Chapter 2

40 10 9
                                        

Araw-araw akong naghihintay. Minsan natanong ko na din sarili ko ‘naghihintay ba ako sa wala?’

“Oy Kris ang lalim ata ng iniisip mo”

“Hindi naman Kate.”

“Iniisip mo naman ba si Sedrick?” Oo alam ni kate sino si Sedrick kinwento ko sa kanya. It’s been months since naging bff ko si kate. December na next month, sa sobrang bilis ng panahon eh hindi ko namalayan na nagtagal ako sa school na to. Happy naman ako kasi kahit papano madami akong naging kaibigan. Pero nag stick talaga ako at naging ka close ko talaga eh sina kate at mga kaibigan nya.

“Oy hindi ha! Sobra naman to.”

“Asus in denial ka pa girl. Kahit ilang months pa lang tayong magkakilala alam ko  na ugali mo no.”

“Tsssk. Sige na nga. Pero seriously kate parang wala na atang pakialam sakin si Sedrick and mukhang wala ng pag-asa yung pangako nya sakin.”

“Alam mo Kris eh hindi naman sa nangingialam ako sa lovelife mo ah pero time na siguro para mag move-on ka bff! Tingin ko kasi parang ikaw lang talaga nasasaktan sa ginagawa mong yan.”

“Matagal ko ng iniisip yan kate pero naman kasi eh ayaw kasing matanggal sa isipan ko yung promise na ginawa niya before he left me”

“Ganito nalang, para mawala yang pagka emo mo eh pupunta nalang tayo mamaya sa Grandstille East University! May laro kasi si Seanne!”

“San ba yang Grandstille East University na yan? Tsaka sino na naman si Seanne?”

“Si Seanne yung cousin ni Jane! Pero bff eto ha dapat walang agawan! Sakin na si Seanne”

“Asa ka naman na magiging crush ko yang si Seanne mo”

“Oy wag kang magsalita ng tapos no! Super handsome kaya ni Seanne ko. Naku pag nakita mo siya baka ma love at first sight ka pa sa kanya”

“Geh sayong sayo na siya bff wala akong pagnanasa sa kanya. Meron na akong Sedrick”

“Tsssk. Tssk wala na nga sa topic si Sedrick diba! Binalik mo pa talaga. Malala na yan girl baka ma abnoy ka na nyan”

“Oy! Kung maka abnoy naman to. Tsaka magpapa alam pa ako kay kuya baka kasi hindi ako papayagan nun. Sabi nya pa naman na uwi ako agad pagkatapos ng class”

“KJ overload talaga forever yang si Kuya mo. Tsssk”

“Hindi naman. Love lang talaga ako ni kuya no”

“Eeeewww kuya’s girl ka talaga ever”

“At least yung kuya ko eh matino no”

“Hoy matino din kaya kuya ko! Magkabarkada nga sila ni kuya mo diba! Oh edi same silang matino”

Oo last month ko lang din nalaman na magkabarkada pa talaga yung kuya namin ni kate. Matino naman talaga kuya niyan kaso abnormal lang talaga kasi andaming babae.

“Abnormal sa babae yang kuya mo”

“Eh sa topic na yan aagree na ako. Abnormal naman talaga sa babae yun kala mo wala ng bababeng matitira sa mundo bukas makalawa.”

“Oh see? Hahahaha”

“Hahaha. Basta mamaya ha?”

“Paalam muna ako kay kuya. Samahan mo ko mamayang lunch pupuntahan ko si kuya”

“sige ba”

As usual ganun pa din ang routine sa loob ng classroom everyday. Nakakainis lang talaga yung isang girl ko na classmate kasi naman eh kung makadikit sakin kala mo close kami eh crush niya pala si kuya. May kasabihan kasi na kapag gusto mo ang isang tao dapat pati dun sa friends and family maging close siya. Asa naman siya no eh junior high school pa lang siya and fourth year na si kuya. And I know my kuya hindi siya papatol sa mga babaeng nagmimake-up. Kibata bata nagmimake-up na.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 24, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Better Luck Next TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon