ICE's POV
After class nagderetso na ako sa bahay kasi tinext ako ni Mommy na uwi ako gad. Pag-uwi ko sa bahay sinalubong ako agad ni Mommy! Pagpasok ko nakita ko si Daddy! whaaaa! I miss him a lot!
" Daddy! " hinug ko siya! " I Miss You! " hug ko pa din siya
" I miss you Andrei " yan ang tawag sa akin ng family and relatives ko.
" Pasalubong ko daddy? " sabay bukas ng bag niya!
" Wenks! Ano gusto mo? Wala kang makikita jan! Nakuha na lahat ni Alexis (younger brother ko) " naku! naunahan na ako :)
" Haha! Ang daya ='( " pagdadrama ko naman :)
" Kamusta naman yung binata ko? May girlfriend na ba? " tanong ni daddy nang nakangiti at umakbay sa akin!
" Mabuti naman po ako! " yun lang yung sinagot ko :)
" Aba! Hindi sinagot yung tanong ko ah! " ngumuti na lang ako at hindi na nagsalita :)
Napansin kong tumakbo si Alexis paakyat! Akala niya siguro kukunin ko yung mga pasalubong ni Daddy. By the way, 6 years old na si Alexis. Dalawa lang kaming magkapatid kaya sobrang mahal ko yan! Pababa na si Axis(alexis) at parang may tinatago sa likod niya! Lumapit siya kay daddy :)
" Daddy eto yung girlfriend ni kuya oh! " binigay niya yung picture frame na nasa kwarto ko.
" Alexis! " galit kong sabi at mabilis kong kinuha yung picture at tinago sa likod ko!
" May girlfriend ka na Alexandrei Ice? " tanong ni mommy nang may kasamang masamang tingin!
" Ha? a-ano po? " nabubulol kong tanong!
" Talaga? May girlfriend na yung anak ko? Binatang-binata na talaga! I'm so proud of you! " niyakap ako ni daddy at hindi na ako nakapagpaliwanag na hindi ko girlfriend yung nasa picture na yun!
" Anong proud proud yan daddy? Hindi ako payag jan! Bakit hindi mo man lang sinabi sa mommy anak! Nakakapagtampo naman! " nagddrama si mommy oh :D
" Mommy! Wag kang mag-alala masmahal kita dun! " pampalubag loob ko kay mommy haha :D
" Gusto ko siyang makilala! " whoah! Si Daddy ginugulat ako masyado. Hindi nga alam nung babae na girlfriend ko siya ehh :) haha
" Hindi siya pwede! " mabilis kong sabi!
" Aba! Kahit hindi siya pwede dapat siyang gumawa ng paraan para makilala namin siya! " galit na sabi ni mommy!
" Busy siya! " palusot ko na naman.
" Hay! Naku! Daming excuses na alam! Basta gumawa ka ng paraan para makilala namin siya! " aba! Napakademanding ni mommy :) hayy O___o
" Patingin nga niyang picture! " sabi ni mommy!
" Ayaw ko! "sabi ko! Nilagay ko sa likod yung picture ! Nagulat na lang ako nang kuhaninni alexis yung picture at binigay kay daddy!
" Alexis Ian! " sigaw ko! >.< whaaa! napagtutulungan ako!
" Eto ba yung girlfriend moanak? Maganda siya ahh! Mukhang mabait! " sabi ni daddy at napangiti ako! Mukhang mabait ba? mukha lang yun haha =)

BINABASA MO ANG
SECRETLY INLOVE
Teen FictionDalawang estudyanteng hindi magkasundo pero may nililihim na pagtingin sa isa't isa? This is a story of Family, Friendship and LOve :)