CHAPTER 1

6 0 0
                                    

Jaeleah Point of View

Ako si Jaeleah Ayres (pronounce as Eyres) call me Jae or Leah for short. Isa ako sa mga member ng Lady Gangster. Lagi akong first honor kaya napag pasyahan ko na sumali sa group. Nalaman ko na may group sila na katulad ko ring mga achiever. Siguro masyado na rin akong boring sa buhay kaya sumali ako.

First day of school namin ngayon as a Senior High School.  Lahat ng nasa top namin last year. Lahat sila ay kasali sa Lady Gangster for short L.G.

Uulitin ko L.G as in Lady Gangster hindi yung L.G na brand ng mga appliances at cellphone okay? Magkaiba yun! Hehe :) pinaparemind ko lang.

“Beb alam mo may transferee daw dito sa school. “ sabi ni Shana :)

Meet my bestfriend. Sya si Shana Lacy Morris pwede nyo rin sya tawaging Shana or Lacy mas bet nyang tawagin syang Shana kesa raw Lacy kasi yung Lacy raw parang Lazy yung tamad. Haha xD Lagi ngang inaaway yung nanay nya, bat raw sa dinami dami ng name sa mundo bakit yun pa napili.

Beb ang tawagan namin. Wala lang trip lang namin. Masyado na kasing common yung Best! Bess. Bessy. Besty! Basta yung mga ganun kapag Bestfriend.

“Owwh? Talaga? Taga san? Babae? Lalaki?”

“Babae raw. And you know what? Achiever din Beb. Kapag pumasok kaya yun satin sino kaya ang matatanggal sa top 10 natin at matatanggal sa L.G kapag nagkataon? Baka naman ako yun.” She pouted

Ehem!  Oo nga pala. Kasali rin sya sa L.G. At alam nyo ban a si Shana ang pumapangalawa samin lagi. Kaya nga magkasundo kami. Syempre hindi naman kami nagpapa taasan ng standard. Sapat na samin ang hindi matanggal sa top.

“At bakit ka naman ikaw ang matatanggal? Bakit may balak ka bang hindi mag aral ng mabuti ngayong taon? Hmmp” Taas kilay ko pang sabi sakanya.

“Hindi naman kaya lang. Sabi nila lagi rin daw yun nangunguna sa klase. Sa tingin mo matatalo ka nya? Mapapalitan kaba nya sa trono mo?”

“Baliw ka talaga, wala naman akong pakialam kung mapalitan ako. Sapat na sakin yung hindi matanggal sa top nu? Laki rin ng hirap naten para lang makapasok sa L.G nu. Kaya hindi ako papaya na mawala sa top”

“Kunsabagay, mas okay na rin yun. Pero kawawa naman yung matatanggal sa top. Sayang nung hirap nya. Hehe”

“Kaya nga e. teka Nasan naba si Courtney? 10 minutes nalang oh! Late na sya.”

Inikot ko na yung ulo ko kakahanap kay Courtney. Haay! Nabali na leeg ko wala pa ring bakas ng Courtney na nakikita ko.

“Hay naku! Hindi kana nasanay dun. Lagi namang late yun e. Teka lang tawagan ko”

Inilabas ni Shana ang cellphone nyang iphone6 . Sosyal diba? Uma Iphone 6. Nahiya naman yung Cherry Mobile ko. Haha xD. Mayaman kasi si Shana saka dalawa lang silang magkapatid kaya lahat ng gusto nakukuha nya. Hehe :). Mag da dial palang si Shana nang …

“Hi” Ngiting bati samin ni Courtney Ross.

Sya naman si Courtney Ross. Hindi namin sya bestfriend. Siguro sapat nang sabihing friend. A really good friend. Wala akong masabi sa kanya. Mabait sya saka tahimik lang. Ang bestfriend nya kasi ay Lalaki si Jared Ivo Riley. Kasali rin sya sa L.G nung una nakakagulat na kasali sya. Pag tiningnan mo yung mukha nya napaka inosente hindi ka maniniwala kapag sinabi nyang kasali sa Gang. Sya naman ang 3rd honor namin. Oh diba? Magkakasunod lang kami. Hehe :)

“Oh himala hindi ka late” sabi ni Shana. Ang ganda naman ng bati ng babaeng to.

“Hinatid ako ni Jared e” tinusok ko yung tagiliran nya.

The Four Princess of the GangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon