Ito ang ika apat na linggo ng Mayo. Busy sila ate Cathy at mama Phia sa paglilinis ng bahay at pagluluto ng pangtanghalian.
At kung itatanong nyo kung anong ginagawa ko? Ito sitting pretty habang nanunuod ng Barbie sa Cartoon Network. Di naman siguro halatang adik ako sa barbie noh?
Kahit 13 na ko ang palabas na Barbie parin ang nais ko sapagkat I do believe in the saying that "There was a Happily Ever After in everyone story".
But accept in my parents story. Kasi since nasa sinapupunan pa lamang ako ng mama ko naghiwalay na sila ng papa ko dahil babaero daw ito sabi ni mama.
Anyways hayaan na past na yun. So yun nga nanunuod ako ng Barbie ng biglang sumigaw si mama
"Nene at Cathy maghanda kayo ng susuotin nyo at niyaya tayo ni Ate Chita na sumama sa kanila mag swimming."
Tama ba narinig ko? Magswiswimming kame? At dahil excited ako naghanda agad ako ng susuotin ko at ganun na din ang ginawa ni Ate Cathy.
Pagtapos namen maghanda ng maisusuot pinalabas na kame ni mama upang sumakay na raw sa sasakyan nila ate Chita
Pagdating namen sa pagswiswimming daw namen wala sabi-sabing nagtungo kame agad doon ni ate Cathy at nahalata kong maganda ang napili nilang resort plus my videoke pa. At ang malala ay wala kameng ibang kahati sa pool.
Nakaupo lang kame ni ate Cathy sa bench ng lumapit si ate Clariza.
"Oh, Bat di pa kayo nag swiswimming?" tanong ni ate Clariza kay ate Cathy.
"Ah mamaya na kakakain lang namen eh." sagot naman ni ate Cathy
Habang nagkwekwentuhan ang dalawa nilibot-libot ko muna ang aking mahiwagang mata upang makakita ng
"What a shokoy". haha XD joke di sya shokoy boy sya cute din sya ha >////<
So yun nga dahil wala akong magawa kumain na lang ako ng roller coaster. At kung itatanong nyo kung nasaan si ate Clariza? Edi ayun nakikipagharutan sa Shokoy. Pinipilit ni Shokoy na mahulog si ate Clariza sa pool. Kung titignan mo sila para silang Lovers. Ang sweet kasi pero sabi ni mama magpinsan lang daw sila.
So ayun napagdisisyonan na namen ni ate Cathy mag swimming nagbanlaw muna kame bago lumusong sa pool.
Naglaro-laro ako sa tubig ng makakita ako ng cute little boy na binabantayan ng dalaga siguro kasing edad lang nila Ate Cathy at ate Clariza..
----
@Prettyniyeome:)