Starbucks

1 0 0
                                    

6:00 AM

"I'm going out, ma."

Mula sa pagluluto ng pancit ay napatingin ang nanay ko sa akin. "O san ka pupunta? Maaga pa. Every day ka umaalis lately."

Kinuha ko mula sa shoe box ang Vans ko. "Saturday naman ngayon, ma. Wala akong work. Magkakape lang ako sa labas with some friends."

Marahan itong tumango at nawala na ang pansin sakin. Muli akong tumingin sa salamin upang makita ang buong ayos ko. Para lang akong 18 years old sa t-shirt at jeans ko. Di na ako magdadala ng bag. Sa bulsa ko na nilagay ang pera ko. Kinuha ko ang headset ko sa tokador at pagkatapos magpaalam ulit sa nanay ko, umalis na rin ako.

Nilagay ko ang earplugs sa tenga matapos ikabit iyon sa cellphone ko. Pumunta ako sa Spotify at pumili ng acoustic song covers. Nilakad ko na lamang palabas ng village. At sumakay ng taxi papuntang SM Starbucks. Nasa labas ang coffee shop kaya kahit close pa ang mall ay nagbubukas iyon ng 5AM. Dahil Sabado ay marami akong nakikitang joggers sa daan. Malapit nako sa SM ng makita ang couple na yun sa gilid ng daan. Naka holding hands. Napangiti na lamang ako. Kailangan ko pang abutin ang kamay nya pag naglalakad kami. Marahil dahil ilang taon din siyang nasanay na walang girlfriend at long distance pa kami. Pero hindi ba dapat natural o instinct na yung hawakan ng lalake ang kamay ng girlfriend niya?

Napailing na lamang ako. Ayokong mag isip ng negative. Binaba ako ng taxing sa mismong harap ng Starbucks. Sa labas pa lang ay alam ko ng maraming tao dahil narin Saturday ngayon. Umorder ako ng paborito kong cappuccino at kumuha ng news paper bago ako naghanap ng mauupuan ko. At wala akong makitang corner seat na available. May isang table for two pero sa gitna naka pwesto. Di bale, okay na din yun kesa sa wala akong maupuan. Tinignan ko ang oras mula sa cellphone ko, 6:25AM. Pagkakaalam ko 8AM sya aalis mula sa bahay ng father niya. And until now di pa siya nagmemessage mula kagabi. Ini-off ko ang Spotify at hinubad ang earplugs. Naririnig ko ang acoustic version ng Love Yourself mula sa speaker ng coffee shop.

Napangiti ako at itinaas ang tasa upang tikman kung malamig na ang kape. Love yourself... Napailing ako. Naniniwala ako na pag mahal mo ang tao handa kang mag sakripisyo at kalimutan ang sarili. Hindi siya ang una kong boyfriend pero sa kanya ko lamang naramdaman ang ganitong pakiramdam. Lumulukso ang puso ko makita lamang ang notification ng message niya. Napapangiti ako kapag naririnig ko ang boses niya. Gusto ko siya. Mahal ko siya.

Ibinaba ko ang tasa at napansin kong naubos ko pala ang kape. Tinignan ko ang cellphone ko na naka patong sa mesa. 7:45 am. Wala pa ring message galing sa kanya. Binuksan ko ang cellphone at nagtype ng message. Girlfriend parin naman niya ako di masama kung ako ang mauunang mag message.

"Hi." Ilang minuto lang ang pinaghintay ko para sa reply niya.

"Good morning. San ka ngayon? Pa alis nako. Dadaanan kita. Hahatid moko sa airport, diba? Btw, sorry last night. "

Gusto kong  maiyak sa relief na naramdaman ko. Mabilis kong binigay kung nasaan ako at maghihintay ako na daanan niya. Less than 20 minutes at nakita ko ang taxi na sakay siya. Sumabay ako sa kanya papuntang airport kahit na nga ba parang maiiyak nako dahil aalis na siya. Isang taon ulit bago kami muling magkita. Sumandig ako sa balikat niya sa buong byahe papuntang airport. Ilang beses kaming nagpalitan ng I love you hanggang sa makarating ng airport. Di na niya ako pinababa ng taxi dahil yun na rin sasakyan ko pauwi. Malulungkot ako. Pero maghihintay ako.

Waiting MaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon