Chapter 1

23 1 0
                                    

"ASAN KA NA BA? Kanina mo pa hindi sinasagot ang mga text message ko.!" Galit ng text ni Marco kay Mia.

"Saglit nga lang, may tinatapos pa ako" reply naman ni Mia.

"Sus. Kanina pa yang saglit na yan ah.! Ilang oras ba ang saglit?" Sagot naman ni Marco.

"Hindi ba makahintay? saglit nga diba. Saglit!" Pagalit na ding reply ni Mia.

Ibinagsak nya ang phone sa may higaan at muli nyang ipinagpatuloy ang pag ma-mop ng sahig.

Araw ng linggo at rest day ni Mia.

Paglalaba ng mga damit na isang linggong hindi nagalaw. Paglilinis ng kwarto nya at pagkatapos ay buong bahay.
Ganun lagi ang ginagawa nya tuwing day off nya.

Mas gugustohin nya pang mapagod physically kasi yon daw ang way nya to relieve all her stress from work kesa mahiga at matulog at pagkagising pagod na pagod pa din. Stress pa rin. I-compare sa paglilinis at paglalaba ay pinagpapawisan sya..

Naririnig nya na panay ring ng phone pero hindi man lang nya ito kunin at sagutin. Hinahayaan nya na lang ito na magring at magring. Alam naman nya na si Marco pa din naman yong tumatawag. Ang kanyang boyfriend.

6 years na sila Mia at Marco bilang magkasintahan. College pa lang silang dalawa nung nagsimula ang kanilang pag-iibigan. Dahil na din naman ito sa mga kaibigan nilang mahilig silang tuksohin.

Graduate sila ng BSBA or Business in Administration.

Magkasabay silang nag graduate sa iisang eskwelahan din.

Ngunit naghiwalay lang sila ng patutunguhan simula ng makahanap na sila ng kanya- kanyang trabaho.

Si Marco ay natanggap sa isang Construction firm. Samantalang si Mia ay sa isang Advertising Agency bilang isang Marketing officer din.

Masasabi talagang kunti lang ang oras ni Mia para sa kasintahan nya dahil lagi itong out of town para sa kanilang mga Special Marketing Activity or orientations and seminars.

Kung makahanap man ng pagkakataon ay tumatawag sya o nagmemessage sa kasintahan para kumustahin ito at mag papaalam na.

Noong una ay naiintidihan ni Marco ang klase ng trabaho ni Mia. Suportado nya ito sa lahat ng mga projects nito at mga missions.

Ganun din si Mia. Gumagawa sya ng paraan para makabawi man lang. Ganun naman dapat sa relasyon.

Ngunit nitong huli. Lagi na silang nag aaway. Ang laging rason ay dahil hindi daw makapag message si Mia. Nagsasawa na daw si Marco sa mga rason na paulit ulit na lang.

16 missed calls..
25 messages..

Tumawa lang si Mia, pagkatapos nyang tingnan ang phone nya.

"Heto na naman tayo Marco." Pabuntong hininga nyang sabi habang iniisa isa ang mga messages ni Marco.

"Mia! Anu na? Hindi pa din ba tapos?"

"Ganu ba kadami mga lilinisin mo at inaabot kana ng tatlong oras?"

"May balak kapa ba imessage ako?"

"HOY!"

"MIA!!!"

"ganyan ka e. Hinahayaan mo na lang na wag ako itxt. Kahit alam mo na naghihintay ako!"

"May gana ka pa bang kausapin ako?"

"Anu ba!! Pinupuno mo talaga ako no?!!"

"Ngayon na lang nga sana ang time natin, ganyan kapa"

I Love You, But I Love Him More!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon