Celebration.
-----
Cess Lua's Point Of View
Paglabas ko ng classroom, nakita ko si Joy na naghihintay dun. Tinaasan ko sya ng kilay at kumunot naman ang noo nya.
"Ginagawa mo jan?"
"Hinihintay ka." Aniya at nagsimula ng maglakad. Sumunod naman ako sakanya.
"Sabi ni mam na nagtitiwala sya sakin, siguro kailangan ko rin tong gawin para sakin o satin." Sabi ko habang sabay kaming naglalakad.
Tumango naman sya. "Kaya mo naman talaga yan, Cess! Ikaw pa ba? Sus pugo mo lang yan eh. Tsaka para mapalitan narin yang Lyka'ng yan." Sabi nya sabay poker face.
Napangiwi naman ako, Oo nga pala. Makakalaban ko nga pala sya.
Nakarating kami sa canteen. Nakita kong kumaway si Kenneth kaya sabi ko kay Joy na dun nalang kami umupo. Pumayag naman sya.
"Hi!" Bati nya. Ngumiti naman kami ni Joy at bumati rin. Umorder si Joy ng pagkain namin at naiwan naman kami ni Kenneth.
Magsasalita na sana ko kaso biglang lumapit samin si Elys... kasama si Lyka.
"Hi! Pwede ba kaming umupo dito?" Pekeng sabi ni Lyka napairap naman ako. Bruha.
"Hindi." Prangka kong sagot. Eh sa ayaw ko eh. Duh.
"Awww, puno na kasi eh." Maarteng saad ni Lyka sabay tingin sa mga lamesang may mga tao na. Napatingin rin ako. Huh manigas ka.
Napangisi naman ako. Nakita ko naman si Joy na pabalik na mula sa cashier at mukang nagulat dahil nandito yung dalawa. Sinenyasan ko syang lumabas na muna dahil hindi ko maaatim na kumain kasama tong dalawang malandi na to. Nakuha nya naman ang ibig kong sabihin kaya imbes na lumapit sa mesa ay dumiretso sya sa pinto at lumabas.
Tumayo ako at ngumisi. "Enjoy your lunch!" Sarkastiko kong sagot sabay tulak ng upuan papunta kay Lyka. Halos umusok naman ang ilong nya. I grin. Bitch please.
May sasabihin pa sana si Elys pero hindi na nya natuloy yun dahil nagsimula na kong maglakad. Muka namang napanood ng lahat ng estudyante dito yung nangyari pero hindi ko nalang sila pinansin. Nagdire-diretso na ko sa pinto at tuluyang lumabas.
Pumunta ako sa oval kung nasan si Joy. Nakita ko naman agad sya na naghihintay sakin. I smiled.
"Bakit ba kailangang tayo pa ang umalis dun?" Naiirita nyang tanong sakin. "Tayo ang nauna kaya dapat sila ang umalis." Dagdag pa nya.
"Ayoko ng gulo, Joy!" Mariing sambit ko.
"Edi dapat pinaalis mo sila! Nakakainis naman Cess eh." Talagang naiinis sya. Haha.
Wala naman na syang nagawa kaya kumain nalang kami. Habang kumakain kami ay lumapit si Miya kay Joy.
"Hoy babae!" Mataray na tawag ni Miya
"Oh bakit, Yang?" Sabi ni Joy.
"Samahan mo nga ako!" Pasigaw nyang sabi sabay hila kay Joy.
Napatingin sakin si Joy kaya tumango ako. I mouthed 'Ako na ang bahala dito." Nagets nya naman yun kaya tumayo na sya at sumama kay Miya.
Konti nalang naman ang natira nyang pagkain. Inubos ko nalang yung akin at nilagay sa tray. Tumayo na ko at nagsimulang maglakad papuntang canteen. Mag-isa na naman akez. :-(
Pagdating ko sa canteen, wala na yung dalawang mag-syota so dumiretso nalang ako dun sa counter at binalik yung tray.
"Ang ganda mo talaga, Princess!" Sabi ni ate Mary Anne. Ngumiti naman ako. Hindi naman ganun kalayo yung tanda nya sakin, siguro mga 5 years lang ang age gap namin. Ang cute nya nga rin eh.
"Thank you, Ate MeAnne! Ikaw rin lalo kang gumaganda. Blooming ka ate ah." Pang-aasar ko, ngumiti lang sya pero hindi naman na sya nakasagot kasi tinawag na sya nung cook kaya umalis na sya.
Umalis narin ako pero habang naglalakad ako ay bigla akong napatid. Nairita naman ako dahil muntikan na kong madapa buti nalang ay naka-balance ako.
Feeling ko sinadya to eh. Nako!!! Umalis nalang ako sa canteen at dumiretso na sa susunod kong klase since wala naman si Joy.
Pagkapasok ko sa room nandun na silang lahat, including Joy and mam, at mukang ako nalang ata ang kulang. Napatingin naman ako sa relos ko at nakitang maaga pa naman ako ng five minutes, what's happening?
Napataas nalang ako ng kilay ko, bakit ba ang seryoso nila?
Maglalakad na sana ako papuntang upuan ko ng bigla silang sumigaw ng, "Let's do it section two! Let's do it Princess!!!" Sabay sabog nila ng confetti. Whoa.
Gosh ano bang nangyayari?
"This is a little surprise for you, Cess! Sorry kung iniwan kita kanina hehe." Sabay kamot ng ulo ni Joy. Natawa naman kami.
"This one's for you." Sabay abot sakin ni Kenneth ng bouquet of baymax. Hala naiiyak na ko sobrang na-touch naman ako. Favorite na favorite ko kaya si Baymax. Grabe. "I hope na you'll do your best para sa contest na to! Don't worry, we're on your side." Sabay pat nya ng ulo ko. Grabe naman this.
"Para sayo din to, Cess!" Sabi ni Justin, kaklase ko rin, sabay abot nya sakin ng isang box na puno ng gummy candies. Hala!!! I want to cry na talaga.
"Dahil ikaw ang representative natin, bumili kami ng cake para sayo." Ani mam Dayrit, "Here take this." Sabay abot nya sakin ng Contis Cake. Hala, Ang mahal kaya neto. Well hindi naman sya ganon ka mahal, We can afford this naman pero sobra na to. "We hope that you'll do your best to win this. Dont worry, we got your back. And kahit matalo, okay lang. Basta do your best and be yourself!" Mangiyak ngiyak na sabi ni Mam.
Grabe na talaga to!!! Di ko na keri eh. Daig ko pa yung mismong nanalo na eh. Kailangan ko na ng speech. Haha.
"Grabe naman guys!" Teary-eyed kong sabi, "I didnt expect na mag-aaksaya kayo ng oras para dito." Natawa kami, "Daig ko pa yung nanalo sa contest eh!" Hala iiyak na talaga ko. "So ayun, Unang una thank you sa baymax na bouquet grabe sobrang thank you talaga!!! Favorite na favorite ko talaga ang baymax eh. Sobrang cute nya talaga kaya sobrang thank you. Second, thank you rin sa Gummy candies, isa to sa mga stress reliever ko eh. Kaya thank you ng marami talaga. Third, thank you sa Contis Cake!!! Grabe nag-aksaya pa kayo ng pera para dito hehe. Pero thank you talaga. And lastly, thank you mam and classmates for the support! Hindi pa man ako nananalo eh, may celebration na agad. Kaya sobrang salamat! Hayaan nyo, babawi talaga ako sainyo!" Naluha na ko. Sobrang saya ko talaga dahil for the second time may nasurprise ulit sakin. Ang first time kasi is nung first year ako.
"AHHHHHH" Sigaw nila, "GROUP HUG!!!" Sabay sabay nilang sabi tapos niyakap nila ko. This is family.
"Okay guys, sobrang laki netong cake kaya kainin na nating lahat!" Pahayag ko sabay hiyawan nila. Masaya ako.

BINABASA MO ANG
Rebound.
Aléatoire"Pain and love is all over my heart and mind." -Cess Lua Princess Lua is a next to perfect lady. But she chose this kind of situation. She chose him. She chose to be his... Rebound. Cover by: SJ Canaryx on facebook :---) thanks a lot. ❤