasama si Scarlett?"
"Nasa trabaho.." Sagot ko.
"Ikaw?"
"Tumigil na muna ako, eh. Wala kasing magbabantay sa anak namin.."
"Oh.." Tumango siya pero mukhang nagulat naman sa sinabi ko. "Ayos lang sa 'yo, yun? Uhmm... I thought you were planning to pursue Medicine, too."
"Wala, eh." Nagkibit balikat ako. "Mas importante ang pamilya ko. Siguro pag lumaki na ang anak namin, doon na lang ulit ako magta-trabaho.. o baka mag Medisina. Bahala na.." Tumawa ako.
Natigil kami sa pagkukwentuhan ni Cassandra nang lumapit na sa amin ang kanyang asawa kasama ang kanilang mga anak.
"Hon.." Ani Cassandra. "Si Timothy nga pala, kaklase ko noong College."
BINABASA MO ANG
The Story Of Us 2: Timothy Serrano
General FictionThe marriage of Timothy and Scarlett made them stonger. Or at least, that's what they thought. Sa kanilang pagsasama ay may mga bago pa silang madidiskubre sa isa't isa. Understanding, commitment, and communication - three essential manners in a hap...