1.1

259 8 1
                                    

Speechless.


Ganun ba talaga pag gwapo? I mean, sa hindi nagyayabang, pero parang sinumpa ako ng hindi kaaya-ayang sakit.


Hindi ako makapagsalita, at kapag sinubukan ko, puro mga alien-like sounds ang lumalabas sa bibig ko. Nakakarinig, nakakaamoy, nakakakita, at nakakaramdam naman ako.


Hindi lang talaga ako makapagsalita. Pero, ang sabi nila: the act of pure inspiration ang kayang "magpamotivate" saakin.


"Anong assignment natin?" ang malakas na tanong ni Mia, naglalapag ng gamit sa mesa. Napatingin ako sa kanya, at napakalma ako sa pag-iisip ko nung nakita ko siyang ngumingiti.


Siya si Mia San Jose, ang sinasabi nilang the one para saakin.


Well, kahit halos parang hangin lang ako para sa kanya.


Nakakapanghinayang rin minsan kasi eighteen lang kami sa klase, magdadalawang taon na kaming magkaklase, 'di parin niya ako pinapansin.


"Uy, nagtititigan silaaaaaa~!" ang pang-asar ng isa naming kaklase, nagdudulot ng attention sa buong klase.


"Ayiieeee!"


"Hart hart!"


"Naniniwala na ako sa forever~!"


Kahit saglit lang siyang sumulyap saakin, big deal na 'yun para sa buong klase. Mas kinikilig pa yata sila saakin eh.


Wala yata siyang lakas-loob para kausapin ako. Eh, ako naman, walang BOSES para kausapin siya.


"Lance, tara! Kain muna tayo." aya saakin ng kaibigan ko, at tumango nalang ako.


"Tara, labas tayo!" ang aya ni Mia sa kanyang grupo.


Balang araw, ako magsasabi niyang sa'yo.

noun ☺ a short love storyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon