His POV

10 0 0
                                    

Minsan lang kami kung umuwi sa probinsya ngunit sapat na yon bastat makita ka. Hindi ko nga lang alam kung ako'y kilala.

At hanggang sa tayo ay tinutukso na nang ating pamilya. Kaya madalas na din ako sayo'y magpakita kapag kami ay umuuwi ng probinsya. Ilang beses na din nagsabing mahal kita pero ito'y iyong binabalewala pero kahit ganon hindi ako tumigil sinta dahil nga sa mahal kita.

***
Dumating ung oras na tinanong kita kung pwedeng maging akin ka at ang sagot mo ay "Ayoko pa" dalawang salita na masakit din pala kung sayo galing sinta. Ngunit naiintindihan kita dahil alam kong hindi ka pa handa kaya sinabi kong "hihintayin ko yung oras na sigurado at handa ka na"

***
Christmas break noon bago tayo magcollege kami nga ay umuwi at muli tayong nagkita. At tanda ko pa Pasko noon ng ako'y pauwi na hinalikan kita at dahil sa aking pagkabigla ako'y umalis ng walang sinabi sinta. Pagdating ko ng bahay tayo ay nagkatext pa at sinabi ko ulit ang aking nadarama pero hindi natin napag-usapan ang aking nagawa. Akala ko nga ikaw ay magagalit sa aking ginawa ngunit parang balewala lang sayo sinta.

Pagkatapos noon ako'y lumayo na nakalimutan ko ang pangakong ginawa na hindi ka kakalimutan sinta. Hanggang sa magtext ka sa aking mama. Ako naman ay natuwa dahil hindi ka nakalimot sinta. Dahil dito ka din nga nag-aral sa Maynila ikaw ay nakipagkita.

At tayo nga ay nagkita pero hindi rin nagkausap sinta. Alam kong mali ang aking ginawa na iwan kang mag-isa at pumunta sa aking kaeskwela ngunit ako lamang ay nahihiya. Patawad aking sinta hindi ko man lang naitanong kung bakit ka nakipagkita.

****
Patawad aking sinta ako ay may iba na hindi ko lang talaga nadama na ikaw ay may pagtingin din sa akin. Siguro kaya ang sinagot mo ay ayoko pa dahil ayaw mo akong masaktan sinta kaya para sayo ako ay tumigil na. Hindi ko na matutupad ang pangako sayo sinta, Patawad.

***
At ngayong tayo ay nagtatrabaho na ikaw ay muling nakita mahal pa din pala kita. Ngunit ako ay may iba na nung malaman ko sa aking papa na ikaw ay nasaktan ko sinta. Hindi ko sinasadya dahil sa aking maling akala ikaw ay nasaktan ko ng sobra. Pero minahal ko na din sya.

Para Sa'yoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon