CHAPTER 2: Rooftop
“Anak. I’ll be out with your Tita Miranda, dun ka muna kila Makoy okay? Love You. <3”
Basa ko sa note na nakalagay sa pinto ng bahay namin. Wala si mama at gusto pa niyang dun ako kila Makoy mag-stay habang hinihintay siya. Haay. Hindi na lang, mas gusto ko mapag-isa ngayon sa loob ng bahay namin. I need this time alone.
Pumasok ako at pumunta diretso sa kwarto ko, which is bibihira ko lang matulugan kasi gusto ni mama tabi kami matulog. Nalulungkot daw kasi siya kapag natutulog mag-isa, kaya pumayag naman ako. She’s a single mom, ang sabi, iniwan daw kami ng tatay ko nung bata pa lang ako. So basically, it’s just me and my mama. And that’s just beyond having a happy family.
Nagshower na ko para makapagpalit ng damit. To wash all the things that happened that day. Buti na nga lang natanggal nung nurse yung stain sa skirt ko kanina.
After nun, nagpunta na ko sa kusina to prepare my dinner. Kapag may night out sila, late na talaga sila umuuwi.
Nung malapit nang matapos yung niluluto ko, may narinig akong kumatok sa pinto. Bakit parang ang aga naman yata nila ngayon? Iniwan ko yung niluluto ko para buksan yung pinto. Pagkabukas ko ng pinto si Makoy.
“Bakit ka nandito?” tanong ko agad. Pumasok naman siya agad sa bahay, ganun kami ka-close. Wala nang batian, direct to the point.
“Bakit ang tagal mong pumunta sa bahay?” tanong niya nung nasa sala namin siya. Ang seryoso ng mukha niya.
“Bakit naman ako pupunta sa inyo eh may bahay naman ako?” Sagot ko.
Nagbuntong hininga lang siya, tapos biglang parang may naamoy na kung ano. “You’re cooking.”
Oo nga pala. Nakalimutan ko na naman. Palagi ko na lang nakakalimutan mga ginagawa ko kapag malapit ang lalaking to sa ‘kin.
“Oo nga pala..” bulong ko tapos takbo pabalik sa niluluto ko. Yun nga lang naunahan na niya ako. “Adobo? Marunong ka na magluto nito?”
“OO naman! Anong akala mo sa’kin?”
Ngumiti siya ng pilyo. Nang-aasar na naman. Haay! “Tabi nga!” Tapos binangga ko siya gamit yung bewang ko paalis dun sa niluluto ko. “Alam mo kung inis ka pa din dun sa nangyari kanina, kalimutan mo na yun.” Sabi niya.
Kalimutan? Eh bakit mo pa binanggit? Tss. “Anong nangyari kanina? Nagkita ba tayo kanina?” tanong ko na lang na patay malisya.
Ngumiti siya ulit. Kung tatanungin ako, siya may pinaka kumpletong ngiti na nakita ko sa tanang buhay ko. Kapag ngumiti kasi siya, hindi niya tinitipid, no holding back, he smile with all his might. And I love seeing him smile.
Haay! Heto na naman ako. Binalik ko na lang yung atensyon ko sa niluluto ko, pero pagkagulat ko, bawas na.
Hinanap ko si Makoy, at ayun, nakakuha na siya ng ulam na niluto ko at nilalagay sa lalagyanan.
“Magnanakaw!” sigaw ko. Tumawa siya “Kasalanan ko bang nagde-day dream ka na naman?” Sabay tinakpan niya yung ulam. “’Lika na..”
“Sinabi ko nang hindi ako sasama di ba? Iuwi mo na yang ulam kung wala kang makain.”
“Ano akala mo sa’kin? Poor? Hehehe. Lika na bago pa kita buhatin.”
“Hindi mo ko kaya.”
Tumaas bahagya yung kilay niya. “Hinahamon mo ba ako??” again. The smile. Damn! Stop smiling at me!
“No.” sagot ko habang nakatingin ng diretso sa mata niya. Hindi siya sumagot at tinitigan lang ako. “Fine! Psh!” I give up. That’s how he affects me, kahit na yung gusto kong gawin na mapag-isa igi-give up ko just to have that moment with him. Just to be close… again…
BINABASA MO ANG
Simply Complicated [on hold]
Teen FictionA story written for all those who can't let go of their first young, childhood love. How it grows. How it hurts. and how it simply complicate things.