Chapter 1

1.3K 22 30
                                    

NO PROLOGUE! hahaha. binura ko eh. wala akong kopya.

waahhhh. sayang naman! :)

hehe. pero ... itutuloy ko na ang story na to.

kasi... wala lang. karelate ako eh. tsaka stressed ako ngayon.. kaya more stories. more fun!

^________^

PLEASE DO COMMENT. VOTE. LIKE.

i will very much appreciate it!

*****************************

CHAPTER 1: Red Stain

Naglalakad ako palabas ng clinic papunta sa cantene na nasa kabilang ibayo pa ng school.

Grabe talaga yung nurse na yun. Nakoo! Sino bang matinong alagad ng medisina ang inuutusan ang pasyente niya na maglakad habang nanghihina, nahihilo at may iniindang sakit papuntang cantene para kumain at makainom ng gamot??! Sinooo??!

Haaaayy.....

Pagdating ko sa cantene. **Yes! Nakarating ako ng buhay.** Pumunta ako dun sa palagi naming binibilhan ng makakain, which is luckily for me nasa dulong parte ng cantene. Hindi naman malaki yung cantene namin. Sakto lang para sa mga estudyante ng school na to. Pero para sa isang babaeng may sakit. Para mo siyang pinalakad ng milya milya ang layo.

"Oh Batsy. Mukhang nanghihina ka ah. May sakit ka?" tanong ni Aling Elisa. Nasaan siya? Nandito siya sa cantene namin. Nagtitinda.

"Opo." Mahinang sagot ko.

Tumawa naman siya. "Magandang pambungad yan sa pagiging fourth year mo ah."

Ngumiti lang ako kasi nga wala na po talaga akong energy. Pakiramdam ko nga magko-collapse na ko eh.

"Umupo ka muna dito."

Umupo naman ako dun sa upuan na ibinigay ni Mama Elis. Yan talaga tawag namin sa kanya. Para daw bata pakinggan. Bagets eh.

"Ano ba gusto mong kainin?"

"Kahit ano pong madaling nguyain at lunukin."

Tumawa na naman siya. Pero nag-utos na din dun sa isa niyang alagad sa tindahan niya.

Makalipas ang ilang minuto....

"Kelan pa po kayo nagtinda ng lugaw?" tanong ko habang nakatingin sa lugaw na nasa tray.

Tumawa na naman siya. Kung hindi ko kilala si Mama Elis. Iisipin kong nawawala na siya sa sarili niya. "Especially made yan for you. May sakit ka di ba? Hindi mo na kailangang nguyain yan." Tapos sabay niyang itinaas yung dalawang kilay niya at ngumiti sa kin.

Napangiti naman ako pabalik.. para talaga siyang nanay sa'ming magbabarkada. Kung nagtatanong kayo kung nasaan sila ngayon? Nasa room sila. Nagkaklase. Pina-alis sila nung nurse sa loob ng clinic kanina. "Magsibalik na kayo sa mga klase niyo. Ako nang bahala sa kanya." Yan yung sabi niya kanina sa kanila. Pero ano?? Pinabayaan niya ko. Ibuhos ko kaya sa kanya tong lugaw. Naaakoooo!!

"Salamat po." Tapos kinuha ko yung wallet ko para magbayad.

"Wag na hija. Regalo ko na yan sa napakaganda mong first day ng pagiging senior. At si Evan na magdadala ng pagkain mo sa table mo. Baka matapon mo pa, sayang naman."

"Salamat po ulit." Yun na lang nasabi ko sa kabaitan ni Mama Elis.

Naupo na ko sa isa sa table sa cantene. Nilapag na din ni Evan yung pagkain at nakapagpasalamat na din ako.

Walang masyadong tao sa cantene. Hindi pa naman kasi lunch break eh. Meron lang tatlong babaeng junior students three tables from my right, at isang lalaking sophomore na nagbabasa dun sa pinakabungad na lamesa ng cantene.

Simply Complicated [on hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon