CHAPTER 3

90 0 0
                                    

KATH's POV

" Hihintayin kita maya sa labas ng school! Red na car " yan ang sabi ni Ice :)

Ano nanaman kaya iniisip ng mokong na yun? Nakakaloko talaga kahit kailan!

After class nagpunta ako sa SGC room. Ang dami ko pa lang gagawin sana matapos ko kaagad. Minadali ko na lahat para makaalis na ko. Di ko alam kung bakit ganito ako kaexcited. 

" Mico, mauna na ako ha? " nginitian ko lan siya!

" Kanina pa kita napapansin na parang nagmamadai ka! May lakad ba? Date? :) " chismoso tong president na to ah! hehe

" Secret! Sige mauna na ako :) " nagdiretso na ako palabas ng school :P

Nagdiretso na ko palabas ng school. Paglabas ko nakita ko kaagad si Ice nakasandal sa itim na kotse. WEW!

" Hoy! " sigaw ko sa kanya!

" MakaHOY wagas? Walang pangalan? " pilosopo pa! naku! Kahit kailan talaga! Tsk!

" Akala ko ba red na car? bakit black yan? " nagtatakang tanong ko!

" Akala ko yung red yung nadala ko eh! Sorry ang dami ko kasing car :) " yabang din nitong panget na to ! Hmp

" Yabang mo! " tinaasan ko siya ng kilay :)

" haha! Ano? Tara na? " binuksan niya yung pinto ng kotse at pumasok na ako tapos pumasok na din siya!

" Saan ba tayo pupunta? " tanong ko sakanya.

" Basta sumama ka na lang! Di ka na nga gagastos eh! Tumahimik ka na lang jan! " aba!aba! nagtatanong lang naman ako ah :) Bakit ang daming sinabi?

" Bakit masama bang magtanong? Nagtanong lang ako baka kasi saan mo ako dalhin. " natawa ako sa sinabi ko!

" Anu-ano iniisip nitong batabg to! Please konting katahimikan! " yabang! hmp! Nakita kong natawa din siya :))

                Hindi na ako nagsalita. Hinayaan ko na lang siya kung saan niya ako balak dalin. Hindi nawala yung kabog ng dibdib ko hanggang sa mapunta kami sa isang park! Napakatahimik na park!

“ Anong ginagawa natin dito? “ tanong ko sakanya na may pagtataray!

“ Wala lang! “ yan lang ang sinabi niya !

                Napansin ko na napakaseryoso na Ice nung mga oras nay un! May problema bay un? Parang meron eh!

“ Hoy ano na nangyari sayo? ” nakita kong di nanaman niya ako pinapansin.

 “ Sinama mo ako dito tapos tatahimik ka jan at mukha akong tanga dito? “ galit kong tanong.

“ Di ko nga alam kung bakit dito kita dinala eh! “ sarcastikong tanong niya!

“ Naku! Sinasayang mo oras ko! “ >.<

“ Dito ako nagpupunta kapag wala ko sa mood atsaka kapag badtrip ako! “ humiga siya sa may damuhan tapos ako nakaupo sa tabi niya!

“ Bakit mo sinasabi sa akin to? “ pagtataka kong tanong.

“ Kaya kita sinama dito dahil gusto ko ng makakausap! “ nagulat ako sa sinabi niya!

SECRETLY INLOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon