Her POV

11 0 0
                                    

Tanda ko pa tuwing bakasyon kita madalas makita dahil umuuwi kayo para bumisita. Hindi pa kita napapansin noong una pero nung magtagal iba na ang nadarama. Hindi rin tayo nag-uusap. Kaya tinitignan lang kita sa malayo kapag uuwi ka.

Hanggang dumating ang time na tinutukso na tayo ng ating pamilya dahil bagay daw tayo sa isa't isa. Sabi pa ng iyong papa gusto mo nga daw ako iyon ang sabi mo at sabi ng aking ina pinatatanong mo pa ako sa kapatid mo kapag wala ka.

Madalas ka na din mag-punta sa bahay kapag umuuwi ka dahil tanggap ka naman ng aking ina at kapag tayo ay magkatext sinta madalas mong sabihing "mahal kita" ngunit aking binabalewala ang pagtingin mo sinta dahil hindi ako makapaniwalang mahal mo nga ako sinta.

Isang araw tinanong mo na nga ako sinta kung pwedeng maging tayo na ang sagot ko ay "ayoko pa" dalawang salitang hindi ko ginusto sinta dahil mahal kita. Natatakot lang ako para sa ating dalawa dahil malayo tayo sa isa't isa baka ikaw ay may makitang mas mamahalin mo sinta. Ngunit ang sagot mo "Hihintayin ko ung oras na sigurado at handa ka na" kaya hindi ako nangamba.

Fourth year high school tayo noon tanda ko pa Christmas break ng umuwi ka. Sinamahan mo pa ako para makapag-register sa website dahil ikaw ay tapos na. Hanggang sa dumating ang Pasko at pauwi ka na hinalikan mo ako at umalis na. Nagtext ka at sinabi mo ulit  "gusto kita" ngunit akin lang inulit ang sinabi ko sinta kahit gusto ko mang maging tayo nang dalawa dahil malapit naman na tayong magtapos sinta at hindi na malayo sa isa't isa. Ngunit nauna pa din ang aking pangamba na baka hindi ka totoo sa iyong nadarama. Hindi ko na din nasabing hindi ako galit sa iyong ginawa dahil ako'y nahihiya sinta.

***
Hanggang sa ikaw ay biglang nawala. Kaya gumawa ako ng paraan para magkausap sinta. First year college na tayo nang muling magkita dahil hinanap ko sinta ang mga gamit mo kapag nakikitext ka sinta. Kaya tayo nga ay nagkita pero hindi rin nagkausap sinta dahil ako ay iyong iniwang mag-isa kahit alam mong may ginagawa ang aking kasama, ikaw pa din ay nagpunta sa iyong mga ka-eskwela. Pero atleast kahit paano ay okay na sinta dahil mayroon tayong kuhang dalawa dahil sa aking kasama.

Madalang na din kitang makita dahil hindi ka na sumasama kapag umuuwi ang iyong pamilya. Kaya ang aking hinala ikaw ay may iba na ngunit ako pa din ay umaasa sa mga pangako mo sinta.

***
Ngayon nga ay tapos na sa pag-aaral at nagtatrabaho na ngunit ganoon pa rin ang aking nadarama kapag ikaw ay makikita.  Hindi ko pa rin alam kung tama nga ang aking hinala sinta hanggang sa ako ay may makita kuha ninyong pamilya pero may iba pang kasama at katabi mo pa sinta.

Inaamin ko ako ay naskatan sinta dahil sabi mo ikaw ay maghihintay kapag ako ay handa na pero wala na din naman akong magagawa kung tama nga ang hinala at iba na ang gusto mo sinta.

At nalaman ko na nga mula sa iyong papa na tama ang aking hinala mayroon ka nang iba at yun ang inyong kasama.

Ang ganda niya at wala akong panama. Mukha rin namang mabait at hindi ka sasaktan na gaya ng aking nagawa. Ilang beses na nga kitang nasaktan dahil mahirap paniwalaan na ako ay iyong nagustuhan kaya akala ko noon ay wala lang.

Siguro nga hindi lang talaga tayo para sa isa't isa dahil ang sabi mo nga sinta "kung tayo talaga walang makakahadlang" ang kaso ikaw nga ay nagkaroon ng ibang mamahalin gaya ng aking naisip. Kaya kahit hindi kapani-paniwala huwag kang mag-alala para sayo sinta ako ay masaya dahil nakita mo na ang taong mamahalin mo nang sobra.

Masakit man sa aking damdamin pero tanggap ko nang ikaw ay hindi para sa akin. Salamat sinta sa iyong nagawa.

Para Sa'yoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon