1.4

100 4 0
                                    

      After four days ng Secret Admirer hunt ni Mia, halos yung buong High School department na yata yung natanong niya maliban saakin.

     
     "Nahihiya lang talaga 'yun sa'yo. 'Wag mo kaagad isipin na ayaw niya sa'yo! Hindi maganda ang negative thinking." Ang payo ni Gab saakin.

     
      Kasi naman parang iniiwasan niya lang talaga ako. Yung tipong ang tingin niya saakin ay weirdo. Ganun. Ang malungkot na senyas ko sa kanya, sinusundan ng bugtong hininga.

     
      "Gusto mo...magparamdam ka ulit?" Tanong niya, parang nagdududa pa. Nakakatakot yung suggestion niya, if I were to be honest. Ayoko naman kasi na araw-araw ako magpaparamdam. Nakakasawa rin magpanggap na hindi ako 'yun. Dagdag ko sa kanya.

     
      "If I were you, mag-iipon ako ng lakas-loob para kausapin siya. Pupunta ako sa harapan niya and be like: Mia, ako yung Secret Admirer mo. and literally just say it all. Sasabihin ko na lahat." sabi ni Gab.

     
      KUNG KAYA KO LANG MAGSALITA, NAGAWA KO NA 'YUN, GAB. Ang rigid sign ko sa kanya, at napatawa siya. "Sige. Usap nalang tayo mamaya. Pag-isipan mo yung sinabi ko, ha?" sagot niya. Tumango ako, at kinawayan ko siya.

     
      Math time na namin, at wala pang teacher na pumapasok sa classroom. Medyo odd nga lang kasi 'di ganun kaingay yung classroom tulad ng karaniwan nilang kaingayan.

     
      Nakaupo parin ako sa upuan ko, nagdodoodle ng kung ano-ano. Inaattempt ko nga rin minsan iguhit yung mga mata ni Mia, kaso madalas akong pumapalpak kasi wala nga namang makakapantay sa tunay na kagandahan ng mga mata niya.

     
      Shucks. Ang weird ng nararamdaman ko. Feeling ko may nakatingin saakin. Lumingon ako sa kanan ko, at nahuli kong nakatingin saakin si Mia.

     
      Napangiti ako sa nangyari at halos mapapayuko ka nalang sa tuwa. Tinignan niya ako. Tinignan niya ako. Tinignan niya ako. Tinignan niya ako!!!

     
      "Uy Rian, ang gwapo parin talaga ni Lance." Ang sabi niya sa isa niyang kaibigan. Bumubulong siya, ah. Pero naririnig ko.

     
      Nararamdaman ko yung pag-init ng pisngi ko, at feeling ko namumula na ako.

     
      'Wag kang mag-alala, Mia. Para saakin, ikaw naman ang pinakamagandang babae na kilala ko (sunod sa mama ko).

noun ☺ a short love storyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon