Ajujuju.....di na si Jang Geuk Suk si Tristan :( si Lee Min Ho nalang :"> change of characters nanaman ito!
---
Blood 3: Born To A New
[ Ace's P.O.V ]
*BLAGG*
Napa-ayos agad ako ng upo nang makarinig ako ng parang may bumaksak na bagay sa harap ko.Tinignan ko ng masama si Skyler na siya palang may gawa ng ingay.Binagsak lang naman niya yung isang malaking kahon sa lamesa na tinutunguhan ko.Nandito kami ngayon sa kusina ng bago naming MANSYON.'Di ko nga alam na big time pala 'tong gunggong na 'to eh.
Modern style yung kitchen.Kumpleto sa kasangkapan, pwede na nga gawing mall sa sobrang laki eh.Imagine niyo, kung O.A na sa laki 'tong kusina, pano ba kaya yung living room at tsaka yung garahe 'di ba?
Hindi pa kami tapos mag-impake.Pagdating namin dito may mga gamit na, mamahalin pa nga eh.Halos kumpleto na.Pero siyempre, idadagdag parin namin yung mga gamit na dinala namin.Aba, sayang lang ang effort naming mag-impake kung hindi 'din naman pala gagamitin 'no! 'Yun nga, pagdating na pagdating namin, inayos na namin ang mga gamit namin.Pero dahil nga sa puyat ako, pinatulog muna ako ni Skyler at siya nalang 'daw muna ang mag-aayos.
" Kumain ka na ng almusal.May pasok pa tayo. " napa-pout nalang ako.Oo nga pala tsk! May pasok pa kami.Kumuha na ako ng coco crunch at sinalin sa bowl ko at tsaka nilagyan ng gatas na galing sa ref.Mas gusto ko malamig yung gatas eh. " Pina-palitan ko na nga pala yung mga pangalan natin.Simula ngayon Micaella Althea at Kris James Sandoval na ang mga pangalan natin. " humarap siya sa'kin at nginitian ako, " Magkapatid na tayo ngayon! "
Nakapangalumbaba lang ako habang sumusubo ng coco crunch at bored na bored na tumingin sa kanya. " Ano pa nga bang bago?, kung hindi pinsan, boyfriend.O kaya naman fiance, childhood friend, kabarkada.Ngayon trip mo magkapatid naman? " inirapan ko siya, " At tsaka ano nanaman 'yang Micaella Althea na 'yan?, isang supermodel nanaman ba, crush, first love..ano? " yeah, sanay na ko sa mga ganyan.Immune kung baga.Simula kasi nang magising ako galing sa ospital, yung araw na nawalan 'daw ako ng ala-ala o 'amnesia', lagi na kaming lumilipat ng bahay.Hindi lang bahay, bansa 'din.Pati pangalan at kung magkaano-ano kami, iniiba.Kung saan-saan niya nga lang nahahakot yung mga pangalan namin eh, yung iba sa mga models na, k-pop artists, and so on.Nung nasa america nga lang kami hindi nagpalit ng pangalan eh, ewan ko ba diyan!
" Ayaw mo 'nun, wala ka nang haters dahil hindi na tayo mag-on sa mata ng mga tao? " kapal talaga ng mukha nitong mokong na 'to.Pasalamat siya mahal ko siya, BILANG BEST FRIEND, kaya hindi ko 'yan kayang saktan.'Yun, at hindi talaga ako lumalaban.Ewan ko ba, kaya lagi 'daw akong napagti-tripan sa mga school na napasukan namin eh.Sobrang bait ko na 'daw.Pero, 'yun ang akala nila...
" Psh, ikaw nga yung may haters diyan eh! kase nakakasama mo ang isang diyosang tulad ko.Pati, mga insecure lang yung mga 'yun 'no! kaya lagi 'kong pinagbibigyan! " minadalian ko na ang pag-ubos ng pagkain ko at umakyat na para maka-ligo.Pagkatapos 'kong gawin ang daily rituals ko ay nagbihis na ko ng isang sleeveless na white at light pink skirt na 2 inch above the knee, nilagyan ko 'din ng belt, yung medyo mataba pero hindi naman ganun ka-OA, basta 'yun!
" Hahaha, ang cute ko talagang manamit! " nakangiti 'kong sabi at tsaka umikot-ikot sa harap ng malaki 'kong salamin.Tumigil na ako at tsaka tinitigan ang mukha ko habang nakangiti parin.Sinuklay ko na ang mahaba at kulot 'kong brunette na buhok.Natatandaan ko pa, mahilig ang mga classmate 'kong sabunutan ako kasi nai-inggit 'daw sila sa malambot 'kong buhok.Psh! kasalanan ko ba?!
Tinigil ko na ang pasusuklay sa buhok ko at tumingin ulit sa kabuuan ko.Ang galing, bagay ang damit na 'to sa skin complexion ko.Hoy! hindi ako vain ah, pala-ayos lang talaga akong tao.'Yan ang tinuro sa'kin ni Skyler.Grabe nga eh, nung pagka-gising ko galing sa ospital punong-puno ng gasgas, pasa, at sugat yung skin ko.Malayong-malayo sa kung anong itsura nito ngayon.
Napadako naman ako sa mga mata ko.Ang mga mata na naging dahilan kung bakit may mga natatakot sa'kin....at kung bakit lagi nalang akong inaapi ng mga classmates ko noon.
*BLAGG*
" Aba, aba! kanina ka pa pala tapos diyan pero natingin-tingin ka pa sa salamin! tsk tsk, ang vain mo na talaga Ace. " naiiling na sabi ni Skyler.Binelatan ko nalang siya at tsaka humarap ulit sa salamin. " Oh, ano nanaman 'yan, pa contact-contact lense ka pa diyan.Panget ka paren, ulol. "
Aba!, minsan talaga nakakasakit na 'tong unggoy na 'to.Sinuot ko na yung contacts 'kong color violet at tsaka humarap kay Skyler nang nakabusangot. " Ang yabang-yabang mo talagang unggoy ka! ang ganda ganda ko kaya, sabi ng mga girlfriends ko sa trabaho. "
" Kung maganda ka, ba't walang nanliligaw sa'yo? " nakangisi niyang tanong sa'kin.Tumalikod na siya at tsaka hinawakan yung doorknob, " Isa pa, 'wag 'kang papaniwala sa mga kaibigan mo 'yun, mga pinanganak na sinungaling! biruin mo, tinawag 'kang maganda? HAHAHAHAHA! " kumuha ako ng isang unan sa kama ko para ibato sa kanya pero nasara na niya yung pintuan bago pa 'to tumama.Tsk!
***
" Oh my, sila na ba yung transferee's? " dinig 'kong sabi ng isang babae sa katabi niya.Wews, eto yung isa sa NAPAKARAMING dahilan kung bakit ayaw 'kong pumasok sa eskwelahan.Maraming magbubulungan kapag nakakita ng maganda.Wala eh.Inborn eh.
Napa half smile ako at naglakad ng taas-noo.Mainggit ka ngayon, Skyler unggoy dahil sa paglalaway nila sa'kin at hindi sa'yo!
" Ang ganda nung girl, at ang gwapo nung kasama niya oh! " meh, mga walang taste sa gwapo.Pweh!
" Oh, nangamatis na naman 'yang panget mong mukha? Negseseles ke be? " sabi niya sa'kin at tsaka nag taas-baba ng kilay.
" Harujusko! Kilabutan ka naman sana sa sinabi mo Skyler kahit konti lang! " sabi ko naman at umaktong nandidiri sa kanya.Tumawa lang siya at nagpatuloy na kami sa paglalakad.Nang makarating na kami sa Dean's office ay kinausap muna niya kami tungkol sa school rules and regulations, dahil nga tapos na yung school orientation.Binigay na niya sa'min yung schedules namin at kung mamalasin ka nga naman, parehas pa kami.May balat ata ako sa pwet eh.
" 'Nu ba 'yan, pano kaya ako makaka score sa chix niyan kung palaging nakabuntot ang manang na 'to sa'kin? " okay, alam 'kong sinasadya niyang iparinig sa'kin 'yan.Masakit eh, you know? Tinamaan ego ko 'dun ah.
" Napakasama talaga ng ugali mo! " sigaw ko at tsaka siya pinatikim ng pinaka-malakas 'kong hampas sa braso niya.Pero 'ni hindi manlang siya natinag.
" ....'Yun na 'yon? " nakatitig lang siya sa'kin na parang gulat na 'di makapaniwala na natatawa.Lagi niya nalang akong minamaliit! " You're serious? "
Humagalpak na talaga siya ng tawa nang hindi ako sumagot, ako naman, as usual, napa-pout nalang.Nagiging habit ko na ata 'yun ah?
" Tapos ka na ba? " naiirita 'kong tanong sa kanya.Tumigil naman siya sa pagtawa at tumingin sa'kin ng seryoso, tapos ay ngumiti.
" Ganyan ka nalang lagi, mas bagay sa'yo. " huh? ano yung mas bagay sa'kin? Nababaliw na ata talaga 'tong si Skyler.
Magsasalita pa sana ako nang tumunog yung bell. " Bilisan na naten! " hinila ako ni Skyler at tumakbo na kami para mahanap yung first class namin.
---
A/N: Wews, tablet lang gamit ko pang-update ngayon :( nasira yung computer, at SOBRANG natagalan ang pag u-ud dahil tinamad ako at may exams kami.
BINABASA MO ANG
She Kills [Slow UD]
Romance" Everyone has their own DEMON inside...... " ©MoonAngel13|| 2013 || █║▌│█│║▌║││█║▌║▌║ All Rights Reserved.