✎ Chapter 02

227 15 7
                                    

✯ Medyo Suspense : Mika's POV



Tok Tok

"Good morning, Ma'am, classmates. Sorry I'm late. May I come in?" Kahihiyan. Nakatingin silang lahat sa'kin. Well, at least natagpuan ko na ang classroom namin! Hihihi.

Uhm, bakit wala 'yung kambal?

"It's okay. Come in." Lumapit ako kay Ma'am pagkasabi niya non. Sobrang cliché. Ganitong ganito ang mga nababasa ko sa Wattpad. Sigurado, sasabihan ako ni Ma'am na magpakilala sa harap ng klase. "Magpakilala ka na sa kanila." Sabay ngiti ni Ma'am. Sabi na nga ba.



Okay, nagpractice na 'ko ng ilang beses. Kaya ko 'to. "Good morning sa inyong lahat. I'm Ezra Mikah Dominguez. Sixteen years of age. First time kong pumasok sa isang school. Sana magi---" Bigla na lang tumayo ang lalaking may scarf na red sa leeg at hindi ako pinatapos magsalita.

"Sandali lang! First time?" Nagtataka niyang sinabi.

"Baka first time lumipat ng school ang ibig sabihin niya." Sabi naman ng babaeng nakaupo sa bandang likod.

"Mamaya na kayo mag side comments diyan, patapusin niyo siya." Sabay ngiti sa'kin ng lalaking . . . mukhang responsable. Signal niya siguro 'yon para magpatuloy ako.

"Sana maging kaibigan ko kayong lahat."

Tok tok

"Good morning, Ma'am Audrey. Pinapatawag po kayo ng Principal."

"Ah, sige po."

Umalis na 'yung Manong na kumausap kay Ma'am . . . Ma'am Audrey. Haaay. Medyo awkward. Kanina pa 'ko nakatayo dito.

"Mikah, umupo ka na, kahit saan. Keribels," Tumango ako at pumunta na sa likod. May bakanteng upuan sa tabi ng babae kanina na nag side comment. Doon ako umupo. "CLASS, PLEASE LANG, HUWAG KAYONG GAGAWA NG GULO. OKAY? SANDALI LANG AKO MAWAWALA. PLEASE LANG. Thankyouverymuch."



Umalis na si Ma'am. Hmm, bakit kaya ang onti namin? Ang tahimik pa ni--- Uh . . . kasalukuyang tinitignan nila ako ngayon. Lahat sila! May nagawa ba 'kong mali?



"YES! MAGDIWANG! DUMADAMI ANG KATRIBO NATIN!"

"Hoy, bakukang! Makasigaw ka diyan ah?! Atsaka, iisa lang siya! Graduating na din tayo!"

"Nako, mahiya naman kayo sa bago nating classmate."

"Sabihin na natin sa kanya!"

"'WAAAAG!"

Nagsitinginan silang lahat sa sumigaw. Siya 'yung lalaking sinasabi ko na mukhang responsable. Anong sasabihin? Baka may sikreto ang classroom na ito! May napatay na kaya sila? May sumpa? Epekto lang siguro 'to ng mga nababasa ko sa Wattpad. Nyahaha!

"'Wag muna . . . baka mabigla siya."

"Sus! Ano ka ba naman, Sean? Eh ako nga, hi---"

"Basta! 'Wag muna."

"OKAY! OKAY! Magpakilala na tayo sa kanya! Ako ang mauuna! Hi, Mikah, I'm Chanel."

"Magsasayang lang tayo ng oras. Mikah oh," May inabot na folder sa'kin si Sean? Tama. Sean. Kinuha ko 'yon at tinignan ang nilalaman. Pictures nila with names! "Ayos ba?"



"Tss. Mikah may rule kami. 'Wag na 'wag na 'wag kang lalapit sa section A. 'Wag ka makikipag-usap. 'Wag ka makikipag-kaibigan sa kanila. Kuha mo?" Sabi ni, wait, titignan ko 'yung pangalan niya sa folder . . . sabi ni Faye! Teka, bakit ganon ang rule? Ang saklap?

"Diba sabi ko 'wag munang sasabihin sa kanya?!" ― Sean

"Hindi ko naman sinabi ah?" ― Faye

"Aish. Sige na nga. Sasabihin ko na. KO. Ako ang magsasabi. Halika, Mika."

"HUWAAAT?! May sasabihin lang, halikan na agad?!"

"Bakukang! Ang bingi mo talaga eh noh?" Sabi ni . . . Manuel. Siya din 'yung bumara sa bakla kanina na si . . . Mark: a.k.a. Bakukang

"Mikah, tara na. Sandali lang na---" Napatigil magsalita si Sean dahil biglang pumasok ang kambal sa classroom. Mukhang pagod na pagod sila.



"Meron . . . silang bina . . . binabalak!" Sabi ni Angelo. Hinihingal pa siya.

"Uhm, anong nangyayari?" Tanong ko sa kanila. Kanina pa 'ko naguguluhan.

"Ikaw! Siguradong ikaw lang ang target!" Sabi naman ni Angela. Anong target? "Lagi namang ganon . . . diba?" Ano bang nangyari sa kanila? Pagod na pagod eh.

"Saan ba kayo nanggaling?" ― Faye

"Painom muna ng tubig! Please lang! Tubig muna!" ― Angelo



Habang naghahanap ng maiinom na tubig si Angelo, magpapakilala muna ako sa inyo. Alam mo na ang pangalan at edad ko. So 'yon, first time kong pumasok sa isang school. May kaya ang aking pamilya. Wala akong mga kapatid. Sobrang protective ng magulang ko kaya home school lang ako lagi. Wattpad ang pinaka libangan ko sa bahay. Hindi ako masyado lumalabas ng bahay, dahil ayaw ng magulang ko na lumalabas ako. At, grabe noh? Kung kailan fourth year na 'ko, atsaka lang nila naisip na pag-aralin ako sa isang eskwelahan para makisama sa iba.



Ay! Balik tayo sa ayaw ng magulang ko na lumalabas ako ng bahay. Siyempre, tumatakas ako minsan. At kasama ko sa pagtakas ang best friend kong si Aaron John Fortuno. Ang alam ko, dito rin siya nag-aaral sa Philippine Mahogany High School. Baka section B siya? Or late? Aish! Nagpa-late pa kasi ako! Hindi ko tuloy naabutan ang attendance.



Tapos may sikreto pa na hindi ko maintindihan ang mga classmates ko! Jusmiyomarimar! Oh, nakainom na ng tubig si Angelo.



"Ayun nga. May binabalak sila, nakita naming may mga dalang kung anu-ano 'yung ibang boys nila papasok sa likod nitong school. Eh nakita kami ng isa kaya hinabol kami. Agad naman kaming tumakbo ulit at parang naglaro ng tagu-taguan sa kanila! Mga mokong na 'yon!" ― Angelo

* * *

(Vee): VOMMENT~

Troublemakers [S.A versus S.B]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon