Tamang Hinala (Part 1)

1.3K 24 12
                                    

*toot*

Message: Hon, may pasok pa 'ko eh. Baka pagalitan ni prof. Alam mo na. Hehe. Mamaya na lang ha? I'll text you. Bye-bye. I love you. :)

I pressed the reply button.

To: Hon

Message: Okay, hon. You take care, alright? I love you more!

✓ Message sent

Hi guys! Sophia Denise Mendez here. 4th year student and happily in love with a guy whose name is Kevin Cyprus Mendoza. A 1st year college student. At oo, we're sweet. Pero siyempre, hindi pa din maiiwasan ang mga proble-problema sa isang couple lalo na sa lagay namin. We're a good role model and good inspiration to all the other couples out there... Well, that's what my friends say.

Yes we're happy and sweet but, it's not that easy.

We're in a long distance relationship also know as, LDR.

I live in Marikina and he lives in Bulacan. I know may pwede namang sakyan pero we're both busy and we don't find much time para mag-gala at kung ano pa. I'm an honor at nasa dean's list din siya so we both can't let our grades down. In fact, hindi pa namin na kikita ang isa't isa. Sa picture pa lang, Y!M, Skype at Facebook.Pero minsan lang. SO rare. Hindi kasi siya madalas mag online.

But for me, that doesn't matter. I love him. And I do believe that he loves me too. Wala naman sigurong masama sa ginagawa namin 'di ba?

"Sophia! Tara na! Physics na kaya. Mapapagalitan tayo! Tara na!" Sumigaw si Jaja.

Sino si Jaja? Siya ang makulet kong best friend at crush din ng bayan. Pero, protektado ko 'yan. Gaaaaahh~ Try niyo lang saktan 'yan. Bubuhusan ko ng acido 'yang buhok niyo n mawala at maglaho na. =_________= Medyo tanga siya pagdating sa love. Kaya madalas, maga ang mata niyan. Hahahaha.

"Oo, eto na po." Sabi ko sakanya habang lumapit na 'ko.

"Hay nako. Busy ka nanaman kaka-text dun sa boy friend mo. Hindi mo pa nga nakikita 'yan eh. Hmp."

"Eh mahal na namin isa't isa eh. Bakit ba? Inggit ka lang eh. HAHAHAHAHA." I sticked my tongue out.

"Hmp! Tara na nga." She crossed her arms at kunwaring nagdadabog na parang bata habang naglalakad. And oh, fact. Ang pagiging childish niya ay isa sa mga gustong characteristic ng mga boys sakanya dito sa school. O 'di ba? Siya na ang puh-rettttty.

We reached at classroom at ganun pa din. Wala pa ding nagababago. Parang ibang classroom din. Magulo, maingay, madaming lipat ng lipat, madaming upo ng upo sa arm chair pero siyempre, masaya.

May nakita nanaman akong flowers sa table ko. Anu ba. Pang ilan na ata 'to ah? Araw araw na lang ba? "Oy kanino nanaman ba galing 'to?"

"Sa'kin!" Tuwang tuwa naman sabi ni Ryan.

Si Ryan naman, dati kong best friend. Kaya lang nagkagusto sa'kin. Ayun, okay sana eh. Kaya lang lagi akong... You know. Nilalandi? Pwede na tuloy bumili ng McFlirt sakanya minsan. Sumosobra na kasi. Alam niya namang may boy friend ako. >____<

"Yiieeeee!" Sigaw ng classmates ko.

"Che. Tumigil nga kayo." Saway ko sakanila. Hay ano ba 'yan. May love team na ata kami eh. Leche naman. "Ikaw naman," sabay turo ko kay Ryan. "Pwede ba tama na? Alam mo namang may mahal ako 'di ba?"

Tamang Hinala [SHORT STORY]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon