✎ Chapter 01

331 14 7
                                    

✯ Finding Classroom



This story begins--- teka teka teka, bakit english? Hay nako, basta maguumpisa ang istorya kung nasaan ako ngayon. Saan nga ba?

Nandito lang naman ako ngayon sa Principal's Office at may sinasabi na kung ano sa'kin si Ma'am Sabel (Principal). Hindi ko siya maintindihan dahil... hihihi.



This is it! Hindi ako makapaniwala, sa school na 'ko mag-aaral. Woooooh! Hehe. Home school lang kasi ako lagi pero ngayon... mag-aaral na talaga ako sa isang... sa isang... sa isang school! Literal! Okay okay, OA na 'ko. Haaaay. Ansaya!

"Mikah?"

Grabe talaga! Pa'no kaya ako magpapakilala sa mga magiging classmates ko? Sasabihin ko ba ang address ng bahay namin? Hindi kaya nila 'ko abangan sa gate?

"Mikah? Sweetie, are you listening to me?"

"A...Aaah. Yes! Opo opo!"

"Alright. Malapit na mag time, kailangan mo nang pumunta sa classroom niyo,"



Waaaah! Excited na 'kong makita ang classroom! May seating arrangement kaya kami? Kung wala, sa second row ako. Pero, ayon sa mga nababasa kong story sa Wattpad, mas maganda raw umupo sa pinaka likod. "Mikah, alam mo na ba kung nasa'n ang classroom niyo?" First day of school. Literal. Sana friendly sila. Hihi.

"Mikah?"

"A...Aaah. Yes! Opo opo!"



"Enjoy ka dito sa Philippine Mahogany High School. God Bless!" Ay? Parang ang baho ng pangalan nitong school. Pero ayos lang! Teka, pinapaalis na ba 'ko ni Ma'am Sabel? "Haha, you may go now." Nagsmile siya sa'kin. Ningitian ko din siya.

Tumayo na 'ko agad at naglakad papunta sa pinto, makikita ko na ang outside world! Chos.

"Mikah, your bag."



Malapit ko nang mahawakan ang door knob, kainis na bag. Binalikan ko 'yon at nagpasalamat ako kay Ma'am Sabel. At ulit, naglakad papunta sa pinto, hahawakan na ang door knob, bubuksan na ang pinto...

...liwanag...

...nabuksan ko na ng tuluyan ang pinto.



"HOOOOOOOY! BUTCHOKOOOY! IBALIK MO SA'KIN 'YAAAAN!"

"Oh my gosh! Ang handsome nun oh! Pati 'yun! At 'yun pa! Kyaaah! Ang daming new!"

"Kangkong~~Malunggay~~Bili na kayo ng gulay~~Yeaah~~"

May naghahabulan. May mga babaeng hunter ng guwapo. May mga nagkakantahan. At madami pang iba. 'Yon ang mga bumungad sa'kin. AmaaAaazing!

Lumabas na 'ko sa Office ni Ma'am Sabel at sinarado ko na ang pinto, pero nasa tapat pa rin ako ng office niya, nakatayo, masayang pinagmamasdan ang mga wild na estudyante. Hehe.



Ehem! Ehem ehem! Magpa-practice na 'ko sa aking isipan kung pa'no magpakilala sa klase. My name is Ezra Mikah Dominquez, 16 years of age. Kamusta ka---

"Hey? Nakikinig ka ba?" Napatingin ako doon sa lalaking nag-wave ng kamay sa harap ng mukha ko. "Ang sabi ko, tumabi ka. Nakaharang ka sa pinto. Ano ba?!" Antaray naman ni kuya! Tch.



"Sorry." Pagkasabi ko niyan, umalis na 'ko. Ang pangit naman ng may kaaway ako agad. Haaaay. Nga pala, saan 'yung classroom namin? Makapagtanong nga! Sinong kayang mabibiktima kong estudyante, la la la la la~ Yown! "Ate!" Nilapitan ko si Ateng may bangs. "Good morning. Alam mo ba kung nasa'n 'yung classroom ng fourth year?"

Tinaasan niya muna ako ng kilay. "Section A or section B?" Hala? May sinabi bang section sa'kin si Ma'am Sabel? Wala diba? Or hindi ko narinig? Aish! Hindi ko na matandaan! Ang awkward tuloy dito sa hallway.

"Uhm, hi---"



"Malamang sa section ka namin!" Biglang may umakbay na lalaki kay Ate na may bangs. "Sa atin ngayon ang new student." Ngumiti siya kay Ate na may bangs. Ningitian din siya ni Ate na may bangs. Magkamukha sila. Kambal? Uh?

"Welcome, new student! I'm Angelo. At siya naman si Angela. Kambal kami, halata naman diba? Hahaha!"

"Mikah. Nice meeting y----"

RIIIIIIIIIIIIING!

"Nagbell na! Tara tara tara!" Nagmamadali lahat ng estudyante. Ang gulo nila. Takbuhan kahit saan makapunta lang sa classrooms nila. Nawala na 'yung kambal. Bigla na lang sila tumakbo. Hindi ko na sila makita! Ano bang section ako? Nasa gitna ako ng hallway. Ano nang gagawin ko?!



"Babae, section B ka." Sinabi sa'kin 'yan ng lalaking dumaan sa harap ko. Oo. Hindi man lang siya huminto. SIYA 'YUNG KANINA!



"Kuya! Sandali lang!" Sinabayan ko siya sa paglalakad. "Alam mo ba kung saan 'yon?" Wala siyang pakelam! Hindi niya 'ko pinapansin. Hala naman! "Alam mo ba kung nasaan 'yung fourth year room, section B?" Wala talaga. Ang seryoso pa ng mukha niya. Nako. Susundan ko na nga lang siya!



After 25 seconds...

"Tigil." Huminto kami. Nandito na kami sa stairs, paakyat na ata sa second floor. "Second floor. Sa dulo. 'Wag kang sasabay." Sinabi niya 'yan ng hindi man lang tumitingin sa'kin. Tapos nauna na siya. Anong drama 'yon?

"Salamat!" Sigaw ko. Nakapasok na ata lahat ng students sa classroom nila. Wala ng ingay eh. Late ako? Nyaaaay~ Makapunta na nga sa classroom namin!

---

Tok Tok

"Good morning, Ma'am, classmates. Sorry I'm late. May I come in?" Kahihiyan. Nakatingin silang lahat sa'kin. Well, at least natagpuan ko na ang classroom namin! Hihihi.

* * *

(Vee): Yehey! May update na! ^^, VOMMENT~

Troublemakers [S.A versus S.B]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon