Chapter 15 - 3 words

7.3K 220 2
                                    

Natapos kaming mag dinner na hindi ko na pinansin pa si Oreo, Sora at Ash. Ako narin ang nag presentang tumulong sapag huhugas ng mga plato kahit na wala naman akong kaalam alam sapag huhugas. Gusto ko lang talaga maka wala o makalayo man lang sakanilang tatlo dahil maka baibato ko sila ng kaldero.

"Hija sigurado kabang okay kalang? Kanina kappa tahimik"

"Okay lang po ako Lola, magpahinga napo kayo ako napo ang mag tutuloy nito" Pansin ko lang na nagiging mabait ako sa bahay na ito. I sigh, siguro kung titira ako ng isang buwan dito malamang hindi naako makilala ni Pamela.

"Sigurado ka apo?" I nodded, ayaw pa sana nya akong iwan pero pinilit ko sya. Wala akong idea sa mga pinag gagawa ko sa kusina nila Oreo basta ang gusto ko lang ay mapag-isa. Hindi ko kasi kayang makipag plastikan sa Sora at Ashley nayon.

Naiilang narin ako sa maya-mayang pag tanong ni Lola saakin kung Okay lang ba ako dahil ayuko narin namang mag sinungaling kaya mas okay na wala na sya dito. I sigh, gusto ko sanang pumasok na sa kwarto ni Oreo at doon nalang mag kulong kaso nasa sala silang tatlo ngayon at nag ku-kwentuhan. Madaraanan ko sila at hindi ko alam kung handa ba ako sa makikita ko. Kung ganito lang din ang mag selos sana hindi nalang ako nag boyfriend.

OREO

Napalingon kaming tatlo ng lumabas si Lola galing sa kusina. Hindi nya kasama si Nadine, at hanggang ngayon ay hindi ko parin alam kung bakit sya umaasta ng ganon hindi naman sya ganon kanina, ang ingay nya nga ng nag usap sila ni Lola.

"Matutulog napo kayo La?" Tanong ni Sora.

"Oo apo, kayo ng bahala dito at aakyat nako sa silid ko" Sabay-sabay naman kaming nag mano kay Lola, at nag good night sakanya. Pero nang ako na ang mag mamano ay nag salita si Lola "Nga pala Emilio kausapin mo yong nobya mo at parang balisa" Natigilan ako ng mag salita si Lola.

Akala ko ay ako lang nakakapansin, nakalimutan kong malakas nga palang makiramdam si Lola. "Sige po La kakausapin ko sya mamaya" Pinaka iisipa ko kung may nagawa baakong mali sakanya pero wala naman akong maalala. She even stamp my foot so ako dapat ang magalit sakanya.

"Sige mauna nako ha?" sabay sabay kaming tumango kay Lola at pinanuod naming syang umakyat ng hagdan.

"Uhm, mauna narin ako. gabi narin kasi" Tumango lang ako kay Ashley.

"Ate Ash akala ko ba dito ka matutulog? You said na kanina diba?" Pag mamaktol ni Sora. Sora is a spoiled brat and a bitch, ramdam ko rin na hindi nya gusto si Nadine simula palang.

"May pupuntahan pa kasi ako Sora, sa susunod nalang" She smiled at Sora and give her a kiss on her cheek. Tapos ay binalingan nya ako at hinalikan din sa pisnge. Pero bago sya lumayo ay may binulong muna syang ikinangiti ko. "I think.. she's jealous" She wink at me before she pulled away.

Pero nabura ang ngiti ko ng makita ko si Nadine na nakatayo sa may pinto habang masama ang tingin na pinupukol nya saamin. I gulp and my heart beat fast. Ni hindi ko na namalayan ang pag alis ni Ashley at ang pag talikod saamin ni Sora.

