Chapter 26

246 4 0
                                    

Sakura's POV:

Nasa bahay na kami at umakyat na ako sa kwarto para kunin ang wallet ko. Kailangan kong bayaran si Otoya.

Bumaba na ako at nakita ko syang inaayos na ang pinamili namin

Lumapit ako sa kanya at binigay ang halaga ng binayaran nya. Ang mahal pa naman.

"Otoya, oh"

Tinignan nya lang yung kamay kong may hawak na pera.

"Anong gagawin ko jan?"

"Bayad ko sa utang ko."

Umiling sya sa akin at hindi tinanggap ang pera. Binalik nya ang atensyon nya sa pag-aayos ng mga pinamili.

"Ok lang, Sakura. Hindi mo na ako kailangan bayaran."

"Tumigil ka, Otoya. Ang mahal ng pinamili natin. Hindi pwedeng hindi ko bayaran yan."

Humarap sya sa akin.

"Ok nga lang talaga, Sakura. Tsaka ako yung may gustong kumain. Kaya ako ang magbabayad."

Mukhang hindi talaga ito paptalo kaya hindi ko na lang pinush.

"Then, atleast let me pay for my Stick-O"

He sigh and just smile.

"I'll really never win over against you. Ok you can pay hour Stick-O. Alam ko namang hindi ka titigil hanggat hindi ka nananalo."

Napangiti naman ako sa kanya.

"So, let's cook now." anyaya nito sa akin.

Tumango lang ako sa kanya.

Sinimulan na naming ihanda ang mga gagamitin namin sa pag-luluto. Marunong pala syang mag-luto. Which is rare for a guy.  He said that his mama teach him.

Ayaw daw kasi nitong lumaki ang mga anak nito na hindi marunong magluto.

Pagkatapos naming gawin ang mga kailangang gawin nagsimula na kaming mag-luto at mag-saing ng kanin.

Nang matapos na kami ay nag-hain na kami at kumain na.

Tahimik lang kaming kumain since gutom na talaga kami.

Nang makapag-pahinga na kami ay nagsalita na ito.

“Sakura, nuod tayo ng sine”

“Huh? bakit?”

“Well, mas boring pa dito sa inyo. Wala akong magawa.”

Sabagay. Iniwan lang naman talaga nila ako dito para may tao sa bahay. Normally tulog lang ako lagi dito at magigising na lang ako naanjan na sila.

"Ok, boring talaga dito"

Umakyat na muna ako sa kwarto ko at naligo at nag-bihis ng panibago.

Nang matapos ako ay sinigurado ko ng may dala akong wallet at yung susi ng bahay namin since ila-lock ko ito. May susi naman kami bawat isa.

Nang-matapos ako ay umalis na kami at pumunta sa mall para sa mag-sine.

Nang naandito na kami sa sinehan ay hindi kami makapili ng papanoodin.

“Otoya, ano na ang papanoodin natin?”

“What about this?” at tinuro nya sa akin yung poster ng Live Action ng Anime na Tokyo Ghoul.

Oh, ngayon nga pala ang showing nito.

"Sige. Ayan na lang."

Pumunta na kami sa bilihan ng tickets at bumili na. Bumili na din kami ng pop-corns and drink. At pumasok sa sinehan.

Mga ilang minuto din ay nag-simula na ang palabas.

Ang astig ng cinematography talaga pag Japan ang gumagawa. Ang galing din ng mga characters na gumaganap.

Pero nakakawa si Kaneki. May gusto lang naman siya kay Rize kaso hindi pala nya alam na ghoul ito. Kaya sya na ang naging next target ni Rize. At ang malala nilagay pa sakanya ng nakakainis na doctor na yun yung mata ni Rize kaya naging half ghoul sya.

All in all ok lang naman sya sa akin. Hindi nga kami nag-kikibuan ni Otoya since focus na focus kami sa palabas.

Natapos na namin at lumabas na kami ng sinehan, nang tinignan ko ang oras ay 6:00 na pala ng gabi.

Nag-gala gala muna kami sa mall tsaka namin napag-pasyahan umuwi.



Nang makarating kami sa bahay 8:00 na ng gabi.

“Sakura, I'll sleep here ok.”

Nawala tuloy yung antok ko sa sinabi nya. Napatingin ako sa kanya.

“Ha?Ayoko nga, tsaka hindi papayag si Mama”

Speaking of Mama bakit wala pa sya dito sa bahay? I thought mauuna pa sila makauwi.

Bigla nyang inilabas yung cellphone nya tsaka nag dial tapos inilagay nya sa tenga nya.

“Hello, Tita si Otoya po ito, gusto ko lang po magpaalam sa inyo na kung pwede po ba akong mag-sleep-over dito sa bahay nyo?”

Tumahimik si Otoya since mukhang may sinabi sa kanya si Mama.

Nakita ko naman syang ngumiti ng malaki.

Ah-oh, hindi maganda ito.

"Sure, Tita. Thanks po and mag-iingat po kayo. Goodnight po."

At in-end call nya nya.

Humarap sya sa akin.

“There, nag-paalam na ako sa Mama mo, pwede daw akong mag-sleep over  dito”

I knew it.

Normally ang ganitong sitwasyon ay papagalitan ka dapat ng magulang mo kapag may lalaki sa bahay nyo na mag-oovernight. Pero kay Mama ok lang. Yung totoo?

“Si mama talaga.”

<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<

enjoyyyy~ reading

vote☁comments are highly appreciated☁

The Ordinary Girl and The Campus Heartrob (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon