"Magandang maganda ako. Hahahahaha joke. Hello everyone my name is Katrina Sophia Sandoval but you can call me Katkat for short. Im already 20 years old turning 21 on September 19. Whoooooo! Grabe ayoko na nosebleed na ako sakit sa bangs mag English. Nakatira sa isang apartment sa may Bayanan Muntinlupa City at naniniwala sa kasabihang ang taong palingon-lingon sa pinanggalingan bangin ang babagsakan. Thank you!" pakilala ko sa harap ng salamin ko.
Isa sa mga pangarap ko ang maging Miss Universe someday. Well meron naman akong height, beauty, and brain. Wala nga lang jowa. Haynako! Nakakalima na akong jowa at lahat sila niloko at iniwan ako. Saklap ko sa lovelife. Kota na ko. Tama na muna. Sobrang sakit na. Graduated na ako sa kursong Accounting and Business Management at ngayon ay nagtatrabaho na ako sa isang kompanya bilang marketing head. Mag-isa nalang ako sa buhay dahil wala naman akong mga kapatid at yung sa parents ko naman namatay sila sa isang car accident. Lahat ng naipundar nila ay pinambayad lang ng utang. Yung mga tita at mga tito ko naman ay nasa Canada at nung namatay yung mga parents ko kinukuha nila ako pero hindi ako sumama. Ayoko kasi mas gusto ko ng mag-isa. Nagworking student ako para matustusan ko ang pag-aaral ko. Kaya ngayong kumikita na ako nag-iipon aako para sa negosyong itatayo ko. Gusto ko kasing maging chef sana pero mas sinunod ko ang utos ng parents ko na pasukin din ang mundo ng pagnenegosyo kaya ABM ang kinuha kong course. Pero itutuloy ko pa rin ang pangarap kong magkaroon ng sarili kong restaurant. Kaya ang kalahati ng sweldo ko ay iniipon ko para sa restaurant ko at yung kalahati naman ay pinangtutustos ko sa araw-araw. Meron akong motor na regalo sakin ng dad ko nung mag 18 ako na ngayon ay ginagamit ko sa pagpunta sa trabaho ko. May mga sideline naman ako katulad ng nagtitinda ako ng yelo, ice candy, at ice tubig dito sa bahay at nagdidealer ako sa mga anek-anek at itinitinda ko sa mga katrabaho ko. Well nagustuhan ko na din ang pagnenegosyo. Sanay na talaga akong mag-isa. Usapang lovelife naman. Iniyakan ko talaga ng sobra ang last boyfriend ko kahit hanggang ngayon naman sa tagal pa naman ng pinagsamahan namin na halos masasabi ko na talagang perfect relationship. Umabot kami ng almost 2 years. Ang hilig nyang pumunta sa kung saan saan. Adventurious kasi yun mabilis naman mapagod. Kaya pag naalala ko ang mga memories naman together napapaiyak nalang ako. Hindi ko alam kung bakit hindi ko sya makalimutan o baka hindi pa talaga ako handang kalimutan sya. Dati paggising ko palang ng umaga meron na agad akong good morning message na nakukuha galing sa kanya na nagpapabuo naman ng araw ko. Pano sobrang sweet at super long pa. Grabe sobrang nakakakilig talaga. Ay! Nakalimutan ko pa syang ipakilala. Si Aravin Dantes ang ex-boyfriend ko. 20 years old palang sya may sarili na syang kompanya. Perfect boyfriend sya kung ilalarawan. Mabait, gwapo, matalino, matipuno, at sobrang sweet nya. Lagi pa nyang sinesecure na kumakain ako sa tamang oras sa araw-araw. Sobrang caring nya at sobrang loving na boyfriend. Legal pa kami sa parents nya. Actually botong-boto sila saming dalawa. Perfect na lahat kaso may nangyari na hindi ko inaasahang magbabago sa lahat. Nabulabog ang pag daydreaming ko ng marinig ko ang wangwang. Ay! Boses pala ng bestfriend ko. Hahahahah.
"Katkat, anong oras na papasok pa tayo bilisan mo!" -Bella.
Grabe sobrang lakas ng boses nya at napakatinis pa. Nakakarindi! Pero kahit ganyan yan mahal na mahal ko yan. Lagi syang nandyan para sakin sa lungkot man o kaligayahan. Palagi din naman akong nandyan para sa kanya. Walang iwanan!
"Oo na besis, tara na." -Katkat.
YOU ARE READING
Till I Met You
Novela Juvenil"I love you to the moon and back." -Katkat "But I need to do this, for good. God knows how much i love you, but Aravin needs me. Im sorry Jaiven. Goodbye." -Katkat