Jaeleah Point of View
“Oii beb ano raw pangalan nung sasali?”
“Ewan ko nga e”
Andito kami sa camp namin nang mga L.G. may bago raw na papasok sa Gang. Mabilis nila prinocess agad para makasali. Masyado siguro silang bumilib sa standard kaya ganun na lamang. Pero hindi ka naman basta basta makakapasok sa L.G. Bakit? Kasi kahit matalino ka kung hindi mo naman kaya ang lahat ng gagawin sayo o ipapagawa sayo hindi ka rin makakapasok.
Gang pa rin kami. May mga pahirap kaming tinatawag. Kaya minsan yung sumusuko. Siguro hindi nila kinakaya. Depende kasi sa ugali kung type nila yung ugali. Kapag medyo na hahanginan sila. pinapahirapan pa nila.
Yung last na sumali samin 5 months ago ay hindi naka survive. Ewan ko lang itong susunod na to kung makaka survive.
“Okay guys! Punta na tayo sa R.R”
Ang R.R ay mas kilala sa tawag na (Reborn Room) dito nililitis haha xD I mean sinasagawa yung mga process sa pagsali sa gang. Syempre may mga rules kapag sasali ka rin.
1. Naka Blind Fold ka.
2. Never called them in their first name.
3. Never say no. dahil dapat lahat kaya mo.
4. Pakabait ka kung gusto mong tumagal.
5. Be friendly para magustuhan ka nila.
Lahat kami ay pumunta na sa room. Nakita ko ang isang babae na nakaBlind fold. Dahil pamilyar sya sakin ay na curious ako kung kilala ko ba sya.
“Master pwede ko ba Makita yung mukha nya?”
Master ang tawagan namin sa lahat kapag may reborn o baguhan o papasok palang. Pero kapag wala naman. Tinatawag namin sila sa pangalan nila.
“Oh sige. Tanggalan mo na ng piring ya. Hoy ikaw wag kang didilat ha? Pikit ka lang”
“Yes master” sabi nung Reborn. Lalong kumabog yung dibdib ko nung narinig ko yung boses nya. Napatingin ako kay Courtney at Shana. Na parang pati sila naghihinala sa boses.
Sinensyahan nung pinaka mataas samin . Yung malapit sa Reborn para tanggalan ng piring.
Yung itsura naming tatlo nung Makita yung Reborn o____________O. Napanganga kami sa nakita namin. Sinasabi ko na nga ba hindi ako pwedeng magkamali.
Alam ko kahit konting araw ko palang syang nakakasama. Kilala ko na ang boses nya. Ang tindig nya. Ang kilos sya.
Hindi ako nagkamali si Fatima Brook nga. Ang bago kong kaibigan ang nasa harap namin ngayon na kasalukuyang nakapikit dahil inutos sa kanya.
Hindi ko alam kung matutuwa ako dahil makaka isang grupo na rin namin sya o malulungkot kasi makikita namin kung panu sya pahirapan.
Nangpapadel kami. Pero mga sampu lang naman. Kasi yung ibang pahirap may mga ipapagawa sa kanya bawat member. Depende kung may ipapagawa. Pero isang beses pwede mag utos ang bawat member. In one week lang pwedeng utusan ang isang reborn. Pagkatapos nang one week kahit hindi ka pa nakapag utos. You have no rights para utusan pa ang isang reborn. Dahil after one week she will be officially a L.G. member.
“Ano gagawin natin?”-Courtney
“Ano ba nasa utak ng babaeng yan bat sumali sya dito?”-Shana
“Wow ha? Nahiya naman ako sayo. Eh ikaw bat ka sumali dito?” balik tanong ko kay Shana.
Anong gagawin namin? Hindi ko rin alam.
Pinatayo na sya. Dahil ayokong masaktan sya ay sinalo ko yung isang padel na dapat para sakanya. pero dahil syempre ka close na namin sila. pagdating sakin ay hindi nila nilakasan ng konti. Sumunod na rin na sumalo si Shana at Courtney. Pagdating kay Courtney ay kulang nalang ay hindi na nila paluin ito. Dahil nga sa bait ni Courtney parang hindi nila kayang saktan.