prologue: 00

5 2 0
                                    

"'Nak? Ready ka na?" tanong ng mommy ko mula sa labas

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"'Nak? Ready ka na?" tanong ng mommy ko mula sa labas.

"Sandali lang 'My!" sagot ko at bumalik sa pag-ayos ng buhok ko. "Konting gel pa and I'm done. Woo!" ngumiti ako sa repleksyon ko at lumabas na ng cr.

Sinalubong ako ni Mommy, "Wow naman! Ang baby ko binata na! Feel ko tuloy oldie na ako."

Tsk, ang conyo ni mommy. She's so baduy talaga,"My, 17 na ako! Di na ako baby!" Simangot ko.

"Eh what did I say ba? Di ba I said na you're a binata na?"

"Mom! Stop the conyo! For the nth time it's not cool!"

"Oo na! Naku, kung di kita baby malamang pinalapa kita dun sa mga bakla sa kanto!" Inirapan ako ni Mommy, "Anyways, first day mo sa Uni! OMG!"

"Maaaaaaaaa, late na ako sa first class ko."

"Okay, okay. Excited lang naman ako kasi yung unico iho ko papasok na sa college." Pagmaktol ni mommy.

Papuntang José Costa del Rio University, iniisip ko yung magiging buhay kolehiyo ko. Magkaka-girlfriend na ba ako?

"Oy Azario, nandito na tayo, nak."

Nagising ako mula sa daydream ko dahil kay Mommy.

"A-ah my, sige alis na ako, sa bahay na lang kiss mo, bye!" Nagmamadali kong sabi at bumaba ng kotse.

Unang kong hinanap yung locker ko, 26c.

Kagad kong nahanap at binuksan yun.

"Sino yung naghatid sayo? Mommy mo?"

Nagulat ako ng biglang may nagsalita mula sa likod ko.

Paglingon ko, na-slow mo ako. Ang ganda niya. Bakla man pakinggan pero, destiny na ito bes

"Ano? Tutunganga ka na lang ba diyan?" Naiinip na sabi niya saken.

"A-ah" I cleared my throat, "Yes, mom ko yun. Uhm, Ako si Azario." I offered my hand.

Tinaasan niya ako ng kilay, "Hmm, bago ka nga, transferee ka ba?"

"O-Oo, home schooled kasi ako."

"Ahh ganun, okay. Ako si Elizza, as in E-L-I-Z-Z-A. Friends na tayo?" Ngiti niya saken at sh-in-ake na yung kamay ko

Namumula na ata ako, "O-Oo naman!"

She smirked, sana pala na pansin ko kung paano tumigil at tumingin sa amin yung ibang estudyante. Some with pity in their eyes and some with amusement.

To be continued

Total word count: 365

-dyosa na may dyoga pero maliit

FoolsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon