Chapter 17- hatid sundo

5 0 0
                                    

Chapter 17- hatid sundo

Sam's POV.

Nagising ako na may ngiti sa labi. Sabi na eh baliw na ata ako hahaha. Pero wait totoo ba yun kagabi? Yung kiniss ko sya sa cheeks nya? Grabe pagnaaalala ko yun kinikilig ako buh! HAHAHA.

Pagkatapos ko gawin ang daily routine ko bumaba na ako at dumeretso sa dinning area.

"Good morning mom! Good morning dad! Good morning kuya!" Pati ko sa kanila pagkadating ko sa kusina.

"Good morning din anak. Bkt ang hyper mo ata ngayon?"

"Hehe wala lang po mom!" Sabi ko sa kanya habang naka ngiti.

"Sam bilisan mo pagkain mo dyan hinihintay ka na ng sundo mo" tumingin ako kay kuya na may halong pagtataka ang mukha.

"Huh? Sinong sundo kuya?"

"Sino pa ba? Edi yung manliligaw mo. Kaya bilisan mo na dyan." WHAT?!

"Eh?! Seryoso kuya?!" Shock is all over my face.

"Oo nga kaya bilisan mo na dyan" tumango naman ako at binilisan ko ang pag kain.

"anak hinay-hinay ka naman, hihintayin ka non wag kang masyadong excited" tumingin naman ako kay daddy. Inaasar nya ako huh.

"Hehehe sorry dad. Tapos na ako kumain bye mom, dad and kuya! See you later!" Paalam ko sa kanila. Shems seryoso ba talaga sila na sinusundo ako ni Angelico?

Pagkalabas ko nang bahay nakita ko nga sya nasa labas sya ng kotse nya at halatang kanina pa sya naghihintay.

"Good morning Sam!" Bati nya pagkakita nya sakin. Hyper din sya ah.

"Uhh anong ginagawa mo dito?" Syempre patay malisya muna ako haha kunyari hindi ko alam na sinusundo nya ako.

"Hmm wala lang gusto lang kase kitang sunduin dto para sabay na tayo pumasok." pagkatapos nya sabihin yon pinapasok nya muna ako sa loob ng sasakyan nya tapos umikot sya at sumakay na din sya.

"Ahh ok. Di mo manlang sinabi sakin na susunduin mo ko edi sana nakagising ako ng maaga para hndi ka na naghintay." Napakamot naman sya sa batok nya.

"Sorry nawala sa isip ko sabihin sayo kagabi eh. Kung ok lang sana na lagi na kita susunduin papuntang school pati ihahatid kita pauwi?" Nakatingin lang ako sa kanya. Pinag-iisipan ko kase kung papayag ako o hndi eh.

"Hmm. Ok lang naman" nasabi ko na lang bigla sabagay wala naman sigurong masama kung papayag ako di ba? At tska nanliligaw naman sya eh.

Narinig ko naman na nag 'yes' sya may sayad talaga hahaha.

Pagkadating namin sa school as usual nandun pa rin mga fangirls nya ang iingay akala mo naman artista itong si Angelico hays.

Bumaba na sya ng sasakyan nya at pinagbuksan ako ng pinto. Wow lang ha? Ang gentleman na nya konting konti na lang halatang halata mo na ang pagbabago nya.

Pagkababa ko ng sasakyan nya biglang natahimik ang mga estudyante na nagtitilian kanina at napatingin samin. Well sino bang hindi? Eh hello magkasabay kami ni Angelico pumasok at take note pinagbuksan pa nya ako ng pinto ng sasakyan di ba?

"Omg! Sila na ba talaga?!" Girl 1.

"Ang alam ko nanliligaw pa lang si Angelico sa kanya" Girl 2.

"Eh? Pano na ako?! Huhu" girl 3.

"Hoy anong pano ka? Walang kayo noh! At tska wala naman gusto sayo si Angelico!" Sagot sa kanya ni girl 2, natawa naman kami ni Angelico dun.

Falling in love to a PLAYBOYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon