This chapter has been edited!, please support this story :) sorry po kung may typos...
Enjoy reading!
---
Blood 2: Forgotten | Nightmare
[ Ace's P.O.V ]
" Thank you everyone.'Till next time! " bumalik na ko sa backstage.Rinig na rinig parin ang sigawan nila mula dito.Agad namang nagsilapitan ang mga ka-trabaho ko at sari-saring mga papuri ang natanggap ko mula sa kanila.
" Angel, you were great! "
" Girl, you're so amazing! "
" You're still our number one! "
Nginitian ko silang lahat at nagpasalamat.Pa-simpleng tiningnan ko ang relo ko.6:45 pm.Sabi niya maghihintay siya.Nilapitan ko si Trixie, isa sa mga ka-trabaho ko. " Trixie, have you seen Skyler around? "
" Oh, yeah.I think he's waiting for you outside. " sabi niya habang busy sa pakikipag-text.Aish, panigurado akong bagong ka-fling nanaman niya yung tine-text niya.Ilang ulit ko ng sinasabi sa kanya na balang araw maka-karma 'din siya, pero sadyang matigas talaga ang ulo nitong babaitang 'to.
" Ok.Thank you. " nagbihis na ko at tsaka nagmadaling bumaba sa may backstage.Naka-unifrom pa kasi ako kanina.Syempre makikilala ako ng mga tao at baka pagka-guluhan.Lahat ng nagta-trabaho dito ay kilalang-kilala ng maraming tao dahil na 'din isa kami sa mga tinatawag nilang 'Rising Star'.Pagkalabas ko sa pinto, bumungad sa'kin ang napakadaming costumers.Mabuti nalang at dim dito kundi pagkakaguluhan nanaman ako.
Angelique Charmaine Evangeline Rodriguez, 16 years old.Kasalukuyang nakikipagsiksikan para lang makalabas dito.Isa ako sa mga performer at waitress na 'din, at nagkakamali kayo kung inaakala niyong bar 'to at isa ako sa mga G.R.O.
Parang cafe 'to na may stage kung saan pwedeng mag-perform ang mga waiter and waitresses.Depende sa kung sino ang mga pipiliin ng mga costumer na mag-perform.Meron kaming mga pictures na nakadikit sa wall at 'dun sila pipili.Hindi naman talaga dapat dim dito eh, may event lang kaya nagmukhang bar 'tong cafe.
Pagkalabas ko ng pintuan ay nakita ko si Skyler na cool na cool na nakasandal sa motor niya.Napaangat siya ng tingin at nginitian ako.Napangiti na lang 'din ako ng makita ko ang napaka-amo niyang mukha.
Siya si Skyler Lee.17 years old, my BEST FRIEND.Siya 'yung kumupkop sa'kin nung na-ospital ako, at nagising nalang ako na wala na 'kong maalala.Magkapatid ang turingan namin sa isa't-isa kaya walang milagro na nagaganap! Tulad nga ng sinabi ko kanina, gwapo siya.Pang-bench model ang itsura niya, tuwing magkasama nga kami sa mga lakad ay lagi siyang tinitingnan at pinagkaka-guluhan.Pati mga lalake nakatingin 'din sa'min, ewan ko ba.Mukhang nababakla na 'din sila.
" Pfftt....haggard? " inirapan ko nalang siya at tsaka kinuha yung isang helmet na nasa motor.Ayoko munang makipag-asaran sa kanya, pagod na pagod ako sa nakatambak na performance kanina.Wala eh, costumer's favorite ako eh.
" Psh, bilisan mo na nga lang. " napailing na lang siya habang nakangiti at umangkas sa motor niya.Sumunod naman ako.Nang makasakay na ko ay pinaharurot na niya 'to papuntang bahay.
***
" Ba't pa kasi natin kailangan lumipat, ha Skyler? " nakahiga ako ngayon sa kama niya, pinapanood ko siyang mag-impake.Kainis naman ehhh..Ayokong umalis dito!
" Bakit? " pa-ulit na tanong niya habang busy sa pag-zipper ng maleta niya.Nang mai-zipper niya na 'to ay seryoso siyang tumingin sa'kin, " Kase, lagi ka nalang nabu-bully sa school natin.Kahit na ginugulpi ko sila, wala paring tigil. "
" Eh ba't sa Pilipinas pa tayo titira, polluted 'dun eh. " naka-pout 'kong sabi.Umupo na 'din siya sa kama nang matapos na siya.Pinat niya yung ulo ko habang natawa.
BINABASA MO ANG
She Kills [Slow UD]
Romantizm" Everyone has their own DEMON inside...... " ©MoonAngel13|| 2013 || █║▌│█│║▌║││█║▌║▌║ All Rights Reserved.