Jimin Fic (One-shot)

19 0 0
                                    

[a/n: kindly play the clip para mas maGV kayo habang nagbaasa]


*** ZeParK University

Cheonsa's P.O.V

"ayan na sya"
"OMG"
"Tabi nga"
"AHH!"
"Di ko makita, anoba!"

//sigh. Mapapabuntong hininga ka na lang talaga. Pero dahil sa dalawang bagay.

Una, dahil sa mga baliw na baliw kong schoolmates. Pangalawa, dahil oo, nakakabaliw nga naman talaga ang nilalang na ito. Di ko maipagkaila dahil kitang-kita naman ang ebidensya.

At iyang mga maiingay na yan? mga schoolmate namin yan. mga taong nagtaguyod pa ng fanclub ni jimin. psh, as if mapapansin sila nun? eh napakatigas ng taong yun eh. Pero ayos din naman yang mga yan, nakakatulong sa ekonomiya. CHAR! Nakakatulong sa school yan, may mga projects sila and whatsoever. May dalawang charity na nga silang natulungan eh. Pangalan ng FC na yun eh BTSJiminPHunion. At malay ko na kung bakit ganern.

[a/n: Promote ko lang yung union na iyan, di totoo yung nakalagay dyan except sa projects totoo yun. at totoong nageexist sya, may fb page sila BTS Jimin PH Union, at idk kung may twt. peace~]

"Ayan na sya lalabas na ng kotse nya OWEMJI"
"Huy ulo mo di ko makita"
"Gosh Park Jimin Mahal kita sagad!"

Ayan na nga sya palabas ng kotse nyang McLaren P1.

"hayy" wala ka na ata talagang ibang magagawa kundi ang bumuntonghininga nalang

Yung kotse nya, nagmana sa kanya, ang sexy din eh.

Siya si Jimin Park. Heir ng unibersidad na 'to. At obviously, isang napakayaman na nilalang. Hindi lang sa pera, kundi sa looks din. Nasa kanya na ata ang lahat. Malamang sa alamang gising na gising 'tong lalaking 'to nung nagpaulan si god ng blessings, humigit pa sampung drum nasalo ne'to. Gwapo na tumatae ng pera. At sino ba naman makakalimot ng pandesal ni jimin? hayyy

Ayan na, rumarampa-- este naglalakad na sya papunta sa Board room. Malamang titignan nya na kung anong class sya kabilang.

*bell rings*

"awwww" the stupidents huffed in unison at isa na ako doon

At eto. Tapos na nga ang palabas. Kanya kanya na kaming martsa papunta sa class namin.

*** 1Lit 1G


Iterr na nga ang room ko. Pumasok ako at hindi sila yung normal (so abnormal sila) na maingay na klase habang wala pa yung prof. Nagkitbalikat nalang ako at naglakad papunta sa bakanteng upuan sa harap. Langya puno na yung likod eh. Umupo ako sa gilid banda.

[a/n: kasawa na yung pagpasok ko ang ingay ng klase at yung upo upo sa likod. eto para maiba naman]

Hmm sana maging okay ang school year na 'to.
Konting kembot na lang ggrad na ko eh.

Sa bintana lang ako nakitingin habang naghihintay ng propesor.

Ang ganda ng araw ngayon. sana magtuloytuloy.

"abskxkwbxj" biglang naging parang mga bubuyog yung mga classmate ko, nagbulungan.

Tingin naman ako sa kanila. nakatingin sila sa pinto. At ayun!

97k's One-shotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon