Pagpapanggap

5 0 0
                                    

Madaling sabihin ang mga salitang
"Mahal Kita"
Madali rin sabihin ang
"Ayoko na"
"Tapos na tayo"
"Sawa na ko sa'yo"
at "May mahal na kong iba"

Madali lang sabihin. Diba? Ang dali lang para sa'tin na sabihin ang mga katagang yan pero totoo ba? Totoo bang mahal mo siya? Totoo bang ayaw mo na? Totoo bang sawa ka na? O nagpapanggap ka lang?

Nagpapanggap ka lang na mahal mo siya pero yung totoo nagagandahan o nagagwapuhan ka lang naman sa kanya. Hindi yung puso mo yung tumibok nung nakita mo siya kung hindi 'yang mapanlinlang mong mga mata.

Kaya AKALA mo, akala mo mahal mo siya. Akala mo lang pala. At eto naman si tanga, naniwalang totoo ang bawat salitang lumalabas sa bibig mo. Kaya nung iniwan mo siya, wala nang natira sa kanya. Kasi kinuha mo hindi lang puso, pati kaluluwa niya.


Nagpapanggap ka lamang ba na sawa ka na dahil nakikita mo sa mga mata niyang tila nagpapahiwatig sa'yong "bitawan mo na ko".

Nagpapanggap ka lamang ba na ayaw mo na pero ang totoo, ayaw mo lang siyang makitang nahihirapan dahil siya pala ang may ayaw na sa'yo at siya pala ang may mahal nang iba.


Minsan kailangan ngang magsakripisyo para sa pag-ibig na yan. Kailangan mong sumugal at ihanda ang sarili mong masaktan dahil kapag nagmamahal ka, kasama na yung sakit dun.

Pero dapat kahit ganoon, huwag kang basta-basta nalang susuko. Huwag kang magpakaduwag. Tama na ang pagpapanggap. Imbis na magpanggap ka, ipakita mo nalang sa kanya kung sino yung iniwan niya. Kung sino yung pinakawalan niyang tao sa buhay niya na sobrang mahal siya. Ipakita mong kaya mo nang wala siya.


Bumangon ka. 'Wag mong hahayaang isipin niyang kawalan siya. At sa susunod na magmahal kang muli, mag-ingat ka na. 'Wag kang mahuhulog sa taong alam mong wala namang planong saluhin ka.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 11, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Spilled InksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon