Tamang Hinala (Part 2)

510 15 2
                                    

"Kevin! Hon! Pupunta lang ako sa rest room ha?"

"Osige. I'll wait for you." He smiled.

Pumunta na 'ko sa restroom to fix my hair. Hay.. I'm so lucky kay Kevin. He really waited for me. And by the way, date nga pala namin ngayun sa isang fancy restaurant. 7th anniversary na kasi namin ngayun. Weeeeeee. Haha. Ang tagal na namin 'no? Pero alam ko naman na wala pa kami sa kalingkinan ng FOREVER.

Lumabas na 'ko ng room and went back to our table. I was surprise when Kevin wasn't around. Tumayo ako at pumunta sa labas, kasi baka nagpahangin lang siya. Pero wala din siya dun.

Hell. Asa'n na ba 'yun?!!

Ugh. Bumalik na lang ako sa table namin. Baka kasi may kung anong chorva surprise nanaman 'yung impaktong lalaking 'yun. Pasalamat siya mahal ko siya eh. Haha.

Oops.

I saw a letter on top of the table and I grabbed it.

Dear Sophie,

Hi hon. I'm sorry if I left you exactly on our 7th anniversary. At sorry din kung hindi ako nagpaalam ng maayos. Sorry if I didn't tell you. I just don't want you to get hurt. Bigla kasi akong sinetup nila mama. They arranged a marriage for me and my childhood friend for some private reasons. Sophie, I'm deeply sorry. Pero gusto kong malaman mo na ikaw pa din ang mahal ko. Thank you for the happy moments. For the love. For everything. For completing the missing piece in my puzzle. But I guess I have to say good bye now. Your life isn't over, hon. Madami pang lalaki diyan. You'll find someone much better than me. Take care, alright? I love you, sorry and... good bye.

With much love,

Kev

I stood up and left money on the table. Got a taxi and went home with overflowing tears in my eyes. Bakit hindi niya na lang sinabi sa'kin? Hindi niya ba alam kung ga'no sakit? Ni hindi ko man lang alam na hindi ko na pala siya makikita ulit. Alam niya kaya kung ga'no kasakit 'yun?

Sana sinabi niya na lang sa'kin eh. Mas okay pa. Mas madali. Nakapagpaalam ako sakanya. Eh ngayun? Hindi ko na alam ang gagawin ko. Lalo lang akong nasaktan dahil hindi man lang ako nakapagpaalam ng maayos sa taong mahal ko.

Pero putangina 'di ba? Wala naman akong magagawa.

Sana lang masaya siya. 'Yun lang ang hiling ko. Hindi ko na siya hahabulin. Hindi ko na siya ite-text or ip-PM sa Facebook, sa Twitter o kung saan pa man. Pero hindi ko siya pinakawalan para sa wala. Sana lang... alagaan siya nung mapapangasawa niya at mahalin siya higit pa sa pagmamahal ko sakanya.

Kevin, gago ka. Kahit keeeeeelan. Tignan mo oh? Pinapaiyak mo nanaman ako. Pero kahit ganyan ka, mahal kita. Mahal na mahal kita. At sana... sana maging masaya ka.

10 years later...

"Manong, ice cream po. Nasa tinapay po ah? Hihi. Salamat!" Binigay ko na 'yung bayad ko.

Inabot niya sa'kin 'yung ice cream ko, "Oh ayan na iha." Binigay niya sa'kin at bumalik na 'ko sa bench na inuupuan ko.

Ang sarap talaga dito sa park na 'to. Fresh na fresh ang air. Tama lang din 'yung weather. Buti pala ngayun ako pumunta. Saktong sakto lang. Mahangin at 'di din ga'no maaraw.

"Paupo ha?"

Ay kalabaw! "Nakakagulat ka naman. Sige, sige." Napansin ko 'yung bata na kandong niya. Ang  cute. "Anak mo?"

"Ahhhh. Oo. Si Jacob." Nginitian niya 'ko, "I'm sorry but, have we met before?"

I smiled back. "I... Uhm. I don't think so."

Tamang Hinala [SHORT STORY]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon