Keepsakes

4 0 0
                                    

10:30pm

Nakaupo lang ako. Naghihintay. Nakatitig sa kape na hindi naman nabawasan. Aaaah. Sigurado akong malamig na ang kapeng to. Oo, mahilig ako sa kape. Noong college ako ay natuto akong mag kape upang hindi makatulog. Upang matapos ko report ko para bukas. Para maihabol ko yung thesis ko na deadline bukas ng tanghali. Nagkakape ako para makapag isip. Tulad na lamang ngayon.

Inilabas ko ang cellphone ko mula sa Michaela dark blue sling bag ko. Bag na binigay ng mama ko nung minsang may Buy 1 Take 1 sa SM. Napatitig ako sa Apple sa likod ng cellphone ko. Hinimas ko ang pink and gray bumper niyon. Binili ko ang cellphone nato dahil nirekomenda ito sa akin. At naisip ko na dahil pareho kami ng telepono mas madali naming ma-message ang isa't isa through iMessage.  Tinignan ko kung may na-receive akong mensahe. Hindi naman tumunog yung cellphone ko, nagbabakasakali lang ako na baka hindi ko narinig dahil sa ingay ng kabilang table. Nagkukwentuhan ang mga naroroong college students sa kalapit na University. Nagtatawanan sila mula sa kwento ng baklang nakaupo sa kaliwang dulo. Naka white uniform sila lahat, marahil ay puro nursing students. Binalik ko ang pansin ko sa hawak kong cellphone na hindi ko tuluyang nailabas sa bag.

Wala.

Wala akong mensahe kahit mula man lang sa telecommunications network. Kahit yung kunwari ay bagong roaming ng kung sino o di kaya ay yung kunwari ay nagkamali ng pasa ng load. Napatingin ako sa pink na Timex ko. 30 minutes na mula ng nag send ako ng text message sa kanya. Na maghihintay ako dito upang maayos yung relationship namin. Huli kong na received na message sa kanya ay hindi siya pupunta. Ayaw nyang makipag usap na mainit yung ulo niya. Pero nandito parin ako, nagbabakasakali akong dumating siya dahil aalis na siya bukas papuntang Vientiane.

Gusto ko lang naman ay konting oras bago siya umalis. Pero pagod sya sa maghapon at maaga pa siya bukas para sa flight niya. Hindi niya ako mapagbibigyan. Nauwi lamang sa pagtatalo ang kanina ay pagpipilit ko na magkita kami. Narinig ko mula sa kanya na nasasakal siya sakin.

"Pagod ako. Hindi mo ba maintindihan yun?"

Hindi mo rin ba naiintindihan na gusto ko lang naman ay konting oras mula sayo. Makasama ka sa huling gabing naririto ka. Dahil alam kong matagal ulit bago tayo magkita.

At muli ay maghihintay ako kung kailangan ka babalik upang makasama at makita ka.

Di bale, maaga pa naman. Baka magbago ang isip niya at puntahan ako dito. 30 minutes. Kaya ko pang mahintay hanggang kalahating oras.

Nilabas ko ang cellphone at pinatong sa mesa. Baka hindi ko marinig ang notification dahil sa ingay ng mga naroroong kumakain. Friday ngayon kaya kahit gabi na ay marami paring tao. Napatingin ako sa labas ng glass wall. Maraming tao ang paroo't parito. Nagtatawanan. Kung hindi mga studyante ay mga nagtatrabaho ang nakikita ko. May mga naka office uniform pa. Lahat ay may kasamang kaibigan or partner nila sa buhay. Wala kahit isang katulad ko na nag iisa.

Napabuntong hininga ako. Sanay naman akong nag iisa. Mula college ay natuto akong lumayo mula sa karamihan. Nakaupo lage sa corner ng classroom. Nagsasalita lamang pag tinatanong. Tumatayo pag kinakailangan. Kumakain din ako ng lunch na mag-isa. Wala akong ma-invite na sumama sakin. Dahil wala rin naman akong maituturing na kaibigan. Hindi rin naman problema sa pag-aaral ko ang pagiging loner. Advantage nga para sakin ang pag-iisa ko. Walang kaklaseng humihingi ng yellow paper. Walang lumalapit upang kumopya ng assignment. Walang magtatanong kung nakapag study ba ako sa exam. Walang mangungutang ng pang photo copy. Kahit di ko sinasadya ay naging parang invisible ako sa buong college life ko. Marami pa ang nagulat ng maging dean's list ako sa huling taon ko sa kolehiyo. Marami ang nagtaka kung sino ba ako. Maliban sa mga teachers ay bilang ko lang sa daliri ang mga taong nakakakilala sakin. Minsang pumasok ako sa canteen upang bumili ng facial tissue, nasa third year college na ako nun, tinawag ako ni Brent isa sa mga kaklase ko sa Philosophy. Nagulat ako dahil kilala niya ako pero mas nagulat ako sa tawag niya sa akin.

Waiting MaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon