Enticing Thirteen

234 5 2
                                    

Joyce's POV

Ayt bakit andaming umaalis? Tsk. Yan kasi andami pang mga reklamo eh.. Apat na lang kaming natira sa grupo. Hayst!! Mapuntahan nga si Hera..

"Hera!!" Yun oh! Tumingin agad. Syempre sa lakas ba naman ng boses ko.. Gagung bingi na lang ang hindi makarinig sakin.

"Oh Joyce?.. Kumusta?"

Maloko nga, sanay naman na sila sakn eh.. "Eto malaki pa rin ang--"

"Tumigil ka nga Joyce!! Umaandar na naman ang pagkaano mo.." Bulyaw niya sa 'kin. Natawa na lang ako ng malakas. Eh sa ganun na talaga ako pinanganak eh!

"Ilan yung natira sa inyo?" Umupo ako sa mesa. Walang basagan ng trip.

"Kami na nga lang ni Keith eh.." Uh-oh!

May nalaman lang nman kasi ako. At ang masasabi ko lang, ANG TANGA NG MGA TAO!

"Ah ganun ba.. Kami nga apat na lang eh.."

Nagkwentuhan lang kami ng kung anu ano.. Dahil sa maraming naalis, napostpone tuloy yung activity namin ngayon. Nagpunta lang naman ako dito kasi bukod sa naiinip na ko eh may nyetang asungot---

"HOY JOYCE FAUSTINO!!" Nak ng putakte!! Kakasabi ko lang na may asungot at eto na nga, kabanas!

"Oh napano ka?!" Mataray kong sabi. Hindi naman karapat dapat na pakitaan ng mabuti.

"San ka kasi nagpupu-punta! Nagaayos na dun ng mga gamit eh!!"

"Sus! Namiss mo lang ako gagu mu!" Asik ko sakanya. Asar talo, loko! Bumaling ako kay Hera, "Ui balik na ko ah.." Tumango nalang siya atsaka umiling-iling..

"Mukha kasing sinusundo ka na ng jowa mo eh.." Binatukan ko nga, "Aray naman!"

"Jowa mo mukha mo! Palapa ko pa yan sa leon eh!" Sabi ko tsaka nako lumapit kay Josh. Wala, ganyan talaga pag cute, hinahanap-hanap! Okay. Ang yabang ko na.

"Kapal mo rin eh noh! Miss-miss-in mo mukha mo, kapangit mo lang!!" Tsaka siya tumalikod at nagumpisang maglakad.

"Sus!! Nagsalita ang gwapo!! Manahimik ka na dyan kung ayaw mong pakainin kita ng tilapia!! Malaki pa naman.." Asar ko sakanya, ewan ko lang kung magegets ng ugok! Slow yata at sadyang bobu neto eh..

"Hindi ako kumakain ng--"

"Sinabi ko bang papakainin kita nun! Swerte naman ng lahi mo!!"

"Sabi mo kaya---"  Kita nyo? Ang slow!!

"Kaya nga!! Ano gusto mo?"

Napakunot siya ng noo. Iniisip niya sigurong ang labo ko. Bahala siya!! 

"Alam mo ba, favorite ko ang hotdog.." Huminto siya atsaka niya ko binigyan ng weird look.

"And so?" Asik niya.

"Wala lang.. Tapos malaki na may cheese.." Tuloy ko. Pinipigilan ko ang sarili kong hindi matawa sa sarili kong biro. 

"Paki ko ba!!"

Hindi ko siya pinakinggan. "Kaya nga gusto kong magasawa ng 'Kano eh.."

By that, napahinto siya sa paglalakad, Pigil ko naman ang matawa sa hitsura niya. Mukhang nagets na ng gagu eh..

"A-anong sabi mo?" Ahahahaha..

"wala sabi ko, kalalaki mong tao, Slow ka!!" Tsaka na ko naunang maglakad. Eh malay ko bang ganun 'to ka-slow? Psh!

The Enticing GoddessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon