Chapter 14- Ligaw

5 0 0
                                    

Chapter 14- Ligaw

Sam's POV.

Sabado ngayon at wala kaming pasok kaya tinanghali na ako ng gising.

"Oy Arianna gumising ka na dyan. May bisita ka sa baba." Eh? Sino naman yun?

"Ihh kuya sino ba yun?" Kase kung sila Margarita naman yan dederetso yan dito sa kwarto ko.

"Si Angelico." Simpleng sagot nya. Teka. Si Angelico?! Anong ginagawa naman nun dito?!

"Seryoso kuya?" Tanong ko sa kanya.

"Oo kung gusto mo makita yon bumaba ka na. Hndi ko din alam kung bakit napadpad yan dito." Sabi ni kuya. Lalabas na sana sya ng kwarto ko ng magtanong pa ako.

"Pano naging sya yung nasa baba kuya? Eh hndi naman nya alam bahay natin ah?" Nagkumibit balikat lang sya.

"Basta bumaba ka na lang kung tapos ka na dyan." Tapos tuluyan na syang lumabas ng kwarto ko.

Dali dali naman akong pumunta sa cr dito sa kwarto ko para mag ayos na nang sarili tapos bumaba na din ako.

Pagkababa ko di ko pa rin maimagine na nandito nga sya sa bahay. Pano ba kase napadpad to' dito?

"Bkt ka nandito?" Tanong ko sa kanya pagkadating ko sa sala.

"Ah magpapaalam sana ako." Huh? Ano naman ipagpapaalam neto?

"Hijo ano ba yun?" Tanong ni mommy pagkadating din nya sa sala.

"Kung ok lang po sana sa inyo na liligawan ko si Sam." mukhang nagulat naman si mommy.

Kung nagulat sila mommy, mas nagulat naman ako. Di ko nmn alam kase na yun pala yung pinunta nya dito.

"Ah. nagbibiro ka lang di ba?" tanong ko sa kanya. Actually kinakabahan lang ako. Hindi ko kase alam kung papayag sila daddy at kuya eh.

"No. I'm serious." Sabi nya. Wow ah? Maalam na sya magseryoso.

"Pano ka naman namin paniniwalaan ha? Eh Playboy ka? Pano kami makakasigurado na hndi mo papaiyakin ang kapatid ko." Woah ang seryoso ni kuya. Alam ko pag ganyan sya tinetest lang nya kung hanggang saan ang kaya ni Angelico.

"I won't promise pero sisiguraduhin ko lng na hndi ko papaiyakin ang kapatid mo." Seryoso din ang tono nya.

"We'll see." Nagtititigan sila ni kuya. Para bang sinusukat nila yung mga tingin nila.

"Ah. Boys tama na yan. Sakin ayos lang kung manliligaw ka sa anak ko. Pero sana wag mo papaiyakin yan ah? Mahal na mahal namin yan si Samantha at ayaw namin makikita syang umiiyak." Sabi ni mommy. Pero nung tumingin ako kay kuya at daddy halatang ayaw pa nila kay Angelico. I know tinetest lang nmn nila si Angelico.

"Thank you po" sabi nya habang naka ngiti.

"Wala yun. So, nag almusal ka na ba? Kung hndi pa dito ka na lang sumabay ka na samin sa pagkain ng almusal." Tumango naman sya at sumunod na samin sa dinning area. Di pa rin nagsi-sink in sakin yung mga ginawa ni Angelico. He's deadly serious I can feel it.

Pagkatapos namin kumain niyaya nya ako sa labas. Maglakad lakad daw kami eh. Buti na rin yun at least matatatanong ko na sa kanya ang gusto kong itanong kanina pa.

"Paano mo nalaman kung saan ako nakatira? Pati ano naman pumasok sa isip mo at dumayo ka samin ah?" Tanong ko sa kanya. Nginitian naman nya ako. Problema neto?

"Tinanong ko kela Margarita eh. At tska eh ano naman kung liligawan kita? Buti nga nagpaalam ako sa parents mo eh." What the? Ang galing lang ah? Bait nila sakin huhu.

Falling in love to a PLAYBOYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon