Chapter 2

8 0 0
                                    

Kasalukuyang nakadestino si Mia sa Cebu samantalang si Marco ay sa Manila. Gustohin man ni Mia na puntahan si Marco pero hindi nya magawa dahil na rin sa trabaho.

Kung anu anu na ang pumapasok sa isip ni Mia.

She's thinking. Maybe Marco has already his new. Kaya hindi na ito nagpaparamdam.

Sinubukan ni Mia buksan ang facebook account ni Marco dahil alam din naman nya ang password nito pero wala naman itong latest na nakachat.

Magbabakasakali sana sya na baka may pinagkaka abalahan nga syang iba.

Hindi naman kasi alam ni Marco na aware si Mia ng password nito.

Nagkataon kasi na one time, habang nakayakap si Mia kay Marco ay nag open ito ng phone nya.

Habang itinatype nito ang code ay tinitingnan ni Mia ang bawat letters na lumalabas sa bawat pindot nito.

Walang kamalay malay si Marco na nakabisado na pala ni Mia ang code.

Kaya naman nung isang beses na nag away sila dahil sa nakikita ni Mia na lumalabas sa News feed ng facebook nya na panay ang comment ni Marco sa isang friend nito na hindi nya din kilala. Kinutuban si Mia ng hindi maganda. Kaya naman ini logout nito agad ang fb account nya at sinubukang i-log in ang account ni Marco.

Inilagay nya ang password na nakabisado nya at hindi nga sya nagkamali. Nakapasok sya sa account ni Marco nang wala man lang kahirap - hirap.

Wala na siyang ibang pinuntahan pa kundi sa messenger lang nito. At doon nga nya nakita na may iba nga itong pinagkaka-abalahan, maliban sa kanya.

Woman's instinct sometimes always right.

At ito na nga yon.

Katrabaho siguro yon ni Marco ang kachat nito at ang way of conversation nila ay hindi yong friendly conversation lang kundi mas malala.  Dahil dumidiskarte ito doon sa babae na yon.

Pinapalabas ni Marco na wala na sila ni Mia at parang malabo na silang magkabalikan pa.

Sa sobrang pang gigigil ni Mia ay muntik na sana nyang maitapon ang phone. Kaya lang naisip nya, hindi nya dapat gawin yon, kailangan nya dapat kausapin muna si Marco para harapin nito ang kasalanan at mag explain.

Kaya naman lahat ng mga messages ay pinag screenshots ni Mia to leave as all evidences. She want to slap it on his face once she confronted him and he tried to deny.

There's no way to deny.

On the day na nagkita sila Mia at Marco ay hindi agad si Mia nagpakita nang pagkadismaya sa katipan. O kahit panggigigil dito. Kinalma nya ang kanyang sarili para may maganda syang intro.

Kumain muna sila at nagkwentohan tungkol sa kani-kanilang mga trabaho. At nung napansin ni Mia na lagi ng bukang-bibig ni Marco yong lagi daw nitong inaasar na si Aubrey, (ang kasamahan nito sa trabaho) ay agad nya pinahinto si Marco sa pagsasalita.

"Saglit nga, stop!"

"Bakit Babe?" Pagtatakang tanung ni Marco.

"Stop right there" ani Mia.

"Why? something bad?" Tanong ulit nito.

"Yes!" Yong kilay na namamaluktot na sa pagpipigil ng galit.

"Ha? What is it?" Curious ng tanong ni Marco.

"It seems that you really like that girl huh?" Sarcastic na tanong ni Mia.

Kaya naman napataas din ang kilay ni Marco at biglang naunat ang kumukunot nitong noo.

"What kind of question is that Babe? Are you kidding me?" Denial level starts.

Mia crossed her arms and asked Marco straightly and firmed.

"Kayo na ba nung Aubrey na yon?" Taas kilay na tanung.

"Of course not. Bakit ba ganyan ang tanung mo?" Deny pa din.

"Uulitin ko. Kayo na ba ng Aubrey na yon?" Taas kilay pa din na tanung ni Mia.

"Babe, look. I don't know what you're talking about. And to tell you honestly, I am faithful to you. I have you already at ayoko na magkahiwalay tayo dahil lang sa mga bagay bagay na pinagdududahan mo." Mahabang explanation ni Marco na hindi man lang makatitig kay Mia.

"Then?" Parang gusto na nyang sabihin ang nakita nya.

"Then what? That's all babe. There is no other meaning yong mga asaran namin ni Aubrey. I just had fun. Kasi nakakatuwa lang sya asarin." Deny pa more.

Nanatiling tahimik si Mia.

"Babe. Talk to me. Saan ba nanggagaling yang mga hinuhugot mo?" Pakunwari pa ding tanong ni Marco.

"May nalaman lang kasi ako galing sa source ko." Kalmado pa din sagot ni Mia.

"Wow. Ang galing naman ng source mo na yon. Gagawa gawa pa ng kwento ha." ngumingisi-ngising sagot ni Marco.

"Yes of course. Maaasahan ko talaga yong source ko na yon. Kaya bago pa ako mainis Marco sagutin mo na yong tanong ko." Mahinahon pa din sya.

"Sinasagot ko na nga yong tanong mo. HINDI! HINDI! HINDI! hindi nga eh. Ikaw lang ang mahal ko, wala ng iba. Wala na akong ibang rason para maghanap pa ng iba." Pagdedeny pa din ni Marco.

"Ang kapal ng mukha mo. Napakasinungaling mo! Ang tigas din talaga ng mukha mo no para ideny pa lahat. Buking kana Marco kaya wag ka na dyan magsinungaling pa. Alam ko na lahat. Alam ko na!" Hindi na napigilan ni Mia. Sabay sampal kay Marco.

"Babe maniwala ka naman. Nagsasabi nga ako ng totoo. Ikaw lang ang girlfriend ko. Wala ng iba. Kung si Aubrey ang issue, ok fine titigilan ko na sya. Hindi na ako makikipaglapit sa kanya." pagpapahinahon ni Marco, sabay yakap kay Mia.

"Bitiwan mo ako. Sige nga explain mo nga kung bakit mo sinasabi na wala na tayo. Na hindi na tayo. Pinapalabas mo doon sa office nyo na wala na tayo diba? " Galit pa din na tugon ni Mia.

"Babe, kung sino man yang source mo. Pakisabi sa kanya na wala akong ibang intensyon. Tingnan mo ako sa mata. Ikaw lang ang mahal ko. Wala ng iba. Kung meron man akong babae na nilalapitan, wala yon. Fun lang yon. Hinding hindi ko ipagpapalit ang relasyon natin sa hindi ko pa lubos na kakilala. Kaya please babe, trust me. Walang kami ni Aubrey. Im all yours, you know that." Mahabang paliwanag ni Marco at niyakap nya ulit si Mia.

Dahil na naman sa sobrang pagmamahal, hindi na ipinakita ni Mia ang mga screenshots nya. Niyakap na lang din nya si Marco para lang maayos na silang dalawa. She loved Marco so much at hindi nya ito matiis. Para lang makabawi sya sa mga kakulangan nya sa lalaki. Inisip na lang nya na baka nga fun lang yon dahil wala naman sya lagi sa tabi nito para makipag biroan. Lagi din naman syang wala at busy sa trabaho kaya sya na lang ang mag adjust para hindi na sila mag away pa.

Ganyan nya kamahal si Marco.
Itinago na lang ni Mia ang mga picture para sa huli na kung sakali man na mahuli nya ito muli ay tuluyan na nga syang makikipag hiwalay..

I Love You, But I Love Him More!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon