1.3

118 5 0
                                    

      Pumasok ako ng napakaaga para maihanda yung mini-surprise na ginawa ko para sa kanya. Gumawa ako ng short letter at bumili ako ng NAPAKAMAHAL na Pink Roses na galing pang Parañaque. Jusme! 88 pesos ang tatlo!

     
     
      Hi, Mia!
           Alam ko na hindi mo ako naririnig na nagsasalita, pero sana naman ay marinig mo yung pagtibok ng puso ko para sa iyo!

           Marami nang nagsasabi na tayo'y tinadhana sa isa't-isa, at naniniwala akong malapit na malapit nang magtagpo ang mga mundo natin.

                            Nagmamahal,
                                    Secret Admirer.

     
     
      Ipinasok ko na sa maliit na butas ng locker niya yung letter at isinukbit ang mga roses na dala ko. Lumilitaw naman yung roses mismo sa labas ng locker kaya hindi naman siguro makukulob yun.

     
      Binilisan ko na ang kilos ko kasi feeling ko na may paparating na tao. Tinakpan ko muna yung locker ni Mia ng blue na panyo na pwedeng pangtakip habang wala pa siya.

>>

      Sa pagdating na pagdating niya, naghiyawan yung buong klase.

     
      Wala naman akong sinabihan ni isa sa kanila, at nakakapagtaka kung bakit sila nagsisigawan. Hindi ko naman sinabi kay Gab. Nakatakip naman yung locker ni Mia.

     
      Nakaupo lang ako sa upuan ko, at nagsascratch-solving sa Math. Pinakikiramdaman ko yung mga galaw ni Mia at kung napansin niya na yung mini-surprise ko.

     
      Pinipigilan kong tumingin sa kanya at sa locker niya, para 'di nagmumukhang halata.

     
      "Hala, ano 'to?!" Ang pagulat na tanong ni Mia. Nagwawala ang buong klase. Tinanggal niya yung blue na panyo at nashock nalang siya sa pagpaparamdam ko.

     
      Bumilis yung pagtibok ng puso ko. Hindi ko alam kung kikiligin ba ako o kakabahan. "Lance, ikaw ba gumawa nun?" Bulong ni Gab, nakaupo sa tabi ng upuan ko.

     
      Wala namang nakakaalam eh. Ang senyas ko sa kanya, pinipigilan ang pagngiti. Baka kasi pag ngumiti ako, paghinalaan kaagad ako.

     
      Pinanood ko lang yung reaksyon ni Mia, at tuwang-tuwa siya sa roses na isinukbit ko sa locker niya. Binuksan niya ito, at ang unang nakita niya ay yung letter ko na beige ang papel.

     
      "Sino kaya yung secret admirer ko? Hala! Kailangan ko siya makilala." Sabi ni Mia, umiikot ang paningin. Tinitignan niya lahat ng lalaki maliban saakin.

     
      Mia, nandito lang ako. Imposible ba na ika'y maging akin?
     

noun ☺ a short love storyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon