Chapter 17

22.9K 856 125
                                    

Kaway kaway sa mga OOTB fans and readers. Thanks for reading this far. We are almost there. Hahahaha!

_____________________________

Hindi alam ni Kaye kung tama ba ang ginawa niyang giitin si Jarrod. She didn't even know why he agreed on marrying her.

There were a lot of possible reasons. Pero isa lang ang gusto niyang rason. Na papakasalan siya ni Jarrod dahil MAHAL siya nito.

Mahal nga ba siya nito?

Kung bakit pa kasi nangyari ang mga nangyari.

Ang tanga lang naman niya talaga! Pero kasalanan ba niya na nahulog siya dito? Kasalanan ba niya na pati si Jarrod ay hindi naman nag atubili?

The conceited part of her being wants to tell her she's doing the right thing. Jarrod is hers. Or Is he really?

Nakitaan niya ng lungkot ang mukha sa salamin.

Bahala na. She's not doing this for herself only.

She took a glance at herself for the last time.

Ngumiti siya kahit pilit. Gusto niyang magbunyi dahil kasal na nila ni Jarrod pero bakit may pagaalangan siya.? May takot na nadarama?

She didn't want to show everyone specially Jarrod that she's troubled. Lalo na sa araw ng kasal niya where everybody's eye will be on her.

''Mind over Body'', ''Mind over Body'' bulong niya sa sarili.

Pagkatapos ay may kumatok sa pintuan.

''Are you ready?'' sabi ng Dad niya pagkabukas ng pinto.

''Yes, Sir!'' ngumiti niyang sagot.

''Kayelene, I am your Dad today'' nakangiting sabi ng Daddy niya.

Ngumiti na si Kaye at niyakap ang ama.

Sabay sila ng daddy niyang tinungo ang lugar kung saan gaganapin ang kasal nila ni Jarrod.

Paglabas nila ng pintuan ay ramdam niya ang malamig na hangin na bumabati sa kanyang pisngi. Nakangiti ang ama niya at ramdam ko rin ang kasiyahan kahit papaano.

''This is it Kayelene!'' Sabi ng daddy niya.

''This it it Dad!''

Batid niyang sa kanya nakatuon ang mga mata ng lahat bagamat hindi pa sila nakakarating palapit sa pagdarausan ng kasal.

Marami ang bulong bulungan habang papalapit sila. Nakita niyang siryoso ang mga mukha ng mga kaibigan niya.

Hindi niya inaasahan ang mga tingin nito sa kanya.

''Pangit ba ako?'' Nakangiting tanong niya. Ngunit ngumiti sila ng alanganin.

''Hoooyyy!'' Para kayong nakakita ng multo!

Napatingin siya kay Mirko na palapit. Hindi man lang siya binati at may binulong sa daddy niya saka sabay silang lumayo.

Hindi alam ni Kaye pero nagumpisa na siyang kabahan.

''Can anybody of you tell me what's going on?'' Mataray niyang tanong sa mga kaibigan

''Bru...si Jarrod!'' Umpisa ni Dayzy.

''What happened to him? Where is he?'' Bahagya niya silang hinawi at hinanap si Jarrod sa kumpulan ng mga tao malapit sa may ginawang altar.

'I can't see him! Oh God no!'

Bumaling ang mga mata niya sa mga kaibigan niya. Nakita niyang ngumiwi si Pepper.

''This isn't happening!'' She said at napahawak siya sa tyan niya.

''OUT OF THE BLUE''Where stories live. Discover now