Nag lakad sya papalapit saakin ng hindi parin nag babago ang tingin nya. Nakaramdam ako ng takot hindi sakanya kundi sa kung ano ang tumatakbo sa isip nya. Putcha mukhang hindi ako makaka score ngayon. Napa lunok ako ng maraming besis ng makalapit na sya saakin. I open my mouth and ready myself pero bigla nalang nya akong nilag pasan at hindi man lang pinansin.

Nauna na syang pumasok sa kwarto ko na nasa na nasa first floor lang, hindi paman ako nakakarecover ay nakarinig naako ng pag bukas at sara ng pinto. Agad akong naglakad papunta sa kwarto ko pero naka lock naiyon. Shit.

"Girlfriend? Girlfriend paki bukas ang pinto. Bakit mo ni-lock?" Natatarantang sabi ko. I tried to open the damn door. Pero putek ayaw mabuksan.

"Wag kang tatabi saakin" Sigaw nya sa kabilang kwarto na mas nakapag pataranta saakin.

"Girlfriend naman" Alam nya ba kung gaano ako nahirapang utoin si Lola para lang makatabi kami ngayon tapos sasabihin nyang di kami tatabi matulog.

"Umalis kana, mag hanap ka ng matutulogan mo. Break na tayo" Natigilan ako sa sinabi nya at parang karayum na tumusok iyon sa puso ko. I know she didn't mean that but damn, ayuko ng ganong biro.

"You didn't mean that" Seryusong sabi ko. I stop knocking and stare that damn door. Biglang nanahimik si Nadine sa kabilang kwarto at tanging hikbi nalang ang naririnig ko. Hindi naako nakapag isip pa ng tama at bigla ko nalang sinipa ang pinto hanggang sa masira iyon.

I saw her lying on my bed. She's hugging her self while silently crying. Parang may kumurot sa puso ko habang tinititigan ko sya. Alam kung alam na nya na nakapasok naako pero ni hindi man lang nya ako tiningnan. Nakatalikod lang sya saakin.

"Girlfriend" Naglakad ako papalapit sakanya at nahiga sa tabi nya. Hindi nya ako pinansin at hindi man lang nya ako tinapunan ng tingin. She's ignoring me and I don't have any idea why she's doing this. "Girlfriend pansinin mo naman ako"

Still no response, tama nga sila mas masakit ang hindi ka pansinin kaysa sa sapakin ka ng taong nasaktan mo. Lalo na kung mahal mo sya. Niyakap ko sya at hinila papalapit saakin and kiss her nape. "Nadine.."

"Nag.. nag seselos ako" Bulong nya habang niyayakap ko sya.

"Kay Ashley?" Natatawang tanong ko, she nodded. Seriously? Pinag se-selosan nya si Ashley?

"Ayuko nito Oreo. A.. ayukong makaramdam ng selos. Masakit dito" She pointed her chest. I made her look at me tapos ay pinakatitigan ko sya habang pinupunasan ko ang luha sa mga mata nya. I kissed her nose and her forehead.

"Ashley is nothing. Girlfriend, kaibigan ko lang si Ash" Mahinahong sabi ko sakanya habang pinaka titigan ko sya. Namamaga na ang mga mata nya at mapula narin ang ilong nya.

"Ba.. bakit di mo ako pinapansin ng andito sya kanina?"

"Sorry, hindi ko sinasadya akala ko kasi ayaw mo sakanila ni Sora kaya di ko nalang pinilit pa. I'm sorry if I let you felt that way. Pero pangako hindi ko gusto si Ash. Girlfriend sya ng kapatid ni Sora" Mahabang paliwanag ko sakanya.

"Ta.. talaga?" I nodded.

"Okay na tayo?"

"Oo" She smiled and it seems like my world stop. I could give up everything para lang makita ang ngiti nya sa kanyang labi.

"I love you girlfriend"

"I love you to boyfriend" Hindi paman ako nakakabawi sa pagka gulat ay hinalikan na nya ako. Fuck sinabi nya ba talagang mahal nya ako o guni-guni ko lang iyon?

He owns meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon