7 months later...
"Wow! Anlaking ice cream! Mauubos ba natin to?" Kinuha ni Abby ang kutsara na sabay na hinatid ng waitress kasama ang giant ice cream na inorder namin.
Limang flavors ang ice cream na nilagay sa isang giant size bowl. Nilibre ko ang dalawang kaibigan sa Ice Giants dahil gusto kong kumain ng ice cream at alam kong di ko mauubos ang malaking ice cream.
"Bongga, besh. Minsan ka lang mag invite pero sulit!" Si Reymark. Na mas gusto tawaging Reya dahil girl at heart daw ito.
"Di ko kasi mauubos. So I need backup." Inabot ko ang kutsara para sakin at nagsimulang tikman ang ube flavor na nasa taas. "Mmmmm... Heaven." Sinubukan ko naman ang chocolate flavor pagkatapos ay ang rocky road na nasa gilid.
Tumingin sakin si Reya at nanunuksong ngumiti. "Kung hindi ka lang broken hearted di mo kami mareremember. Aba, besh, almost 2 years mo din kaming chapa!"
Tumango naman si Abby habang panay parin ang kutsara sa rocky road flavor. "Keso maraming trabaho. Kuuuu... Gusto lang talaga sa bahay para ka-chat yung boypren."
Napangiwi ako. Kinuha ko ang tissue upang punasan ang bibig ko. Napabuntong hininga ako. "Yeah. It didn't work." Nagkabit balikat ako. "Ganun talaga. May mga bagay na kahit anong gawin natin, na kahit anong gusto natin, kung hindi para sa atin, wala rin."
"Besh, wag ka umiyak. Wala kaming dalang balde. Di kami prepared!" Inabutan ako ng Reya ng tissue mula sa lamesa.
Napangiwi ako. Di ko alam. Di ko napigilan ang isang luha sa isa kong mata. Inis kong pinunasan ang pisngi at muling kumuha ng ice cream.
"So paano yan, diba nakapag book ka na ng ticket mo para pumunta sa kanya this summer?" Alanganing tanong ni Abby. At pinandilatan naman ito ni Reya.
"Syempre hindi siya tutuloy. Ano pa gagawin niya dun. Shokla!" Hinampas nito sa Abby na nag reklamo sa bigat ng kamay nito.
Paano nga ba... "Tutuloy ako."
Sabay na napatingin ang dalawa sa kanya. "What!?"
Tumango ako at ngumiti. "Tutuloy ako. Sayang din kasi gastos ko sa mga tickets. Bakasyon na din. Yun nga lang, of course, di ako tutuloy sa kanya."
Nag-aalalang tumingin si Abby sa akin. "Paano kung magkita kayo? Maliit lang ang Vientiane..."
Sumang-ayon si Reya. "Oo nga! Kasing laki ng palengke lang yun!"